AMPALAYA
Minsan gulay
Madalas ugali
——-
May nakapagsabi sakin na malas daw ang Friday the 13th. Hindi naman ako naniniwala dahil bakit ka naman mamalasin na may nakatakdang date diba? Ang malas kasi bigla na lang dumarating o kaya kapag may nagawa kang mali sa kapwa mo—na a.k.a Karma. Kaya banas na banas ako ng sinabi sakin na Friday the 13th daw ngayon kaya maghanda ako sa pwedeng mangyari.
Tumingin ako dun sa maid ng tagaibang floor na condo. Sya kasi, lagi na lang sinasabi na 'Naku! Kailangan ko talagang magingat dahil Friday the 13th ngayon.' Blah blah blah. Eh nakakabanas kaya na paulit ulit mo yun maririnig. Sarap lang kutusan ng putanginang to eh.
Pagdating ko sa penthouse pagkatapos ng pagtatapon ng basura eh naglinis ako ng mga kung ano-ano. Ang aga kasi maghakot ng basura samin. Kaya kahit na puyat puyat ka, kailangan mong bumangon.
Ngayon din yung pasahan ng requirements ko para sa second year first sem. Nakapagpaalam na din naman ako kay Dexter tungkol dun na aalis ako ngayon at pinayagan nya naman ako.
"Saan ka ba nagaaral?"
"Sa Kringe University." Tapos umalis na sya nun.
Naligo ako at nagsuot ng matinong damit para sa pagsubmit ng requirements. Nakita ko namang mukhang aalis din si Dexter. Hindi ko na lang sya sinita dahil malelate nako sa usapan namin ni Leslie.
Pagdating ko sa gate ng school, may pumatak na tubig sa ulo ko. Dumami ng dumami at naging ulan. Swerte! Buti na lang nasa school na ko. Wala pa naman akong dalang payong.
Nagpunta ako sa may admission office para isubmit yun at nandun na daw si Leslie. Lumingon-lingon ako at baka makita ko si Dylan—pero wala akong nakitang Dylan.
Pumasok na lang ako sa office at nakita si Leslie. Sinave nya daw ako sa pila.
"Oh ba't mukhang nabagsakan ka ng yero?" bungad nya sakin.
"Wala kasi si Dylan. Hindi lang ako sanay." Sabi ko sa kanya. Tatlo kasi kami laging sabay magpasa ng requirements eh.
"Oo nga. Si gago kasi eh... wrong timing kung umamin." Binaliwala ko na lang yung sinabi nya sa dulo.
Tinawag na agad yung pangalan namin at nakaenroll na din ako. Yes! HAHAHA! Akala ko hindi na ako makakaenroll ngayong Year dahil kulang sa budget. Buti na lang! Hulog ng langit si Sir Greg! At si Dexter naman ay hinulog ng langit. -__- BWAHAHAHAHA!
Tinignan ko yung oras. Mas maaga kaming natapos kesa sa inaasahan ko. Akala ko kasi aabot kami ng hanggang 1 hour sa kakapila. 30 minutes lang naman pala at tapos na kami.
Inaya ko si Leslie na pumunta muna sa 7-11 at magpalamig bago umuwi. Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sya pagkatapos ng bakasyon nya sa probinsya kaso ang isang tao kapag natuto ng lumandi poreber ng magiging malandi. May date daw sila ni Kyle kaya kailangan umuwi sya ng maaga. Medyo nabadtrip ako kasi sino ba namang gustong maiwan at maging poreber alown? Kaya ayun... nagpunta na lang ako sa sakayan ng jeep.

BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Fiksi RemajaWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?