ᴀʟᴀs sais y medya ng gabi, araw ng Huwebes nagutla na lang si Jamaica nang naroroon nakatayo ang kanyang anak na si Jeiren.
"Ma?"
Nakangiti si Jamaica at niyakap ang anak na ganoon din ang binatilyo sa kanya.
"Hinahanap kayo ng Dad ah?" tanong ni Jeiren.
"Naku! Alam mo naman na tamad ang tatay mo. Huwag kang mag-ekspek na susunduin niya ako noh!" at saka kumawala sa pagkakayakap sa anak.
"Sabi niya iiwanan sa akin ang akademya tapos hahanapin ka raw niya,"
Ngumiti lang si Jamaica, "Nagpa-uto ka na naman sa tatay mo. Tamad nga ang tatay mo Rejie,"
"Ma, huwag ninyo akong tawaging--"
"Ah! Naririto na pala si Baby Rejie," sambit ni Jyriz na kakalabas lang sa banyo ang suot ay manipis an puting night gown, hanggang tuhod ang haba nito.
"J-Jyriz?" sambit ni Jeiren na kumawala sa hawak ni Jamaica.
Napangiti ang ina nang niyakap na ng kanyang anak ang dalaga.
"Halatang namiss mo siya ah!" sambit ni Jamaica.
"Baka naman hindi ako makahinga Pres," saad ng dalaga kay Jeiren.
"Tinatanong kita kung na saan ka pero hindi mo ako sinagot,"
"Bawal bang magsolo?" tanong ni Jyriz habang nakayakap pa sa kanya ang binatilyo.
"Hindi. Pero dapat sinasabi mo kung na saan ka, para hindi na ako mag-alala pa,"
"Tatay ko lang Rejie?" tanong ni Jyriz sa kanya.
Isinubsob na ni Jeiren ang kanyang ilong sa kanang balikat ng dalaga.
Namiss kita – Jeiren
"Ano kikiligin na ba ako ha?" seryosong tanong ni Jyriz.
Imbis na higpitan ni Jeiren ang pagkakayakap sa dalaga'y ibinaba niya ang kaliwang kamay sa likurang bewang nito, at doon niya idinikit sa kanya.
"Oist Rejie!" tawag ni Jyriz.
"Magluluto muna ako anak ha?" paalam ni Jamaica na nakangiti at saka nagtungo sa kusina.
"Sisiguraduhin kong hindi ka makaka-alis ng walang paalam muli sa akin," saad ni Jeiren at saka kumawala sa pagkakayakap niya sa dalaga.
"Mukha kang tanga," sambit ni Jyriz.
"Kung ang tutang gumala hinahanap ng amo ikaw pa kayang pag-aari ko!" hiyaw na ni Jeiren.
"Arf! Arf! Mukha ba akong chiwawa saiyo gago!" hiyaw pabalik ng dalaga.
"Jyriz, alam mong pag-aari kita!"
"Alam ko, hindi ako tanga! Pero iyang desisyon mo unggas ka, lumalagpas ka na sa boundary mo lalaki. Baka nakakalimutan mong kras mo ang red hair ko!"
"Teka, bakit napasama iyan?" kalmang tanong na ni Jeiren habang nakakunot ang kanyang noo.
"Humihiyaw ka kasi, tagabundok lang?" tanong pabalik ng dalaga.
"Kakagutom, tabi riyan." Tulak ni Jyriz kay Jeiren at nagtungo na sa kusina.
Bibigyan ko ng trabaho si Jyriz – Jeiren
Namiss mo lang siya at nahiwalay lang saiyo nagkaganyan ka na – Zyke
Hindi ko na nga hahayaang umalis siya ng walang paalam – Jeiren
As if mapigilan mo – Zyke

BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasía[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...