Panimula

15.3K 230 14
                                    

"Serina!!! Kelan ka pa magbabayad ng renta mo?! Mahigit dalawang buwan ka ng delay sa bayad! Wala na ngang kuryente't tubig kang binabayaran eh. Tapos nahuhuli ka pa sa bayad! Anu ba yan!" sabi nung landlady ng tinitirhan kong dormitory.

"Naku Manang Telma, wala pa po akung pambayad. Baka po sa susunod na linggo pa yung sweldo ko eh." Nakita ko namang sumimangot sya.

"Haynaku! Hindi na pwede yan Serina... ako naman ang nalulugi at walang pambayad nyan. Dalawang anak ko pa ang nagaaral. Osya sya kapag hindi ka pa nakabayad sa lunes, wala na akong magagawa kundi paalisin ka sa dormitory mo."

"Lunes ho? Eh Sabado na ho ngayon. Wala pa ho akong-"

"Wala nang pakiusapan pa. Kailangan mo ng matitirhan at kailangan ko ng pera. Pag sa lunes wala pa? Mabuti nang ngayon palang magimpake ka na."

"Pero ho-"

"Lunes."

Tapos umalis na syang hindi man lang ako pinakikinggan.

ARRRRRGGGGGHHH!!! San ako kukuha ng 2,500? Tapos may interest pa. Hindi naman ako pwedeng bumale dun sa may restaurant kasi dalawang beses na rin ako nagadvance dun. Si Leslie naman wala ng income kasi bakasyon. Patay ako nito! Saan na ko titira?

Nagtataka siguro kayo ngayon kung bakit ako namomoblema dun sa rent? Simple lang. Baka kasi sa lunes wala na akong tirhan. May pera ba kayo jan? Baka pwede mo naman akong pahiramin. Wala na talaga akong mauutangan eh. Sige na oh. Kakapalan ko na talaga yung mukha ko.

Simula kasi nung nag-summer wala na akong matrabahuhan na iba kundi dun sa resto lang na maliit malapit sa dorm ko. Tapos ang baba baba pa ng sweldo. Naghanap naman ako kaso puro mga nagsasummer job yung mga nagtratrabaho. Wala pa nga akong pampaenroll next sem eh!!

"Hello? Tyang? Si Serina po it-ay buset! Binabaan agad ako?!" nung tinawagan ko yung tyahin ko sa may Maynila.

"Ann! Si Serina to! Yung classmate mo nung highschool. Baka pwedeng-"

"Sino? Serina? Wala akong kilalang Serina, wrong number po kayo. Sige po bye!" nung tumawag ako sa bestfriend ko nung hs year. Halata mo namang boses nya yun!

Last choice ko na lang si Dylan... pag yun hindi sumagot wala na talaga akong magagawa kundi magalsa balutan. Tama nga si Manang Telma... advance babye na kesa palayasin nya ko na mala teleserye sa eksena.

"Hello? Dylan! Ano... si Serina to... hindi ko na patatagalin ah... kailangan ko kasi ng pera eh... pambayad ko lang dun sa landlady. Pramis! Kapag nakaluwag luwag ako babayaran kita!"

"Magkano naman kailangan mo Serina?"

"3k pogi. Kailangan na kailangan ko lang talaga."

"Naku... wala akong ganyang kalaking pera ngayon pogi. Si mama kasi pinaghihigpitan ako ngayon. Pasensya na."

"Ganun ba...? Sige..." magbababye na sana ako kay Dylan ng bigla syang nagsalita.

"Pero pare kung gusto mo naman ng trabaho... may alam ako. Kaso hindi ko alam kung makakaya mo."

"Naku pogi! Okay lang kahit ano! Kailangan na kailangan ko kasi talaga eh, basta wag lang pagbebenta ng katawan. Anu bay an?"

"Maid."

"Maid?! Sus! Sisiw lang yan e-"

"Maid ni Dexter."

"Maid ni Dexter? Sus! Kahit sino pa ya-ANOOOOOOOOOOO??!!!!!!!"










"Oo Rina. Maid ka ng ex mo."

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon