Time: Hindi pa magbf gf si Kyle and Leslie
Pumunta si Leslie sa school nina Kyle dahil: una, may kakilala sya (crush nya para eksakto) dun na nanghihingi ng favor at pangalawa para magbonding sila ng mga classmate nya na hindi na nya nakikita since hindi naman sya nakapasok sa university na ito. Mini reunion daw.
Pumunta sya sa college nung crush nya na hindi ko na papangalanan, Aeron na lang. Dala dala na nya yung mga folder na kailangan ni Aeron na pinadala sa kanya ng mama nito. Ganyan talaga pag may kapitbahay kang bestfriend ng mama mo yung nakatira. Hihingi minsan ng favor sa mama mo pero sayo ang bagsak. Tsk tsk.
Pero para kay Leslie... chance na nyang makita si Aeron. Boyfriend material kasi ito. Matangkad. May kaya. Alam nya rin na legal sila kapag naging sila. Nakuuu... iisipin nya lang na sinasalubong sya ni Aeron pagkalabas nya ng school. The feeeeeeelsss. Hay. Ang sarap lang magimagine.
Kaso sa tuwing pumupunta sya at nasosolo nya SANA si Aeron, lagi namang sumisingit yung ISANG EPAL! Si Kyle. Aburidong aburido ito kapag nasa kalagitnaan na sya ng pagdedaydream nya kay Aeron tapos biglang dadating si Kyle para akbayan sya. Jusq po! Panira, hadlang, hindrance at barrier na ang tawag nya kay Kyle dahil sa Epal nitong ugali.
So back to the reality....
Kakatok na si Leslie sa classroom ni Aeron. Ayos buhok. Tingin muna sa salamin. Walang dumi? Gora na sya.
Pagkabukas nya ng pinto, alam nya ng si Aeron ito.
"Hi Aeron!" Bungad nyang ngiti na nagpapakita ng kanyang mapuputing ngipin sa binata.
"Leslie! Whoo! Salamat at nadala mo sa oras! Maasahan ka talaga! *lagay ng kamay ni Aeron sa balikat ni Leslie* Pasensya na sa abala ah. Pangako, last na to! Pramis! ^_^/*"
"Naku... okay lang *asungot radar? Wala? Good* basta para kay Tita. ;)"
"Para kay Tita lang?" Isang tanong na nakapagpabagabag kay Leslie. Anong kay tita lang?
"Huh?" Nalilito nyang sagot. Ewan nya lang ah. Pero parang may ibang way ang pagkakatitig ni Aeron sa kanya ngayon.
"Hindi ba para sa--"
"HUY LESLIE! NANDITO KA PALA!"
PAKSHET! NAABUTAN PA NG ASUNGOOOT! KEEP calm. Don't surrender. This is for yah future Leslie! Wag pansinin ang papansin!
"Ano ulit yung sinabi mo Aeron?" Kunwari hindi nakita si Kyle pero sa totoo lang nagtitimpi na syang ilaglag sa pinakamataas na building si Kyle para wala ng hadlang sa kanila ni Aeron.
"Ah. Wala. Wala. Sige! Mauna nako. Hinahanap na ata ako ng prof namen. Salamat ulit tsaka... pasensya na dito (:)" ganyan ang bagay na emoticon sa nakita nyang mukha ni Aeron. Hindi mo mawari kung ngiti ba talaga dahil hindi umabot hanggang tenga.Pagkasarang pagkasara ng pinto ni Aeron, humarap agad sya kay Kyle at piningot ito.
"IKAW TALAGAAAA!! WALA KA NA LANG GINAWAAA KUNDI MAGEPAL AT MANGISTORBO SA MAY LABLAYF NG MAYLABLAYF! KUNG GUSTO MO NG KALANDIAN...DUN KA SA COLLEGE OF TOURISM DAHIL MARAMING MAGAGANDA DUN WAG KANG TUMAMBAY SA BUILDING NINA AERON!!"
"Ara...aray! Ang sa..sakit! Ta..tama na Leslie!" Dahil may awa pa namang natitira sa mga palad ni Leslie, tinigilan na nya ang tenga ni Kyle.
"Ano bang problema mo ha?" Tanong ni kyle.
"IKAW ANG PROBLEMA KO! AAMIN NA SANA CRUSH KO KANINA, TAPOS PINIGILAN MO PA! BUSET!" Galit ba galit si Leslie kaya all caps.
"Tara. Libre kita sa 7 11."
"Talaga? Sige." -___- ayan. Ayan na nga ba ang sinasabi ko.Sa tuwing nakakarinig ng libre yang si Leslie, nawawala na sa isip nya na galit sya. Kaya si Kyle, nagiging takas sa kanyang sala. *iling ilig*
Noong pumunta na sila sa may 7:11 naging good mood agad si Leslie at dinamihan nya talaga ang binili nya para mamulubi si Kyle.
"Hoy. Crush mo ba talaga si Aeron?" Biglang tanong ni Kyle. Nagulat naman si Leslie dahil ang tahimik nila ngayon tapos bigla na lang magtatanong si Kyle ng unusual na tanong.
"Huhno?"
"Kasi kanina... parang magiging puso na yang mata mo sa kakatitig sa kanya." At gumuhit ng puso si Kyle sa tapat ng mata ni Leslie. Na sya namang naging dahilan kaya napatitig sya kay Kyle.Ang gwapo din pala ni Kyle ah. In fairness... lalo na kapag ganitong kalapit. Wika nya sa kanyang sarili
"Che. Panira ka kasi." Sabay tingin sa labas.
"Tsk. Kung gusto mo pala bakit hindi na lang ikaw manligaw? 20th century na tayo. Gender equality naman."
"Yuck! Ano ako pabebeflirt? Yan ang hinding hindi ko gagawin Kyle. Kung yung pagka20th century lang ang dahilan kung bakit pwede na manligaw ang mga babae. Salamat na lang. Old school bitch ako. Tsaka ngayon? Tingin na lang ata samen ng mga lalaki eh sex object. Liligawan ka lang kasi maganda ka o di kaya kung sexy ka. They want to flaunt what they have because they think they look like much much more manly. Yan. Yan ang 20th century na lalaki. Kaya ako? Sabihin mo ng makaluma but old times are still the best time."
Napanganga muna si Kyle bago sya nakabawi sa mga pinagsasabi ni Leslie. Ang haba kasi. Eh snail (slow) pa naman tong si Kyle pagdating sa pagprocess ng information.
"Grabe ka naman..." sa wakas at may nasabi na sya "lahat talaga ng lalaki? Hindi ba pwede yung iba lang?"
"Ah huh. LAHAT."
"Teka teka! Pati ako? Bat ako nadamay?"
"Duhh. Kasi lalaki ka ?*nom nom*"
Sasabog na si Kyle pero hindi naman sya nagpahalata kaya eto na lang nasabi nya."HOY HINDI KAYA! BAKIT AKO? HINDI NAMAN GANUN TINGIN KO SAYO AH!"
^_^_^_^_^_^^_^_^______
A/N:
Hi guys!! Sino gusto ng dedication? Comment lang po with yo answer to my question:Kaninong team kayo? Dylan? Dexter? O Tristan? Hahahha. Jk.
Ang tanong ko talaga ay... anong masasabi nyo about this chappie? Cute talaga nina Leslie and Kyle. ><
And ang update po ay ... hindi ko alam. Hahaha. So inspire me guys by giving me a hug and kisses xD. Labyu :)
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?