To Do List: #26

4.4K 88 10
                                    

Pagkatapos namin mastuck dun sa gitna ng daanan, hinatid kami ng barkada ni Dexter. Kaso hanggang sa may labas lang ng province. Ako na nagsuggest na magbus kami dahil nahihiya kami sa kanila. Sinave na nga nila kami sa pagkakastuck dun tapos pati naman paghahatid sa bahay, pabigat pa kami.

Iniwan naman namin sa may Car Shop yung kotse na katiwala nung isa sa tropa ni Dex, iniwan naman namin yung iba naming gamit sa tropa nya at sabi nung tropa nya hahatid na lang sa Penthouse kapag may time sya.

"Sige guys! Salamat ah! Sa uulit." Sabi sakanila ni Dexter. Tapos kung ano-ano pang ginawa nila bago sila tuluyang umalis.

Dala lang namin ngayon yung mga importante naming gamit.

Naghintay kami ng bus na may padaan para makasakay na. Hindi pa naman sanay tong kasama kong magcommute kaya dapat maluwag yung sakyan namin kaso ilang minute lang, nagreklamo na agad sya.

"Sabi ko sayo pwede naman nila tayong ihatid sa Penthouse diba?! Ang arte mo pa kasi! May pabigat-bigat ka pang nalalaman dyan!" sabi nya sakin.

"Psh. Maghintay ka nga muna dyan." May nakita na akong bus at dahil umaangal na itong kasama ko agad ko iyong pinara.

Medyo siksikan kapag pasakay ka dun sa bus dahil marami ring palabas. Dahil sa inis ko sa kasama ko, nagpasya akong sumakay agad kahit na may lumalabas pa.

"Oy saglit lang!" tawag nya sakin. TANGINA! Nakakahiyang kasama tong si Dexter! May sigaw-sigaw pang nalalaman.

"Sagli--" napatingin ako sa kanya at natamaan sya ng mga tao na pababa, buti na lang nahawakan ko sya bago pa sya tangayin ng mga nagmamadaling bumabang pasahero.

"Thanks." Sabi nya at nagkatitigan kami, umandar na kasi yung bus at hindi kami makapaglakad ng maayos. Hindi rin kami nakaupo dahil maraming sakay.

"Ganito pala ang buhay mo huh?" tanong nya.

"Oo. Pero hindi naman araw-araw may kasama akong mainipin at mayamang hindi sanay sumakay sa bus." Sabi ko sa kanya. Pikon pa rin ako sa kanya dahil kanina. Psh. Maghintay lang ng bus hindi pa magawang pahabain yung pasensya nya.

Hindi nya naman ata narinig yung remarks ko sa kanya kaya hindi na lang sya nagsalita. Nakatayo lang kami dun dahil walang maupuan.

Maya-maya lang may lalaking tumabi malapit sakin. Hindi ko naman pinansin yun, at sino naman sya para pansinin ko? Tsk. Kaso si Dexter naman ata ang nakapansin sa kanya kaya umusog siya sa bandang likod ko kung nasan yung lalaki.

"Anong ginagawa mo?" sabi ko sakanya nung lumilipat pa lang sya sa may likod ko.

"Sssssshhh... kanina ko pa kasi napapansin yang lalaki na yan eh. Lumilipat sya kung saan saan at hindi mapakali. Don't worry, hindi ko sya papalapitin sayo. *wink*" nahawaan na ata to ni Peter ng kalandian eh. May pakindat-kindat pang nalalaman. Tsk.

Hindi ko na lang sya pinansin at sumandal na lang ako sa braso kong nakasabit sa may hawakan nung bus para hindi ka mahulog. May bumaba namang dalawa kaya nakaupo na agad kami.

Naginat inat ako at hindi ko na napigilan na maghikab, dala na rin siguro ng pagod.

"Antok ka na?" tanong nya.

"Ay hindi pa *sarcastic* ikaw ba naman maghapon kang nasa daan at--" tinapik nya na agad yung balikat nya. Oh? May dandruff ba dun kaya nya tinatapik?

"Matulog ka na. Alam kong ang aga mong nagising kaninang umaga. You deserve a break Serina. Utos to, hindi pakiusap." Una napatingin lang ako sa kanya na nagtataka. Duh. Lahat naman ata ng sasabihin nya utos noh. Pero eto yung utas na parang may concern. Erase erase Erase!! Ano ba tong iniisip ko.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon