To Do List: #6

5.6K 127 5
                                    

Ipinaghanda ko silang dalawa sa hapagkainan. Tingin sa akin ng tingin yung Monique na para akong isang malaking pader. Pader na hahadlang sa kanila ni Dexter. Wow! Insecure si ate! Well... it's because I'm more beautiful than her! Teka lang... magbabasa muna ako ng English books... nauubusan na ko ng English eh!

Habang kumakain na sila. Hindi pa rin sila tumitigil sa landian at harutan. Tapos ako naman pinagsisilbihan sila ng juice at kung ano pang kailangan nila. Nandun pa ko sa may gilid kasi sabi ni Dexter baka daw may kailanganin nga sila. Nakikita ko pa tuloy ang kaharutan at kung bakit ang daming mga teenagers ang nabubuntis ng maaga. Ngayon alam ko na talaga ang dahilan.

"I made this for you Honey." Sabi ni Dexter dun sa Monique.

"Really? Kilig naman ako Bee."

"Luto nya daw... tangina, nagkandapaso-paso pa nga ako para lang maprito yan eh."

"Excuse me?" sabi nung babae. Excuse me? Panget ng accent! EEEEWWW!

"Po? Dadaan po kayo?" tanong ko sa kanya.

"Dexter, sino batong babaeng to na kanina ko pa nakikita sa bahay mo? Sya ba yung bagong katulong na sinabi mo nung isang araw?"

"Oo sya nga yun. Pagpasensyahan mo na bago lang kase eh." Sabi sakin ni Dexter sabay tingin ng masama. Dinilaan ko nga sya nung hindi tumitingin yung kasama nya.

"Anyways... kukuha lang ako ng desert natin Honey ah. Wait for me."

Tumayo si Dex at nagpunta sa kwarto nya pagkatapos pumunta sa kitchen. Tumingin ako sa babae at naniningkit yung mga tingin nya saken. Feeling ata chinita sya. Anu yun? Half Chinese, Half Ita? BWAHAHAHA!

"You know what? We haven't spent an entire hour but I hate you already. Wala ka bang alam sa manners at right conduct? Ay mali pala yung tanong ko. Nakakabasa ka ba?"

"Wow.. tuwa naman po ako sa inyo. Sayo pa po talaga nanggaling yan." Tumayo sya sa upuan nya at lumapit sakin.

"Tingnan mo! Sumasagot ka pa! Eh isa ka lang namang maid sa pamamahay na to. Ni wala ka ngang sariling bank account eh! Tapos ang lakas mo na magmayabang! Shame you!" lumapit pa sya lalo sakin na to the point na magkatapat na kami.

"Alam mo hindi ko alam kung bakit ka pinili ni Sir Dexter. Diba sa mga fairytale laging pinipili ng prince ay ang isang princess. Eh bat sa story nyo... WHICH ANG KASAMA NG ISANG PRINCE?"

Pagkatapos kong sabihin yun, sinabunutan nya ako. At dahil isa akong amazon hindi ako papatalo sa kanya. Sinabunutan ko pa sya hanggang sa napatid sya at napasalampak kaming dalawa sa may sahig. Nasa ibabaw ako at nasa ilalim ko sya, nagsasabunutan pa rin kaming dalawa.

"What the heck?!" napatigil kami sa pakikipagsabunutan ng dumating si Dexter na may hawak ng isang gallon na ice cream.

Napatayo naman kaming dalawa ni Monique galing sa sahig at inayos yung mga sarili namin. Tinignan kaming dalawa ni Dexter na nagtataka. Parang sinasabi nya na 'care to explain?'.

"Nagsabunutan kami kasi—" hindi pa ako tapos magsalita at sumabat na naman yung witch nato.

"She started it! She said that I was a witch at sabi pa nya na nagtataka sya kung bakit ako daw ang pinili mo. I wanted to stop her and ask her why she said that. Then she pulled my hair and I try with all my might to stop... her...but she...kept...*snif* pulling... my ... hair..." sabi nya na ikinagulat ko.

"A-ano??? Ako nagsimula? Eh ikaw nga yung unang nagsabi saten na wala akong manners eh!"

"Rina... come with me."

"But sir sy—"

"I SAID COME WITH ME!"

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Hinila nya ako na with matching masakit na pagkakahawak sa may wrist ko. Tapos bigla nya akong binitawan na padabog na muntikan na kong sumubsob.

"ANONG PANGALAWANG SABI KO? DIBA DON'T MESS WITH MY VISITORS?! Nakakaintindi ka ba?!"

"Eh sya namang nagsimula n—"

"I DON'T CARE WHO STARTED IT! If you understand what I just said, hindi mo na ulit uulitin yung ginawa mo! Hindi na kita pinagkakatiwalaan Rina simula pa lang and you know that. Kaya wag mong sayangin yung tiwala ng binigay sayo ni Uncle." Tapos umalis na sya.

Pakshet na buhay to oh! Tangina kung alam ko lang na ganto mangyayare edi sana hindi ko tinanggap tong trabahong to eh. Nangangailangan lang naman talaga ako eh! Bwisit! Bakit ba ko nahulog sa Dexter na yan dati? Anong pumasok sa kokote ko at nainlove ako sa kanya?

Niligpit ko na lang yung mga pinagkainan nila at naghugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos ng paglilinis, umakyat na ko sa bahay ko.

Ngayon ko lang narealize kung gaano ka fucked-up yung life ko.

 Nasa bahay ako ng ex kong walang kwenta tapos maid nya pa ko. Yung tatay ko naman na maganda ang buhay na nasa bahay nyang mansion kasama yung bago nyang asawa at hindi na ko sinusustentuhan. Tapos baka hindi na ko makapagenroll next sem kasi wala pa kong ipon hanggang ngayon.

Nakakaiyak na lang.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon