To Do List: 36

3K 54 2
                                        

Gusto kong simulan ang araw na ito na may ngiti sa aking mga labi at sigla sa aking mga mata. Naks lang diba? Pero totoo, gusto kong maging masaya ngayon dahil may bago na naman akong kakaharapin ngayong umaga. Yes! Mga problema katulad ng projects, assignments, seatwork, mga terror na prof, at mga kaklase na nandyan lang kapag may kaylangan sila pero nawawala kapag ikaw na ang may kailangan.

Kailangan ko ng marami raming energy para makayanan ang mga problema sa buhay.
--

Sa school.. hmmm.. ano bang meron sa school? Ganun pa rin naman. Nagdiscuss yung mga teacher namin na minsan mapapakanta ka na lang ng story of my life ng 1D dahil sa kalahati ng sinabi nila ay tungkol sa buhay nila.

Nagkaron lang ng thrill itong araw na ito nung dumating si Dylan at bigla na lang nya akong hinatak.

Hindi ko alam kung bakit ako hinatak ni Dylan. Hellooooo.... Ang dami ko kayang gagawin. Kailangan ko pang isubmit yung reports at magrereview pa ako dahil yung bwisit naming teacher sa English ay magpapaquiz.

Kung maghahanap sya ng pantritripan, iba na lang po. Please.

Tumawa muna sya bago magsalita.
"Anong itsura yan Rina? Hahahha!"gago talaga. Psh.
"Paker ka kasi! Ano ano ba yang pinagiisip mo at bigla mo na lang akong hinatak palabas ng campus? Tae. Muntikan na nga akong makipaglaplapan dun sa sahig!" mas lalo pa syang tumawa. Galiiing!
"Hahhahahhahaha! Kaya pala! Don't worry Rina... Kung mahuhulog ka.... Sasaluhin kita. Open arms pa. " sabay kindat ng kupal. Nyeta.
"Prince charming ang peg? Tigilan mo nga ako! Bat mo kasi ako hinatak?!" ngumiti sya.
"We're going on a date." sabi nya at hinatak na naman ako bago pako makapagsalita.

Tumigil kami sa may Park. Ang cheap ha! Bwahahhaha joke lang. Dito kasi sa may park maraming nagiiskater. Waahhhhh! Nakakamiss naman yung skateboard ko. Hmp. Pag talaga ako may extrang extra na pera, bibili ulit ako ! Bucket list na yan!

May nagbabike pang mga kuya dun... Ang ganda kasi dito dahil parang may pangskateboard na rink, basta ganun. Tapos may para naman sa mga bikers na extreme din na rink.

"You want to join them? " seryoso naman nyang tanong. Ngumiti ako sa kanya kaso nabawi lang yun,
"Ee kahit naman na gusto kong sumama sa kanila... Wala akong skateboard. :("
"Skateboard? Tss. Oh!" bigla syang may nilabas na dalawang skateboard! Waaahhh! Mukhang bago pa at hindi gamit!
Tinignan nya ako at ngumiti. "Sayo tong isa, akin yung natira ;)" nagalinlangan pa ako. Ang bait kasi nya eh!! Imposible tooo!!!
"Baka naman may hidden agenda ka?" napangiti sya ng nakakaloko.
"Hmmmm.... Dahil sinabi mo yan, parang gusto ko tuloy magkaron. *smirk*" sabi na eh!!!!
"Joke lang! Eto naman. Ang hina mo ah. Diba kapag babae assuming? Ikaw na ata pinakamanhid sa buong mundo!" tinarayan ko sya. Wow lang ha! Assuming kaming mga babae? Lul nya!
"Hoy, tangina mo ha. Hindi assuming ang mga babae. Masyado lang kayong paasa. Atsaka kung yung ibang babae mo ganun? Ibahin mo ko. I'm 10xxxxxxx awesome than them."

Kinuha ko na lang yung skateboard at sumakay dito para makapunta sa rink.

Graberee! Namiss ko talaga to Ang sarap lang sa pakiramdam na maramdaman mo ulit yung skateboard sa ilalim ng iyong mga paa. Hahahha. Drama. Kakamiss lang kasi talaga sya. Mga 2nd year HS pa ako nagkaganito tapos pinukpok ko dun sa may pader sa rooftop namin dahil nainis ako sa tatay ko. Ayun, nasira. Sayang nga eh. Dat pala hindi ko ginawa yun-- yung pagsira ko sa skateboard ko ha!

Nagpatalon talon pa ko dun sa skateboard. Alam nyo na... Yung mga tricks na ginagawa dun.

Sumunod naman si Dylan saken. Hindi naman yan marunong eh. Gago kasi. Inggit sakin. Bwahahahhahaha! Para lang syang tanga. Ginawa nya lang skooter yung skateboard. Minsan nga sumisemplang pa sya eh!!! Funeh!

"Tuwang tuwa ka talaga kapag nasasaktan ako eh, noh?" napatigil ako sa pagtawa. Bigla kasi syang sumeryoso tapos parang double meaning pa yung sinabi nya.
"Wag mo kong dramahan, letse ka." umalis ako dun.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon