ɴᴀɢɪsɪɴɢ si Jyriz na naroroon pa rin si Jeiren at nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa bintana na kung saan maliwanag pa rin ang buong paligid.
"Jyriz." Tawag ni Jeiren habang naka-upo na ito sa ibabaw ng kanilang kama.
"Bakit ba?" iritang tanong ni Jyriz sa kanya.
"Wala ng oras, kailangan na nating umalis." Utos nito saka umalis na parang nawalan na siya ng buhay.
Sumunod lang si Jyriz sa binatilyo na kung saan sa salas ang sugat-sugatang sina Rovic, at Shiela habang mayroong kapit-kapit na sanggol. Umupo na agad si Jyriz sa tabi ng dalaga.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Jyriz.
Ini-abot ni Shiela ang sanggol sa dalaga ngunit kinapitan agad ni Jeiren ang kanyang kamay, "Nalilimutan mong dala mo rin ang atin Jyriz." Paalala nito sa kanya.
"Pero..."
"Halika na." Yakag ni Jeiren sa kanya na tumayo na lang siya.
Bumalik tingin ang dalaga nang nakita niyang naiyak na lang si Sheila saka niya tiningnan si Jeiren...
"Bakit brutal ka ngayon?" mahina niyang tanong nang nakarating na sila sa pasilyo ng kanilang dorm.
Humarap si Jeiren sa kanya, "Ano ba talaga ang gusto mo ha, Jyriz? Dati ang gusto mo makita pa ang dati mong mamamayan na hindi ka susuko na makita mo ang kanilang mga bangkay. Tapos nagrequest ka sa akin na magtalik tayo dahil ang nasa isip mo na bigla akong mangaliwa, at hindi kita nagalaw. Tapos ngayon gusto mong mangalaga ng baby na bampira? Ano ba talaga?" iritang tanong ni Jeiren sa kanya.
Bumugtong-hininga si Jeiren saka yumuko na binitawan niya ang kamay ng dalaga.
"Gusto ko lang na maging masaya ka Jyriz kahit na...walang nabalik sa akin na gusto ko. Makita lang kitang nakangiti, masaya na rin ako."
"Jeiren..."
"Mahal na mahal kita Jyriz, hindi pa ba halata na spoiled ka sa akin ha?" sabay tingin na ni Jeiren sa kanya, "Hindi mo na ginagawa iyong gusto ko laging makita saiyo nang nabuntisan na kita," dagdag pa ng binatilyo.
"Jei--"
"Alam ko, ayos lang...sabi ko nga saiyo mas gusto kong--"
"Jeiren!" hiyaw na agad yumakap si Jyriz sa binatilyo.
Yumakap lang pabalik si Jeiren na nararamdaman ni Jyriz na umiipod sila papalayo sa gitna ng pasilyo na kung saan pinasabog ni Jeiren ang harang saka niya itinulak ang dalaga.
"Jeiren!" hiyaw ng dalaga at kahit na mayroong luha sa kaliwang mata nito'y nakangiti pa siya sa dalaga.
Mula sa lupang babagsakan ni Jyriz ang isang lagusan na bago siya mahulog doon ay agad sumabog ang buong dormitoryo, at doon nagsarado ang lagusan. Nakarating siya sa isang pamilyar siyang lugar...
"Re-reyna?" utal na patanong ng isang lalaki na ikinatahimik ng paligid.
"Eh?" gutlang sambit ni Jyriz natumayo na rin siya habang iginagala ang kanyang paningin sa kapaligiran.
Maliwanag ang kapaligiran at halos ng naroroon ay pula ang mga mata pati ang kani-kanilang buhok, mahaba man o maiksi, babae man o lalaki eh, pare-pareho sila ng kulay ng buhok maliban sa balat; ang balat nila'y kulay krema.
Hindi kayo kayang ipagtanggol ng reyna ninyo ngayon!
Isang hiyaw mula sa unahan na naka-mikropono.
Baguhan lamang siya at hindi niya kayo kayang ipagtanggol!
"Anak pa rin siya ng dating reyna!" hiyaw naman ng isang lalaking medyo malapit kay Jyriz.
Sa kanyang pagtayo naramdaman niyang mayroong sumipa sa kanyang tiyan pero hindi mula sa labas kung hindi sa loob na napakapit siya. Mayroong umalalay sa kanya na sampung elder ang tumayo para kay Jyriz. Napakapit siya sa kanyang tiyan na kung saan naalala niya ang huling nakita niya mula kay Jeiren.
Isa mga matatanda'y inalalayan na si Jyriz na sumunod lang ang dalaga sa kanila na kung saan nakarating sila sa isang lagusan na lahat ng na-aalala niya noon ay naroroon. Ang kaniyang pinagmulan, ang mga mapapait, at masasayang ala-ala'y nagbalik ng nakita niya ang kapaligiran.
"Nagbalik na ang dark witch queen!" hiyaw ng matandang katabi ng dalaga.
"Maligayang pagbabalik mahal na reyna!" Hiyaw na yumukong bati ng isa sa mga head maid doon na lahat ng ilang katulong pa'y nagsiyukuan na lamang.
"Masaya kaming nagbalik ka muli sa amin mahal na reyna," dagdag pa ng matanda.
"Tiyak kong matutuwa si Dr. Bada nito," ngiting sambit ng head maid na si Toni.
"Kaya nga," ngiting sang-ayon ng matandang babae na si Yvette.
Pumasok na si Jyriz kasama sina Yvette, at Toni sa loob ng mansyon naroroon ang tinutukoy ni Toni na doktor, mataas siyang lalaki na malaki ang pangangatawan, nakasalamin ito ng makapal at medyo mahaba ang buhok na lalagpas batok. Lumapit na agad ito sa dalaga't hinawakan ang kanyang tiyan.
"Huwag kang mag-alala reyna ako ang bahala sa inyong anak," ngiti niyang sabi.
Nagising si Jeiren sa malakas na pag-uusap ng kanyang ama at ni Levi na parehang nasa salas, tumingin muna siya kay Jyriz na tulog pa rin kaya tumayo na siya. Sa kanyang paglabas ng kuwarto'y kasabay niya ang kanyang ina na papunta na rin sa pinagmumulan ng lakas na boses.
"May alam kayo rito?" tanong ni Jeiren sa ina.
"Wala eh," tugon na lang ni Jamaica sa kanya.
Nang nakarating sila sa salas ay ikinatigil ng dalawang demonyo at napatingin sa dalawang mag-ina.
"Mahal...Jeiren..."
"Ano'ng nangyayari?" tanong ni Jeiren sa ama.
Tumingin ang kanyang ama kay Levi na tumingin sa kanila si Levi.
"May nangyari ba?" tanong pa ni Jamaica.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantastik[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...