Halos kaba ang nararamdaman nina Cess, Cielo, at Zhaira para kay Jyriz. Habang ang mga kaklase nakapokus lang sa kanilang pareha.
"Tumayo ka riyan Jyriz." Utos ni Jeiren sa dalaga.
"Ano na naman?" tanong ng dalaga, at sa kanyang pagtayo agad kinapitan ni Jeiren ang kanyang kanang kamay.
Tumingin muna si Jeiren kina Jerome at tumango.
"Gawin ninyo na," saad ni Jeiren at saka hinigit pakanya ang dalaga.
"Teka, agaran?" tanong ni Jyriz.
Bago pumasok sa lagusan ang tanging narinig na lang ni Jyriz ay ang pag-irit ng tatlong dalaga. Lumabas silang dalawa sa bubong mismo ng kanilang dormitoryo, at hindi pa binibitawan ni Jeiren ang dalalaga.
"Bakit mo ako dinala rito muli?" tanong ni Jyriz.
"May sinabi ang libro na hiniram natin sa silid-aklatan,"
"Iyong kanina?"
"Iyon nga," tumingin si Jeiren sa dalaga, "Sinabi niya sa akin na purong dugo kang mangkukulam pero kinagatan ka lang ng isang bampira," dugtong pa ni Jeiren.
"Ano pa ba ang sinabi niya?" tanong pa ng dalaga.
"Hindi ko na sasabihin ang iba pa niyang sinabi pero, totoo bang ikaw ang magmamana ng susunod na ranggo sa mga itim na mangkukulam?"
Natigil si Jyriz.
"Waaah! Hindi!" hiyaw ng dalaga sabay upo na ikinagutla ni Jeiren dahil kapit-kapit pa niya ang kamay ng dalaga.
"Hoy, ano ba? Ihuhulog mo ba ako ha!"
"Panigurado pati iyong sinabi ng Lola ko eh, sinabi na rin ng kupal na librong iyon saiyo," sambit ni Jyriz.
"Jyriz," tawag ni Jeiren.
"Che! Nagmamaktol pa ako," sambit ni Jyriz.
"Tumayo ka na." Utos pa ni Jeiren.
"Kakalimutan ko na lang ito," sambit ni Jyriz.
"Hindi mo nga sinagot ang tanong ko pambihira ka," sambit bni Jeiren.
Tumayo na ang dalaga mula sa pagkaka-upo niya, "Sa tingin mo, bakit wala na tayong makitang mangkukulam sa paligid? Kahit estudyante wala akong makitang mangkukulam sila,"
"Dahil kaya nila ang mga bampira eh, kakampi ng mga normal na tao ang bampira?"
"Nasagot ka ba o nagtatanong pabalik?" lingon ni Jyriz kay Jeiren.
Pareha silang tumingin sa isa't-isa na ikinagutla ni Jyriz sa distansya ng kanilang mga mukha, kaya't siya na mismo ang umiba ng tingin, at nanatiling nakatayo habang ina-antay nilang matapos kumain ang mga kaklaseng zombie sa ibaba.
Umabot ang alas sais ng gabi, at nanatiling naroroon sa bubong sina Jyriz, at Jeiren.
"Hanggang anong oras tayo rito?" tanong ng dalaga.
"Kapag may lumabas na,"
"Tanga ka! Kita mong ikaw ang ina-alalayan nila hunghang!" hiyaw ni Jyriz.
"Mga salita mo...hindi ko mawari, baka kasi ma-istorbo natin sila," saad ni Jeiren.
"Timang ka! Halika na kasi!" utos ng dalaga, at hinigit pababa ni Jyriz.
![](https://img.wattpad.com/cover/319207433-288-k828732.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasy[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...