To Do List: #50

1.2K 37 0
                                    

All the plans for the cafè are running smoothly. Nagkakaproblema rin naman pero minimal lang tsaka I'm with great people so I have no worries. Projects are not meant to be perfect from the start kaya hindi ako naiinis kahit minsan nakakataranta dahil sa deadlines. Dad went to States kaya palagi akong online dahil biglaan syang tumatawag para magbigay ng tips which helps me a lot.

I was busy looking at the furnitures we bought. Gusto ko rin magcostumize ng iba pang furnitures para mas magandang tignan yung plain walls.

I was preoccupied with my checklist when my phone vibrated. I pick it up from my pocket and looked who sent a text.

Dylan: Psst. Naglunch ka na?

Serina: Not yet. Busy ako. Wag mo kong inisin.

Dylan: So pag ako nagtext, pangiinis agad? Saet ha.

Serina: Ay hindi ba? Sino kayang timang tumawag sakin nang alas tres ng madaling araw para sabihin "sabihin mo salamat shopee"? Are you bored, again?

Dylan: HAHAHHAHHA! NAKAKATAWA NAMAN TALAGA AH!

Serina: Yeah right

Dylan: Anywaaaay, can I have my lunch with you? :)

I cringe at that smiley face. He used that as a pleading look sometimes. Kakairita kasi naiimagine ko syang nakangiti na nangaasar kaya tinawanan ko sya nung isang araw nasapak e. Hindi nya sinabi kung sino pero nainis daw sa mukha nya. Sinasabi ko na nga ba, yung mukha ni Dylan pwedeng panakot sa daga tapos pwede pa sa tao, pwede pang punching bag. Multi-purpose face ba hinahanap nyo? PM na lang po.

Serina: What time?

Since malapit na rin naman maglunch time at patapos na kami rito, napagpasyahan ko nang sumabay. Medyo nagugutom na rin ako dahil light breakfast lang yung kinain ko kanina.

Dylan: is 12 okay with you?

Serina: Deal.

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at nagdrive na sa pinakamalapit na mall. Dylan will be there since ang lapit lang ng mall na yun sa school nya. Alam nyo naman mga pwestuhan ng malls, malapit sila sa mga estudyante, close friends kumbaga.

Dylan is in Med School. Nagdodoctor na si koya at he's doing well. Nagulat nga ako na gusto nya palang magdoktor samantalang ang dami nyang sinugatan na puso dati. Char. Korni mo Serina.

Ayun. Nagikot ikot muna ako bago ko sya puntahan dahil sabi nya may ipapaphotocopy lang syang modules kaya maglibot na lang daw muna ako. Maaga pa naman kaya hindi rin ako nagmamadali.

Nagpunta ako sa food court para umupo at hintayin si Dylan nang may lumapit na batang hindi ko kakilala. Akala ko naliligaw, ang cute pa naman nang hawak nyang baloon.

Kinalabit ko naman sya.

"Hello. Naliligaw ka ba?" I said why smiling to her. Ang cuteeeee! Ang pula pa ng pisngi, sarap kagatin.

Umiling naman to habang kagat kagat yung daliri nya. Nahihiya siguro.

"Sinong kasama mo dito?"

"Mama." Tinititigan nya akong mabuti parang nagaanalyze kung maganda ba ako o hindi. Judgmental na bata pa lang?

"Saan mama mo? Gusto mo samahan kita sa kanya?" Sabi ko habang nakayuko para magpantay kami ng tingin.

"Para sayo po." Sabay abot nya nung baloon na hawak nya. HALA MAY FREEBIES!! LALABAS KAYA SI JOLLIBEE????!!

"Hala. Thank you!" Nung pagkakuha ko sa kanya ng baloon, tumakbo naman agad sya. Medyo may nakita naman akong babae na mukhang nanay nya nga kaya hindi ko na lang sinundan.

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon