ABYSS 14

65 35 0
                                        

ɴᴀᴘᴀᴛᴀᴡᴀ ng kaunti si Princess, at tumingin kay Jyriz.

"Do I know someone like you?" tanong ni Patricia.

"Oo naman! Itinulak ninyo ako ni Elena sa Hollow Trench sa Eastern Side ng Hollow Kingdom, at hindi ba tanda mo pa ang ikinamatay ni Elena?" tanong ng dalaga sa kanya.

"You killed her! Witch!" hiyaw ni Princess Patricia.

"Teka, paano nga siya namatay?" pa-inosenteng tanong ni Jyriz sa kanya.

"Brutal ka that's it! Murderer!"

"Ingay sa tainga ng hiyaw niya pramis," takip-takip ni Sebastian ang kanyang tainga at ganoon din si Markus.

"Ay oo!" hiyaw ni Jyriz, "My first kill ano? Gamit ang blood magic...ang pinagbabawal na mahika," ngiti niya kay Princess.

"Impakta!" hiyaw ni Princess sa kanya.

Mula sa bulsa ni Jyriz ang isang pulang laso na maiksi, at ngumiti kay Patricia.

"Princess ilahad mo ang kaliwang kamay mo." Utos ni Jyriz, at halatang hindi kontrol ni Patricia ang kanyang kamay.

"Ano'ng gagawin mo?" hiyaw ng dalaga.

"Tanda mo ba ang ginagawang pantakot sa mga bata noon?" tanong ni Jyriz kay Princess imbis na sagutin ang tanong niya.

"Oo, siya raw iyong hihigit saiyo patungo sa trench kapag pakalat-kalat sa daan, at kapag hindi nasunod sa mga magulang," tugon ni Princess Patricia.

Napangiti ng todo si Jyriz, "Grabeh ang panakot ah! Talagang panakot nga!" hiyaw ng dalaga.

"Ano bang gusto mong malaman sa red lady ha?" iritang tanong ni Princess sa dalaga.

"Kayo may alam kayo sa red lady?" tanong ni Jyriz kina Rovic na tanging si Zyke lang ang umiling.

Tumingin si Jyriz kay Jeiren, "Ikaw Mr. Principal, kilala mo?" tanong ng dalaga.

"Naririnig ko pero hindi ko na pinapansin, bakit?" tanong ni Jeiren sa kanya.

"Oh? Bakit hindi mo pinapansin eh, red hair iyon kaya red lady nga tawag sa kanya noh!" hiyaw ng dalaga.

"Huwag mo na siyang ireto sa akin at sapat ka na," sambit ni Jeiren na nagpipigil ng tawa ang anim na kasamahan.

"Ano'ng nakita mo sa impaktang iyan Mr. Prinsipal?" tanong ni Princess.

"Dapat ba akong kiligin?" seryosong tanong ni Jyriz.

Kahit malayo sumenyas na pumitik si Jeiren at tumama ito mismo sa gitnang noo ng dalaga.

"A-aray!" sambit ni Jyriz, "Gago ka ang sakit!" dagdag pa niya.

"Tigilan mo ako Jyriz at huwag ka ng dumagdag sa mga kupal na ito." Turo ni Jeiren sa anim niyang kasamahan.

Habang hinihimas ni Jyriz ang noo ay lumayo na siya kay Patricia. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya katapatan kay Princess Patricia.

"ᚠᛟᛚᛚᛟᚹ ᚤᛟᚢᚱ ᚠᛁᚱᛋᛏ ᛚᛟᚡᛖ ᚢᚾᛏᛁᛚ ᛏᚺᛖ ᛖᚾᛞ ᛟᚠ ᚤᛟᚢᚱ ᛚᛁᚠᛖ. ᛖᚾᛞᛚᛖᛋᛋᛚᚤ ᚤᛟᚢ ᚹᛁᛚᛚ ᚹᚨᚾᛞᛖᚱ ᛏᛟᚷᛖᛏᚺᛖᚱ ᛒᚤ ᛋᚢᚠᚠᛖᚱᛁᚾᚷ, ᚨᚾᛞ ᚾᛟ ᛟᚾᛖ ᚹᛁᛚᛚ ᛒᚱᛖᚨᚴ ᚤᛟᚢᚱ ᛒᛟᚾᛞ ᛖᛪᚲᛖᛈᛏ ᛏᚺᛖ ᛞᚨᚱᚴ ᚹᛁᛏᚲᚺ ᛩᚢᛖᛖᚾ ᚹᛁᛚᛚ ᛒᚱᛖᚨᚴ ᛁᛏ." (Follow your first love until the end of your life. Endlessly you will wander together by suffering, and no one will break your bond except the dark witch queen will break it.) wika ni Jyriz.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon