ABYSS 2

198 90 5
                                    

ᴘᴀᴘᴜɴᴛᴀ pa lang si Jyriz sa opisina ng principal nang nakasalubong na niya ang kaninang babae kasama ang kaibigan.


"Miss, teka, isabay mo na ang kaibigan kong si Zhaira." Pabor niya sa dalaga, at tumango lang si Jyriz.

"Salamat ha?" sambit ni Zhaira.

"Okay lang," tugon ng dalaga sa kanya.

"Alis na ako ha, try to survive ka ha?" agad niyakap si Zhaira ng kaibigan, at saka umalis na rin.

"Ako nga pala si Zhaira Dullin, ikaw?"

"Jyriz Casella," tugon ni Jyriz na magkatapatan silang naglalakad pareha pero wala pang lugar kung saan tutungo.

Tumigil si Zhaira tsaka hinarap ang dalaga, "Ayakong mapapunta roon sa seksyon, at kung puwedeng bayaran ang prinsipal gagawin ko. Wala naman akong kasalanan pero ako ang umako ng parusa, puwede mo ba akong tulungan?"

"Na makatakas?"

"Ganoon na nga," tugon ni Zhaira.

"Pareha lang naman tayo ng pangyayari kaya mas maigi kung matira tayong buhay kahit panandalian lang,"

"Ang kaso kasi tao lang ako Sis!" maktol niya.

"Wala akong magagawa Sis, at wala akong alam sa mga kakayanan ng mga taga-Bloodstone," tugon ni Jyriz sa kanya.

"Huwag na tayong pumunta mas maigi iyon!" hiyaw na niya.

"Ikaw siguro huwag na ako...kaya kong magtagal doon," walang siglang tugon ni Jyriz.


Naglakad na si Jyriz papalayo kahit na wala rin siyang kaalam-alam kung saan ang dormitoryo ng Bloodstone, nang nakasalubong na rin ni Jyriz ang dalawa pang babae na may dalang maleta kagaya niya na de-hila rin.


"Lilipat ka rin ba sa Bloodstone?" tanong ng babaeng may gumamela pa sa ulo, at kulay pink ito.

"Oo," tugon ni Jyriz.

"Ako pala si Princess Lovely Duran, binayaran ko ang titser ko para makapasa kaya desisyon nilang dalhin ako sa Bloodstone dahil bad akong babae," paliwanag ni Cess.

"Ako naman si Cielo Tobias, minamanyakan ako ng kaklase ko kaya binugbog ko kaso anak pala iyon ng titser kaya heto papadala na rin ako sa Bloodstone," pakilala ni Cielo.

"Hi! Ako si Zhaira Dullin, iyong titser naniwala sa ka-away ko, tapos pinamukha akong masama! Kainis iyong Maria na iyon aba!" inis na sambit ni Zhaira.

"Same lang ako kay Zhai," singit na lang ni Jyriz.

"Dapat hindi na tayo pumunta roon," suwestyon ni Zhaira.

"Baka lalong bumigat ang parusa sa atin niyan eh," wika ni Cess.

"Wala naman magsusumbong," saad ni Zhaira.

"Ano ba 'yan kanina pa kayong ina-antay sa klasrum, at nagtsi-tsismisan lang naman kayo rito," maktol ni Rovic.

"Nagbabalak sila, ang ingay mo riyan," siniko ni Jerome ang kaklase.


Mas matangkad si Rovic kaysa kay Jerome pero pareha sila ng kasuotan, nakapantalon na kulay itim, nakaputing pangloob, at naka-coat pero magkaiba lang ng kulay.


"Ka-kailan pa kayo riyan?" utal na tanong ni Cess.

"Kanina pa," tugon ni Rovic.


Tumingin si Jerome kay Jyriz na yumuko lang ito sa kanya at saka bumalik tingin si Jerome sa mga babae. Itinuro ni Jerome si Rovic.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon