To Do List: #49

1K 30 0
                                    

"Hi! This is Serena, can you please put Mr. Dy for me. I need to talk to him." I said while putting my shoes on. I'm late.

May meeting kami ng mga board members for the new cafè that we built. Kailangan pa namin ng mga ideas for advertisements at design ng interior design ng cafè. We plan to launch it as soon as possible dahil magbubukas na rin yung condo sa tapat nito. If we get loyal costumers from that condo, I'm sure this cafè will work.

"Ma'am here's your coffee."

"Thanks! Heidi, pakisabi naman kay manong hindi na tayo dadaan sa resto, we need to go to my office. ASAP. Salamat!" Sabi ko sa assistant ko. I need to pick up some things before the meeting and these shoes are not helping me.

Tangina kasi, sino ba nagrequired na magheels kapag corporate attire? Ang sakit na nga sa paa, ang hirap pa suotin. Hindi ka pa makakatakbo kung late ka.

"Hello, Mr Dy! I need the plans for the cafè." And we talked about who will endorse our cafè.

This became my life for 5 years. Pagkagraduate ko ng college, pinasok agad ako ni Papa sa kompanya namin pero hindi agad as one of the executives. Naging assistant muna ako at trinansfer sa iba't ibang department before mapunta sa akin ang pusisyon ko ngayon. Hindi pa rin naman mataas pero isa na ako sa mga bosses sa kompanya. Ayun nga lang, hindi pa rin ako sanay.

Some days are so tiring. Hindi ka nga napapagod kakagalaw, pero yung stress level sobrang taas.

After we launch our cafè talaga, magbibreak muna ako.

"Ma'am Serina may dinner po kayo with your father, 8:00 PM at Kitchen Magic."

"Noted. Pakidalhan naman ako ng flats at pamalit. Salamat!"

After office hours, I changed to my comfy clothes. Hindi na ako naka formal attire, nakajeans na lang ako at naka tshirt. I changed my shoes too. Peste talaga ang heels.

---

"Hi Papa!!!" I hugged him and smiled.

"Kumusta sa trabaho? I hope you're still eating, pumapayat ka na." He said to me while measuring my wrist with his hand.

"I'm fine and I'm doing great, Papa. Sobrang hirap lang kasi may project this week. Kayo po?" Sabi ko.

Umuuwi ako sa amin pero dahil may project ngayon, I stayed at my apartment for most of the time. Hassle kasi kapag sa mansion ka pa uuwi more time sa car, less comfortable sleep.

"Hindi na nabata. Gusto na magkaapo." Sabi nya at bigla kong nabuga yung iniinom ko. Buti na lang hindi kay Papa. Sa kinakain ko lang naman.

"Ano ba yang mga sinasabi nyo. Kakagulat naman po. Gutom lang ata kayo e." Sabi ko at napipilitang tumawa. I hate this topic.

"You said that you wanted to focus to me, to make up for those years that you are rebellious. This five years that you spent your time taking care of your Papa is enough. More than enough, actually. Namimiss ko nga lang yung kare-kare mo minsan." He chuckled.

I smiled at him. All those five years are not for him, they are for me. For me to make things right and be better for anyone, especially my dad.

"May sineset up naman ako sayo pero palagi mong iniindian or pinagtitripan. You will not find your husband with that."

"Pa, I don't like blind dates. Bata pa naman ako e. I'm just 26. Kung gusto nyo po ng apo, si Kuya Axcel! Hiramin natin baby nya." Dad face lightens up.

"Ang cute ng batang yun. Artistahin ang itsura ng anak. Ganon din kaya itsura ng apo ko?"

"PA!"

"Alright. Alright. I won't bring that up but I suggest you date someone. Wala ka na kasing social life. Sabi ng driver mo, office at bahay ka lang daw." Napahawak ako sa ulo ko, mas matindi pa ang papa ko sa pangungulit kesa sa mga tita na namemeet mo tuwing reunion.

"It's not that I don't have social life. I just set my priorities and having special someone is not on the list. Papa ikaw unang makakaalam kapag meron na akong jowa." I winked at him. Natawa naman sya. I guess that's his okay sign.

I spent my dinner with my dad talking about work and life. Buti na lang hindi na ako kinulit magboyfriend kundi kakain na lang ako ng kakain, stress eating.

"Good luck Nak with your cafè project. I will be travelling to U.S for this week so I won't bother you." Natawa ako sa kanya.

"Don't worry Pa, ako naman ang mangiinis sainyo. Gusto mo reto pa kita sa isang tita na nameet ko sa may Foundation e."

Few years ago, hindi ko to masasabi kay Papa. Hindi ko nga sya kinakausap e, masabi pa kaya na magasawa na ulit sya? Pero natuto ako na tanggapin yung mga bagay na hindi ko na mababago, hindi naman totoo talaga yung, time heals all wounds. Deep wounds scar the skin, but it doesn't mean that the pain will go away. Masakit pa rin but you have to learn to endure it. Minsan napapansin mo medyo hindi na sya masakit kasi nasanay ka na.

"Ingat po kayo, Pa." Sabi ko habang kumakaway sa kanya at nakasilip naman sya sa bintana ng sasakyan.

"Remember the tips I gave you! Love you, nak!" Sabi nya sakin at nagflying kiss pa. Umandar na rin yung sasakyan nya at hinintay ko munang makalayo.

I received a message from Dylan saying that he wants to hang out.

Me: Gabi na. May problema ka na naman no?
Dylan: I can't sleep.
Me: Well, too bad, I can.

Natawa naman ako kasi sinendan nya ko ng angry emoji with middle finger.

We still remain friends, hindi na rin sya nagpush na maging boyfriend ko or lover ko na ew lang diba. WHAHAHHA hindi naman ako maganda pero habol ng habol, de joke lang. Ang totoo talaga he is still one of the closest person to me pero hanggang dun na lang yun. We still hang out pero wala na yung mga weird moments na sana pinili ko sya pero syempre inaasar ko pa rin sya na playboy.

I call him.

"Punta ka na kasi dito. Kain lang tayo ng Pizza." Pagpupumilit nya. Inirapan ko sya.

"Tanga ka ba, may meeting pa bukas at may project ngayon sa company. Magiging busy ako ng buong linggo. Alak na alak ka na ba?" I heard him chuckled.

"Bakit ba ang bibusy nyo? Gusto ko na magkajowa." He blurted out.

"Napakachoosy mo kasi. Ayan, ngayong serious relationship na yung hinahanap mo, hindi ka makahanap. Its your karma time." Natawa ako sa sinabi ko. Syempre buhat ng sariling joke diba.

"Tsk. Ang hirap mo kasing higitan."

"Edi wow." He laughed.

"Sige na nga. Tatapusin ko na lang yung research paper ko. Hinahanap na ni Doctora." He said pertaining to his Master's Thesis.

"Tamad pa rin talaga."

"Bye! Ingat sa pagdadrive." Then he hang up.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon