Lagi ko na lang bang sisimulan ang araw ko na badtrip sa amo ko? Napapadalas na kasi eh. Unang araw pa naman sa school ngayon. Ano na lang resulta ng nakasimangot kong mukha sa unang araw diba? Edi wala akong prenshiyp kundi si Leslie. Si Leslie na lang lagi, si Leslie ang mayaman, si Leslie na ang may auto, si Leslie na ang meron ng lahat ng bagay na wala ako. Chos! Kumakanta lang ako hehe. Si Leslie kasi hindi pa nagtetext.
Ang tagal talaga ng babaeng yun. Kung maligo isang oras. Uugatin na talaga ako dito sa waiting shed eh. Konting konti na lang.
"GURLLLLLL!" Tumatakbo pa ang bruha na may open arms.
*pigil sa kanya sa pagyakap*
"Anong oras na?"
"6:50?"
"Anong oras ang usapan aber?"
"6:15."
"May ilelate ka pa ba? Kase grabe eh. Ang aga mo ngayon? 35 minutes ka lang namang late. Nahiya ka pa. Di mo pa ginawang 40."
"Hehehe... prend naman. Unang araw ng klase oh. Tapos badtrip ka? Naku! Masamang pangitain nyan." Nagsensyas pa sya ng lagot-ka-!.
"Ay ewan ko sayo. Sabi ko kasi agahan natin para hindi agaw atensyon. Bwisit ka talaga! Osige sige. Dito na ko. Kita na lang tayo sa Intro." Tapos naglakad na kami at tinignan kung san yung room nya bago yung room ko. Ang sweet talaga nito eh. Grabe! -___-Pagkapasok ko sa room, wala pang tao. ?_?
Sobrang aga ko ba? Hindi naman maaga ang quarter to 7 na dating ko ah. Eh 7 am lang naman yung klase. Tapos ni isa kong kaklase wala man lang nadating? Hustisya ples.
*pants* "Shiz, late na ba tayo?" Napatingin ako sa likod ko. Sheettttttnessssss! Si D--d-d--
"Huy Rina, ayos ka lang? Bat namumutla ka dyan?""N-nam-mumutla? S-sino? A-ako? H-hindi ah!" Tumingin sya sakin at ngumiti.
"Isang buwan lang tayong hindi nagkita tapos nakalimutan mo na ko? Haha."
"Ina mo Dylan! Eh kasi..." tumingin ako sa paa nya hanggang mukha. Nagpalaki sya ng katawan! "Ba't tumaba ka ata?" Stupid Rina. Tanga mo talaga. *iling iling*
"Eto? *grins sabay taas ng t shirt nya.* Abs to Rina. BWAHAHAHAH!"
Tumingin ako sa kanya na nakapoker face at walang gana akong nameywang dun.
"Wow. Nagka-abs ka lang, ganyan ka na. Eto sayo oh .|. " naglakad ako para umupo na. Tumabi naman sya sakin."Hoy Rina, mali tayo ng classroom. Nandun sila sa audi. Binago yung sched."
"Di nga? P^ta! Bakit ngayon mo lang sinabi? Tara na dali!" Hinatak ko pa sya para tumayo at tumakbo na kami para makapunta na sa audi.Buset na sched yan. Taon-taon na lang binabago yung sched namin. Eh hindi pa naman ako nago-online. Pano ko malalaman diba? Tapos etong si Dyl hindi agad sinabi agad agad. Malelate tuloy kami. -__- ipal.
"Let's call the ..." naku yan na nga ba sinasabi ko eh. Start na.
Tumingin ako sa paligid ligid at may nakalagay na mga courses sa mga upuan. Haha xD biruin mo, nakita ko yun? Lels.
Nagpunta ako dun sa course ko. Grabeee... puro bago yung mukha nila T.T
...
"Serina... Serina...Serina... HOY!! SERINA! Wala pang isang araw kang pumapasok natutulog ka na agad sa klase! Abnoy ka talaga!" Nagising ako sa pagbubulyaso sakin ni Dylan.
Papungay pungay akong humarap sa kanya at pinakyuhan sya. Ambait kong kaibigan no? Nangigising kasi na natutulog na tao. Onting onti na lang mabubusog na sya sa mura ko.
"Hoy Dylan ang epal mo talaga. Bakit mo ba ko gingising? Tapos na ba yung program?"
"Oo. Tingnan mo oh! Nagbibigay na ng plaque dun sa may-ari ng school. Kasama pa nga yung anak nya eh!" Tinignan kong mabuti yung mukha ng lalaking tinuturo ni Dylan.Hmmm.... parang pamilyar. Nakita ko na to nun eh. San nga ba yun? Tae. Throwback pa brain. Dali!
O_____o
Shetness!! Sya yung sinuntok ko nun eh. Tanda nyo pa ba yun? Ha? Yung pumunta ako sa isang debut ata tapos may nambastos sa kasamahan ko? Sya yun!
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Novela JuvenilWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?