Pagkalabas ko sa room nya, naglinis na lang ako. Mabuti-buti na naman yung pakiramdam ko at sa tingin ko naman hindi na ako mabibinat.
Nung magtatanghalian na, nagluto na lang ako pero hindi pa rin lumalabas si Dexter sa kwarto nya. Kinatok ko na pero ni wala man lang ‘oo na’ o kaya ‘ayoko pang kumain’ na sagot galing sa kanya.
“Uy! Hindi ka ba kakain? *tok tok tok* Papasok na ako ha. Kailangan ko ng matinong sagot.” Binuksan ko yung pinto nya at nakita ko naman syang tulog dun.
Lumapit ako sa kama nya at tinignan sya. Grabe, kahit tulog mukhang masungit pa rin.
“Dexter! Ano. Sir Dexter! Kakain po ba kayo o pagtatabi ko na lang po kayo ng pagkain?” Kumunot lang yung noo nya at mas lalo pang iniangat yung kumot nya sa ulo nya.
Niyugyog ko naman sya “HUY! Nagmumukha na akong tanga dito oh!” sabi ko sa kanya.
“Patayin mo na lang yung aircon.” Sabi nya.
Pumunta ako sa aircon at nakita ko naman na patay yun. Ano bang nangyayare kay Dexter?
“Okay ka lang ba sir? Eh patay naman yung aircon eh.” Lumapit ako sa kanya. Dun ko lang napansin na namumutla sya.
Hinawakan ko yung noo nya gamit yung isa kong kamay tapos yung isa ko namang kamay nasa noo ko. MAINIT SYA!
“Sir okay ka lang?” wala naman syang sagot.
Lumabas ako ng kwarto nya para makakuha ng gamot. Buti na lang meron sya ng mga medicine dahil kung wala ang layo-layo pa ng pinakamalapit na butika dito.
“Dexter… uminom ka muna ng gamot mo. Sabi naman ni Papa John Loyd okay naman daw uminom nyan kahit walang kinain.” Lumipat sya ng pwesto at humarap sa pwesto ko. Tinignan nya pa ako bago tumayo.
“Sige.” Ininom nya yung gamot at balik tulog na naman sya.
Kumuha ako ng thermometer para ilagay sa kili-kili nya. Tsk. Malamang nahawa to sakin eh. Kwento kasi ni Leslie lagi syang nasa kwarto ko at hindi ako iniiwan.
“Ang gaya-gaya mo naman. Wala kang originality. Kakatapos ko lang magkasakit tapos nagkasakit ka din. Idol mo ata ako eh.” Sabi ko habang sinusubuan sya ng lugaw.
“Eh kung pwede nga lang tanggihan yung sakit, matagal ko nang ginawa eh.” Sabi nya tapos sinubuan ko na naman sya ng lugaw.
Pagkatapos nyang kumain ng lugaw, hinugasan ko yung pinagkainan tapos nagpunta na ulit ako sa kanya at nakita ko naman syang nagtalukbong ng kumot.
“Dexter magbihis ka nga muna ng bagong damit, amoy pawis ka na—AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!”
Bakit ako nagulat?
Si Dexter kasi… nagiba yung awra. Parang kanina lang, ang tino-tino ko pa syang kausap tapos ngayon para na syang macho dancer! Namumula kasi yung mukha nya tapos parang nangaakit at ayoko nang nangaakit na Dexter kasi kapag sinabi kong nangaakit sya… talagang nangaakit sya. AT HINDI AKO PWEDENG MAAKIT!!!!!!!
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?