To Do List: #20

4K 96 2
                                    

Naghihintay ako ng sasakyan pauwi ng magulat ako, may humarang na sasakyan sa tapat ko at kinakabahan na napaatras ako. Shit! Baka may tinawag na back-up si Mr. Bwisit at reresbakan ako ngayon.

Napahinga naman ako ng maluwag ng makita ko yung driver. *sigh* Bwisit! Ang OA pa naman ng reaksyon ko.

"Anong ginagawa mo dito Rina?" sabi ni Dexter. Oo. Si Dexter lang naman pala yung driver nung kotse.

"Diba nga, tinulungan ko yung may-ari ng resto na pinagtratrabahuhan ko. Mukhang may event na sila ang nagcater malapit dito." Tumango-tango naman sya sa sinabi ko.

"Ahh. Pauwi ka na ba?"

"Oo eh." Yes! Libreng pamasahe. BWAHAHAHA!

"Ahhh. Pauwi na rin ako eh. Babye!"

Napangnga na lang ako sa ginawa ni Dexter?! Gagong tunay! Hindi man lang ako inaya na sumakay sa kotse nya. Tapos parang inasar pa ko. Bwisit talaga yang amo ko na yan eh!

Nakita ko namang bumalik yung kotse nya. Nakapokerface lang ako habang binababa nya yung salamin.

"Joke lang."

"-___-."

"Oo na. Walang modo yung ginawa ko. Sige, sakay ka na."

"-_____-."

"Fine. Fine! Sorry na. Now, get in." sabi nya.


Lihim na napangiti naman ako sa ginawa nya. Sige na nga... kahit pilit, tatanggapin ko yung sorry mo. Pumasok na ako sa kotse nya.

"Saan ka na naman galing Sir?" nakatingin lang sya dun sa kalsada. Tumingin lang sya saglit sakin.

"May inasikaso lang ako para bukas."

"Ahhhh..."

"Speaking of bukas, sasama ka nga pala sakin." Luh. Sama daw ako? Saan naman kaya? Baka sa langit?! OMGago!!!

"Pasan naman?"

"May summer outing kasi kaming magkakabarkada. Last na outing bago magpasukan. I need someone to help, and since you're the maid, Ikaw naisipan kong isama." Napanganga ako.

Eh kasi yung mga kasama panigurado ni Dexter ay mayayaman. Hindi ako bagay dun! At kung saka-sakali lang... baka may mga kakilala pa ako sa mga barkada nya. Malalaman nila na maid ako ni Dexter! Naku naman!

"Hoy! Huwag mong sabihing hindi ka makakasama?" napabalik naman ako sa realidad nung tinawag nya ako.

"h-huh?"

"Hindi pwedeng hindi ka sumama. That's final. Ikaw ang magbabantay ng mga gamit ko or namin para makapagpahinga kami. Are we clear?" HMP! May choice pa ba ko?

"Oo na."

KINABUKASAN~

"No boys hunting Serina." Sabi nya sakin habang nilalagay ko sa van yung mga gamit nya. Oo. Ang dami nyang sasakyan. Ganyan talaga ang mga mayayaman kaya masanay ka na.

"Wow. Ako ba dapat mong pagsabihan? Eh nung highschool nga tayo, ni tutuli ng lalaki hindi lumalapit sakin eh."

"Good."

Nung natapos ko na lahat ng bagahe nya, pumunta na ako sa harapan para sumakay.

Nung pipihitin ko na yung 'doorknob' "Ops! Hindi ka dito. Bianca will be seating here. Dun ka sa likod." Sinunod ko na lang sya kahit medyo napahiya ako dun. Nakakainis naman kasi, dapat sinabi nya na lang sakin.

Nagpunta na ako sa likod para makasakay na at makapagbyahe nya. Bakit pa kasi nya ako sinama dito? Alam nya naman na may—ah wala! Bahala sya sa buhay nya. Nakakabwisit talaga!

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon