ABYSS 16

59 30 0
                                    

jyriz's pov

Impakto siya. Bakit...bakit niya gi-ginawa iyon? Puwede naman akong pagsabihan ah?


"Ms. Casella!"

Ayako. Wala ako sa mood. Takte! Kasalanan niya ito!

"Sagutan mo ang nasa board ngayon na!"

Hiyaw ng hiyaw ihh! Ako pa talaga? Fine.

"Doon sa number ten." Utos niya sa akin kaso gumawa na ako agad ng lagusan at pumasok.

Isinarado ko agad para hindi na ako masundan pa nina Markus. Wala naman sigurong nangyari sa dati kong apartment ano?

"Eh?"

"Ah! I-ikaw ba ang dating may ari ng apartment na ito?" tanong niya.

Ang ganda naman nito...ang haba ng buhok niyang kulay ginto, pula ang mga mata pati ang labi, medyo matangkad pa sa akin. Ang balat niya halos maputla? Bampira ba siya?

"Sa lahat ng nilalang ikaw lang ang hindi ko nababasa," saad niya, at lumapit sa akin, "Kung ayaw mong naririto ako puwede naman ako sa sahig. Wala lang kasi akong matutuluyan." Paliwanag pa niya.

"Ahhh, wala iyon okay lang. Ikaw ay si?" tanong ko.

"Mica na lang itawag mo," tugon niya sa akin, "So, bakit ka napabalik sa apartment mo? May nakalimutan ka ba?"

"Wala. Gusto ko lang muna mapag-isa sana..."

"May nanakit saiyo noh?" tanong niya na binitawan muna ang sandok, at pinatay ang kalan.

"Hindi ah! May hinalikan lang ako ng malalim na hindi naman niya gawain," tugon ko.

"Ayy mga kabataan talaga ano?"

"Hindi na ako bata ha?"

"Bata ka pa rin since nasa matanda na akong edad," saad niya.

"Guwapo siguro noong humalik saiyo,"

"Naman ihh! Kainis iyong Jeiren na 'yon...kupal siya. Kasalanan niya ito! Ah, pasensya na,"

Umiling siya, "Si Jeiren pala guwapo naman iyon ah?"

"Teka, kilala ninyo si Jeiren?"

"Ah! Oo! Istudyante ko siya noon," tugon niya sa akin.

Mayroon siyang kinuha mula sa bulsa ng suot niyang apron, isang pulseras na kulay puti, at saka isinuot sa kanang kamay ko sabay ngiti.

"Hindi ko aakalain na...mayroon siyang pagnanais na makahalik ng isang babae," wika niya.

"Hindi kita...hindi kita maintindihan Mica," saad ko.

Tumango siya, "Ayos lang. Kuwentuhan mo ako ukol kay Jeiren nitong nagdaang araw na kasama mo siya." Utos niya sa akin at umupo na kami sa sofa.

Wala akong nararamdamang masama mula sa kanya, bagkus para siyang kakilala ko pero hindi naman, at saka ang presensiya niya parang pamilyar. Pinagkuwentuhan namin ang sa Aegis Academy pa kami, tapos nang nakarating kami ng Abysmal Academy.

"Ang paborito ni Jeiren talaga noon ay dugo pero, noong pangyayari sa kanya noong kabataan niya eh, nakikisalamuha siya sa iba't-ibang bata upang maka-adapt siya." Paliwanag niya.

Medyo wird ang isang ito as guro niya.

"Tinanong ko siya noon kung mayroon siyang nagugustuhang babae sabi niya, 'Aksayado lang ang panahon ko sa mga ganyan' tapos sabi ko, 'Sino'ng mag-aalaga sa iyo?'; nakakatuwa ang sagot niya sabi niya sa akin... 'Ed iyong babaeng nakatadahana para sa akin'. Naguguluhan ako sa isang iyon na nitong ilang taon ko lang siya naintindihan na hindi ko na siya nakita pa." Kuwento niya at humigop ng mainit na dugo.

"Nakakatuwang close na close kayo ni Jeiren," saad ko.

"Ang totoo niyan nagsinungaling ako saiyo iha," panimula niya at kinapitan ang kanang kamay ko, "Restrain bracelet ang isinuot ko saiyo para kapag nalaman mo kung sino ako eh, hindi mo ako iiwanan," dagdag pa niya.

"Anong ibig mong sabihin Mica?" tanong ko.

Don't tell me...

"Ako ang ina ni Jeiren. Jamaica ang tunay kong ngalan," pakilala niya.

Gusto ko tuloy lumubog sa kawalan...

"Pambihira kayo aba!" hiyaw ko na napabitaw siya sa kamay ko.

"Magnanay nga kayo!" hiyaw ko pa.

Kumuha na lang ako ng kumot sa kabinet ko at binalutan ang buong katawan ko ng kumot tutal ayakong mag-usap muna. Pambihirang buhay ito, oo!

"Jyriz," tawag niya sa akin.

"Gusto kong mapag-isa!" hiyaw ko sa kanya.

Jyriz na saan ka? – Jeiren

Walang makaka-alam ng ginawa ko saiyo dahil ang nakakita inalisan ko ng alaala. Hindi kita maramdaman sa Abyss kaya na saan ka? – Jeiren

Jyriz, hinahanap ka ni Pres. Nasaan ka raw? – Zyke

"Bwiset! Tantanan ninyo nga ako!" hiyaw ko.

Kung sasabihin mo lang kasi kung na saan ka – Jeiden

"Nasa impyerno kasama si Santanas! Buwiset ka!"

Kumalma ka nga! Hinalikan lang kita riyan nagkakaganyan ka na! – Jeiren

"May gana ka pang magalit ikaw 'tong magnanakaw ng halik!" hiyaw ko pa.

Jyriz, puwede tayong mag-usap kung gusto mo. Magsabi ka sa akin kung na saan ka... – Jeiren

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagsimulang matulog imbis na sagutin ko ang tanong ni Jeiren, kainis ang kupal eh...

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon