ᴘᴀɢᴋᴀʙᴀʟɪᴋ nila Jeiren at Jyriz sa palapag ay kasabay naglaho na rin ang lagusang ginawa ni Jeiren.
"Wala ka bang sariling pagkain dito?" tanong ng dalaga.
"Mayroon pero hindi ko sigurado kung ayos pa," tugon na lang ni Jeiren sa kanya, "Kakain ka pa sa lagay na iyan?" sabay upo ni Jeiren sa sofa.
"At bakit gusto mo ikaw ang kainin ko?" iritang tanong ng dalaga na ikinalingon sa kanya ni Jeiren.
"Nang-aakit ka ba?" tanong ni Jeiren at nakatingin sa dalaga.
[nakita ni Jyriz]
"Good afternoon Mr. Prinsipal umm, hindi ko kasi alam kung saan ako..." habang hinihimas ang kaliwang braso ni Jeiren at nakakagat labi ang babaeng mahaba ang buhok, "Pupunta sa lagay na ito eh," maktol ng babae na ibinulong sa kaliwang tainga ni Jeiren.
Tumingin ang babae sa gawi ni Jyriz at ngumisi pero pagharap kay Jeiren nawala ang ngisi nito, "That woman ayaw niya sa akin I did my best naman na maging kind sa kanya but, she pushed me to my limits Jei...do something with your pag-aari puwede ba?" hiyaw ng babae kay Jeiren.
"Jyriz naman, she is the king's daughter tandaan mong nasa abyss ka at marka--"
[nakita ni Jyriz]
Ipinikit na ni Jyriz ang kanyang mga mata habang ang kanyang buhok ay nagkulay pula, agad lumipad ang libro sa tabi ni Jeiren na nagpakita muli ng lenguwaheng tanging si Jeiren lang ang nakaka-intindi.
Hrl cnjv'i dmpvrhlg ni m hrglmh... (The King's Daughter is a threat...)
"Reil cnjv?" (Whose King?) tanong ni Jeiren sa libro.
Iegnmje... (Soriano...)
"Jyriz," tawag ni Jeiren sa dalaga ngunit wala siyang nakuhang reaksyon mula rito.
Tlmbepio ni m fbnii... (Jealousy is a bliss...)
Napa-iling na lang si Jeiren sa sinabi ng libro. Pagmulat ni Jyriz kulay pula na rin ang mga mata nito pero ngumiti...
"Bakit ba hindi ako tinatantanan ng ngalan na iyon?" tanong ni Jyriz sa sarili.
"Jyriz," tawag ni Jeiren.
"Ano?" seryosong tanong pabalik ng dalaga ngunit hindi tumingin sa kanya.
"Jyriz, tumingin ka sa akin." Utos ni Jeiren sa kanya.
Tumingin ang dalaga sa kanya ngunit hindi nawawala ang ang kulay ng buhok, at mata nito.
"Mayroon ka bang sasabihin sa akin?" tanong ni Jeiren.
"Ukol saan?" tanong ng dalaga.
"Nakalimutan mo bang pag-aari kita?" tanong muli ng binatilyo.
"Ano'ng kinalaman niyan sa gusto mong mangyari?" tanong pabalik ni Jyriz sa kanya.
"Sasagutin mo lang ang tanong ko ng walang halong kasinungalingan Jyriz."
"Ano'ng tanong?" tanong ng dalaga.
Napatitig muna si Jeiren kay Jyriz ng ilang segundo, at saka...
"Nagseselos ka ba?" tanong ni Jeiren.
Napakunot muna ang noo ng dalaga at saka nawala ang kulay pulang mga mata niya.
"Ha?" tanong ni Jyriz sa kanya, "Teka, bakit ako magseselos? At kanino ha?"
"Kilala ko kung sino ang tinutukoy ng libro. Ang kakaselosan mo sa mangyayari pa lamang," tugon ni Jeiren sa kanya.
"Pinakita ba ng libro?" gutlang tanong ng dalaga.

BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasy[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...