After 1 week
Sabay kaming kumakain ni Dexter sa canteen at ang daming nagtitinginan. May narinig pa akong nagbubulungbulungan kung kami na daw ba, grabe! Sabay lang kumakain sila na agad? Di ba pwedeng magkaibigan lang.
"Hayaan mo na sila... sa susunod naman tayo na eh." Sabay ngumiti sya.
"Eh kung ipukpok ko dyan sa ulo mo itong mais na hawak ko!" sabi ko sa kanya.
"Oo na, corny na. Eh kasi... kelan mo ba ko sasagutin?"
After 1 month
Sinali kami nung epal naming teacher sa MAPEH sa Mr. and Ms. Couple of the Year kahit hindi naman kami couple ni Dexter. Pinilit lang ako at hindi ako nagbuluntaryo ah! Si Dexter naman tuwang tuwa kasi couple na daw kami.
After 1 week
Hindi kami nanalo dun sa Couple of the Year. Malaking kabiguan yun para sakin kasi parang ako yung may dahilan kaya kami natalo, kasi sa una palang, ayoko nang sumali. Nakonsensya naman ako kasi hindi lang ako yung napagod dun. Buong Seniors pagod dahil sinuportahan nila kami. Pero napagaan ni Dexter yung loob ko. Sabi nya kasi kahit ano namang mangyare alam nya na binigay ko, namin yung best ng isa't isa. Kita naman daw yun ng mga Seniors kaya kahit Most Charming lang yung nakuha naming pareho okay na daw yun.
Dun ko naramdaman na unti-unti... tumibok na yung puso ko para sa kanya.
Una, mahina lang, hanggang sa... lumakas...ng lumakas na hindi ko na alam na hindi na pala ako yung nagmamay-ari ng puso ko.
After 1 month
Isang buwan ko ng hindi pinapansin si Dexter. Naging busy din kasi ako at sya din sa varsity kaya parang hindi ko sya iniiwasan. Siguro sign na din yun na hindi talaga kami para sa isa't isa. Una pa lang na may naramdaman akong kakaiba sa kanya, hinanda ko na yung sarili ko na masaktan. Sa hindi nyo natatanong... hopeless romantic ako kahit na ganito ako umasta. At ang napapala ng hopeless romantic? Laging nasasaktan. Yun yung lesson na natutunan ko.
After 1 week
Hinahatak na naman ako ni Dexter papunta sa rooftop. Dejavu! Ganito rin yung time na hindi ko inaasahang makilala si Dexter eh. Yung inis na inis pa nga ako sa kanya kasi gago sya kung umasta akala mo yakuza dahil ang yabang yabang!
"Bitiwan mo nga ako!" sabi ko nung nakarating na kami sa rooftop. Tinanggal naman nya.
Aalis na dapat ako kaso bigla syang nagsalita.
"Ganito na lang ba yun Serina? Hindi mo na ako papansinin?" sabi nya sakin na ikinatigil ko sa paglalakad.
"Sabihin mo sakin kung ano yung nagawa kong mali! Para mabago ko! Para makahingi ako ng tawad! Hindi yung bigla mo na lang ako iiwasan!" sabi nya na may galit.
"Hindi kita iniiwasan."
"Eh bakit sa tuwing pupunta ako sa inyo lagi kang wala. Tapos kapag pinupuntahan kita sa classroom nyo lagi kang tulog. Ano bang nangyayare sayo Rina?"
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?