To Do List: #17

4.1K 103 2
                                    

AN: Back na tayo sa present time... J Ang tagal ng flashback na yun ah. BWAHAHAH! Alam nyo na ang dahilan ng hiwalayang DEXTER at SERINA. Walang third party, third mami lang. Chos! HAHAHA! Okay read nyo na yung update . Muwapxxx :*

--

Lumala pa yung sitwasyon namin dahil sinabi nung nanay nya na kaya ako nakipaghiwalay kay Dexter dahil sa pera. Saktong timing pa nga yung nanay nya eh. Pagkatapos na pagkatapos kong makipaghiwalay kinausap na naman ako ni Dexter at sinabi na alam nya na lahat.

Syempre... dahil nga bait-baitan yung mama nya sakin kapag nasa harapan sya-dun sa naniwala. Pinalabas pa nung mama nya na ako yung may kagustuhan nung pera nila. Kaya pinagbigyan lang daw ako nung mama nya.

Dun naman ako nagtaka kasi businesswoman yung nanay nya, akala ko kasi scientist at ang galing magimbento.

Edi pagkatapos naman nun, MOVE ON NA.

END OF STORY

"Serina..."

"Serina.."

"Serina."

"SERINA"

Bigla akong nagising.

Luh! Nasan ako? Bakit puro puti yung nakikita ko? Nasa langit na ba ako? Kanta ata yun eh!

"Serina? Waaaahhh... gising ka naaaa! Akala ko hindi ka na babalik sa mundong ibabaw. T_T" nagulat ako sa katabi ko dahil bigla na lang nag-ay ewan ko kung ano ginagawa nya.

"Hoy Leslie. Anong mundong ibabaw ka dyan? OA nito ah! Ba't ako nandito sa ospital?" tumawa naman sya at nagpacute.

"Nagkasakit ka kaya. Sabi ni Dexter ang taas daw ng lagnat mo, tapos nagsuka ka daw. Bigla ka na lang daw nahimatay kaya dinala ka dito." Kumunot naman yung noo ko sa sinabi ni Leslie.

Ibig sabihin... binuhat nya ako papuntang ospital? Eh nung nasa penthouse lang naman ako, pagkakatanda ko nun, masama lang pakiramdam ko eh. Hindi naman pangospital yung nararamdaman ko.

Tumingin ako sa paligid para hanapin kung nasan si Dexter pero wala naman sya.

"Nasan si Dexter?"

"Nandun, kinakausap ng Uncle nya. Nalaman kasing nagpaulan daw kayo. Uuuuyyyy! Ikaw ha! Hindi mo naman sinabi na gusto mo ng sweetness under the rain and soaking wet scene."

"Tumigil ka nga. Ikaw kasi eh! Wala akong choice kundi magpakabasa sa ulan at sumama kay Dexter dahil wala na akong matinong kasama sa waiting shed!" pinamaywangan naman nya ako.

"Hoy! Wala kang sinasabi na wala ka palang kasama at mas lalo mong hindi sinabi na wala kang payong. Paano ko naman malalaman na nagpapakabasa ka na pala dun. Hindi mo nga ako tinext eh."napabuga na lang ako.

Maya-maya dumating na sina Sir Greg at Dexter. Ngumiti agad ako kay Sir Greg nung nakita nya akong gising na. Mas nauna syang pumasok kesa kay Dexter kaya sya agad ang napansin ko.

"Hi Sir!"

"Hello Rina. Musta naman ang pakiramdam mo? I heard from Dexter that you are sick kaya nandito ako."

"Okay naman po ako. Sa katunayan nga po hindi ko na kailangan ang magpahospital eh."

"Nahimatay ka Rina. Hindi pa rin ba kailangan magpaospital nun?" tumingin ako kay Dexter na syang sabat ng sabat.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon