ABYSS 3

183 59 1
                                    

Matapos ng klase, walang nalabas ng kuwarto tanging si Raven lang. Sa takot ng tatlong dalaga maliban kay Jyriz ay nagdesisyon silang antayin na lang ang mga lalaki, dahilan na rin sa batas nilang...kung nasaan ang marami ay doon dapat sila naroroon. Nagtungo sa unahan sina Jeiren, at Jerome.


"Bago tayo bumalik sa dormitoryo eh, kailangan namin malaman ang kaarawan ninyo buwan, at petsa. Ilista ninyo sa harapan ng board para hindi kami mahirapan." Utos ni Jerome.


Si Zhaira na ang unang tumayo na inabutan siya ng chalk, habang isinusulat niya ang kanya...


"Since may bago tayong kaklase sila ang magrereport this time kay Sir," saad ni Jerome.


Zhaira Dullin, February 11

Inabutan ni Jeiren ng nakatiklop na papel si Zhaira. Sumunod na tumayo ay si Cielo.


"Mamaya hihiram tayo sa silid-aklatan ng mga libro," saad ni Jerome.


Cielo Tobias, March 5

Inabot ni Cielo ang chalk kay Cess. At kabadong kinuha mula sa kamay ni Jeiren ang nakatiklop na papel.

Princess Lovely September 3

Inabot na ni Cess kay Jyriz ang chalk tsaka kinuha mabilisan din ang papel mula sa kamay ni Jeiren.

Jyriz Casella January 3

Pagka-abot ni Jyriz ng chalk kay Jerome ay inabot na mismo ni Jeiren ang papel sa dalaga. Hindi nito binuksan, at saka bumalik na sa kanyang upuan.


"Oh, ano ang nakuha ninyo?" tanong ni Jerome.

"Akin ay Sirens ang nakalagay," tugon ni Zhaira.

"Sa akin naman ay Ghouls daw," saad naman ni Cielo.

"Bakit Zombies ang akin? Pambihira naman!" maktol ni Cess.


Halos nakatingin kay Jyriz ang tatlong dalaga pero alam na nina Jerome ang nakuha niya kaya hindi na itinanong pa.


"Hoy Jyriz! Ano iyong nakuha mo ha?" tanong ni Cess pero hindi siya nito pinansin.


Matapos isulat ni Jerome ang nakuha ni Jeriz at saka lang bumalik ang dalawa sa kanilang upuan, at doon kinuha ang kanilang mga gamit.


"Diretso tayo sa silid-aklatan dahil bukas ninyo rin i-rereport iyan." Sambit ni Jerome.

"Aba! Agaran! Parang mas kaya ninyo ang ganoon kaysa sa amin ah!" maktol ni Cess.

"Una kitang kakainin ang ingay mo!" hiyaw ni Zyke.

"Ganoon talaga ang gawain namin sa seksyon na ito ha, tigilan mo na ang magreklamo at sumunod ka na lamang sa batas ng seksyon." Utos ni Jerome sa kanya.


ᴘᴀɢᴋᴀʀᴀᴛɪɴɢ nila sa silid-aklatan, ang ilang mga estudyante na naroroon ay halos napayuko nang nakita nila sina Jerome. Inangkin na nina Jack, Makus, Gerald, Jericho, Benjie, Sebastian, ang isang lamesa roon habang sina Zyke, Rovic, Jerome, Brent, Nicolas, at Jeiren ang naghanap ng libro para sa apat nilang kaklase.


"Mahigpit pa ang guro natin ha?" tanong ni Zhaira kay Jerome.

"Oo," tugon na lamang ni Jerome.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon