To Do List: #10

5.1K 118 8
                                    

Sa lahat ng feeling na nararamdaman mo, selos ang mahirap itago.

—-

Ke-aga aga, nandito na naman yung Bianca. Wala tuloy akong magawa kundi umirap dahil tuwing maglilinis ako sa isang lugar, dun naman sila pupunta. Tapos, maglalandian, maghaharutan, ako tuloy nahihirapan sa kanila. Minsan nga feeling ko sinasadya na nila yung mga nangyayare eh para mapahirapan ako.

"Tara punta tayo dun sa kwarto mo." Sabi nung Bianca.

"Sige."

Taeng yan, ako nga gusto kong pumasok sa kwarto nya para maglinis eh. Hindi naman para sakin yun eh... para sa kanya yun, para hindi sya ipisin o kaya langgamin sa kwarto nya kasi alam ko naman na madalas sya dun. Pero AKO! Hindi nya pinapasok sa kwarto nya! MAGLILINIS NAMAN AKO AT HINDI MAGLALANDIAN SA LOOB PERO YUNG BABAENG YUN?! PINAPASOK NYA! HUSTISYA! HUSTISYA!

Nakita kong may kamay na nagwe-wave sa mukha ko. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako. Tumingin ako kay Dexter na nagtataka.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Kanina mo pa vinavacuum yung part na yan ng carpet. Wala ka ba sa sarili mo?" sabi nya naman.

"Hindi po Sir Dexter! Ano... kasi yung part na to, feeling ko, eto yung pinakamadumi... oo.. tama... kaya eto yung nililinis kong mabuti...hehehehehe." Umiling naman sya.

"Kung wala ka sa sarili mo, pwede ka ng magoff." Tapos pumasok na sila sa kwarto ni Dexter.

TSK! Maghaharutan lang naman kayo dyan eh. Tapos pinkikielaman nyo pa kong maglinis dito.

Naramdaman ko namang nagvibrate yung cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yung caller... si Dylan? Hay naku! May emergency na naman siguro to. Anu ba yan badtrip pa naman ako ngayon!

Rina: ANO NA NAMAN DYLAN? BUSY AKO!

Dylan: Woooahh! What's with the attitude dude? May problema ba?

Rina: WALA! ANO BA KASI KAILANGAN MO?

Dylan: Yung girl kasi na obsessed sakin... nandito sa mall. Feeling ko inii-stalk ako.

Rina: HA?! Osigee. Kuha ko na. Pupunta na ko dyan.

Sakto naman na paalis na ko, lumabas bigla si Dexter sa kwarto nila. Mukhang may hinahanap.

"Rina ikuha mo nga ako ng malamig na tubig." Nagtaka naman ako kasi bigla naman sya may inutos ngayon. Diba pina-off nya nako, ibig sabihin free time ko na. Kaya bakit may iniutos pa sya ngayon?

"Po?"

"Ikuha mo ko ng tubig yung malamig." Napahinto ako bago ako sumagot.

"Eh... akala ko po ba, off ko na?"

"May kailangan pa ko sayo diba? Ibig sabihin nun, hindi ka pa pwedeng magoff." Napanganga naman ako sa sinabi nya. Problema nito? Kanina lang pinapalayas nya ko para masolo nila yung bahay nung girlfriend nya. Ngayon namang aalis ako, tsaka nya ako inuutusan. Ang gulo nya lang ha.

"Eto na po..."

Pumunta agad ako sa kusina para kumuha ng tubig na malamig. Bumalik ako sa may sala para ibigay sa kanya yung tubig na hinihingi nya.

"Eto na po—"

"Ay hindi pala... ipagtimpla mo na lang ako ng tsaa. Magpainit ka ng tubig, gusto ko mainit."

"ANO HO?! Eh tanghaling tapat gusto nyo po ng mainit na tsaa—eto na nga po eh, magtitimpla na." Hindi ko tinuloy yung pagrereklamo ko kasi sinamaan na ako ng tingin.

Naginit naman ako ng tubig tapos kumuha ng tasa at tsaa sa may ibabaw ng ref nya.

Napapabuntong-hininga na lang ako habang ginagawa ko yung mga  dahil sa mga pinaggagagawa nya eh. Ang gulo-gulo pa nya lalo. Sabi nya gusto nya ng tubig na malamig tapos ngayon, gusto nya ng tsaa na mainit. Baka naman sa susunod, gusto nya ng maligamgam na kape? ARRRGGHHHH!!!!!

"Nagbago na nga pala yung isip ko, gusto ko ng maligamgam na kape." Sabi nya pagkaabot na pagkaabot ko ng tsaang kumukulo pa sa init.  

"HO?!!!! HINDI NA PO MASARAP ANG KAPE KAPAG MALI—eto nga nga PO eh. Magtitimpla na."

TANGINA! NAGDILANG ANGHEL AKO? Joke lang naman yung naisip ko tapos naing totoo? Magisip kaya ako minsan na sana yumaman ako...magkakatotoo kaya?

Napahipan na lang ako sa hangin. Ojusmiyo Marimar! Bakit nagkakaganito ang tao. Hindi ko na alam kung anong ginawa kong mali at nagkakaganito sakin ang amo ko. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Oo, inaamin ko, pasaway ako. Pero... may katwiran naman ako minsan eh. Tapos ang pagtripan ako ng hindi naaayon sa tamang pagkakataon ay hindi gawain ng isang matinong amo!

"Eto na p—"

"Itapon mo na lang yan. Lalabas kami ni Bianca para mag-Starbucks."

ARRRRRRRRRRRRRRRRGGHHHHH!! PUTANG INANG YAN?! LALABAS NAMAN PALA SILA PARA UMINOM NG KAPE... IPINAGTIMPLA NYA PA AKO? MAGDEDATE NAMAN PALA SILAAAA????!!! SAMANTALANG AKO, HIRAP NA HIRAP PARA LUMAMIG NG HINDI GAANO YUNG KAPE NYA! ANO BA NAMANG KLASENG AMO SYA? NASA MATINONG PAGIISIP BA YANG LALAKING YAN?

Yan ang mga nasa isip ko na gusto kong sabihin. Pero... hindi ko naman nasabi, dahil nakapoker face na lang ako at wala ng lakas para sumigaw, magwala at magreklamo sa amo ko.

"I'm ready!" nakita ko namang nagbago ng damit si Bianca. Ayos ah! Change costume. Dito ata sya nakatira ah. May damit eh.

"Good. Let's go." Sabi naman ni Dexter. Tumayo na sya para pumunta kay Bianca at ikinapit naman ni Bianca yung kamay nya sa braso ni Dexter. Ngumiti naman si Bianca sakin at nagpaalam na.

"Byeee Rina. J" sabi ni Bianca bago nila isinara ang pinto.

Humiga ako sa sofa para makapagpahinga. Grabe... kung sana hindi nya na lang sinabi na pwede akong magoff edi sana hindi ako disappointed ngayon. Akala ko naman makakapagpahinga na ako kahit isang araw lang. Hindi din pala.

*Brrrrrrrrrr*

Hala nagbavibrate yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag....si Dylan!!! Naku! Oo nga pala... sabi ko pupunta ako. Nakalimutan ko na yung tungkol sa kanya.

Dyl: Rina? Nasan ka na ba? Ayaw pa rin tumigil eh!

Rina: Okay! Papunta na... yung boss ko kasi, topakin eh! Sorry pogi.

Dyl: Daan ka dito sa may dress shop, second floor, name nya ay inifinity and beyond ha!

Rina: Geh.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon