ɪsɪɴᴜʙᴏ ni Jyriz ang tuktok ng corpse flower na ikinatitig ni Jeiren sa kanya. Dinilaan pa ito ng dalaga...
"Riz!" hiyaw ni Jeiren na ikinagutla ng anim na kasamahan.
"Ano?" iritang tanong ng dalaga.
"Kakainin ang pagkain at hindi nilalandi!" hiyaw pa nito.
"Tungaw ka! Dinidilaan talaga ito para lumambot bago maubos ang amoy ano!" hiyaw pabalik ng dalaga, at isinubo muli.
"Pres, bakit?" tanong ni Rovic.
"Bj," saad ni Jeiren na ikinabungis-ngisan ng anim.
"Wow, ipagtitira mo na siguro ng puntos ang asawa mo para makabili siya muli ng ganyan," saad naman ni Zyke.
"Huling bili mo ng ganyan Jyriz." Seryosong utos ni Jeiren.
Dila papataas bago ialis ni Jyriz ang kanyang labi sa kinakain.
"Problema mo sa kinakain ko? Hindi naman kita pinagbawalan sa sinisipsip mong mata kanina ah!" maktol ng dalaga.
"Pag-aari kita kaya sundin mo na lang ang utos ko saiyo," paalala ni Jeiren.
"Problema mo nga sa kinakain ko ha?" tanong ni Jyriz.
"Hindi ka-aya-ayang kainin ang ganiyang klase ng pagkain Jyriz,"
"Walong oras ang freshness nito kaya huwag ka ng magreklamo kung ayaw mo ng amoy," sambit ng dalaga.
Dinilaan muna ni Jyriz ang tuktok ng halaman, at saka isinubo ng buo. Napalunok na lang si Jeiren sa nakikita, at sa pagtunghay ng dalaga kinagat na ang kinakain. Kumain na rin si Jeiren.
"Na alala ko, kilala mo Riz, iyong red lady?" tanong ni Jeiren na tanging siya lang ang nakakarinig.
Tumingin ang dalaga at ngumiti, "Gusto mong makilala?" tanong niya rito.
"Nakyu-kyuryus lang ako," wika ni Jeiren.
Ngumiti na lang si Jyriz, at halos inu-ubos na niya ang kanyang kinakain. Matapos kumain nina Rovic at saka lang nila inimis ang kanilang pinagkainan, ibinalik ang lamesa at doon nagpaalam na sina Markus kapit-kapit na rin si Jyriz.
"Balik na kami sa klase Pres!" paalam ni Zyke.
"Huwag ninyong pabibilhin o pakakainin muli si Jyriz ng corpse flower." Utos ni Jeiren.
"Problema mo sa pagkain kong iyon ha?" iritang tanong ng dalaga.
"Sumunod ka na lang Riz, kung ayaw mong magkagulo."
"Tara na klasmeyt," yakag ni Benjie kay Jyriz.
Habang nasa daan ang apat na magkakaklase, hinigit ni Jyriz ang kanyang kamay mula kay Markus.
"Ano ba kasing problema ng isang iyon sa corpse flower?" tanong ng dalaga.
"Para ka raw nagb-bj eh," tugon ni Benjie.
"BJ?" kunot-noo na tanong ni Jyriz.
Inarte ni Benjie ang ukol sa bj na tinutukoy nila at nagutla na lamang ang dalaga.
"Balasubas kayo!" hiyaw nito sa kanila.
"Kaya ayaw ni Jeiren na kakain ka ulit ng corpse flower," wika ni Zyke.
Natigil ng paglalakad si Jyriz na ikinatigil din ng tatlo.
"So, nagagalit siya kasi hindi kanya, ang ginagawa ko sa pagkain ko kanina ganoon?" tanong ni Jyriz.

BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasy[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...