The weeks went by at walang distraction na naganap. Sobrang okay nga e kasi the project went smoothly. Hinihintay na lang namin yung ads and all para ready to open na yung cafè. However, yung building sa tapat namin, magbubukas na. Our goal is to open our cafè a day after they opened theirs pero napaaga ata yung plano nila kaya minove nila sa earlier date. I have no objections at wala rin akong planong iadjust yung opening namin dahil sure pa rin naman akong magkakaroon kami ng loyal costumers. Our menu is solid and the food is haven, pang student lang din ang presyo so I don't have anything to worry.What I worry right now is that Dexter is the architect of that building. Ngayon ko lang nalaman! He's been working with them for more than a year or two! Siniguro nya atang hindi ko sya mapapansin dahil nagpakabusy din ako sa trabaho ko!
I hate overthinking things. Nasanay na ako sa trabaho ko na kapag may hindi ako nagustuhan, sasabihin ko agad. Tapos sa mga employee ko, nagsasabi ako if may nasabi ba akong nakakasakit kasi ayokong magisip sa sasakyan kapag ako lang magisa ng mga bagay na baka nagawa ko sakanila na ayaw nila. Ang bigat sa loob kapag isip ka ng isip. Now that Dexter's here, nawala na naman yung sistema ko. I feel like I'm rebooting.
"So deep in the clouds of thoughts?" Napapitlag pa ako nung may nagsalita sa likod ko. Kuya Axcel. He's visiting our cafè dahil magtatry sya ng food dito. Titignan namin kung maaaprove. Sinama nya yung asawa nyang buntis pati yung 3 years-old nilang anak. Isa sila sa mga critic namin.
"Yes. I was wondering kung pang ilan nyo na bang serving ng carbonara yang nilapag namin. Wala ka pang binibigay na feedback." I said to him jokingly. Close naman kami ng asawa nya so okay lang magjoke ng mga ganyan.
"Relax, Serina! Gutom yung baby namin and she needs to be full before we give our thoughts. Ano ba kasing tinitingin tingin mo sa tapat na building?" He asked as he looks also to the window. I rolled my eyes.
Lumapit ako sa asawa nya at hinimas ang tyan nito. Swerte kasi ang buntis kaya sobrang naexcite ako nung sinabi ni Kuya Axcel na isasama nya yung asawa nya bonus pa na pati si Gab, sumama! Siguto miss nya na ako. Syempre ganda ba naman ng ninang nya!! Hihihihi!
"Kain ka lang, Sister! 'Wag mong papagutumin yang pamangkin ko ha! Tignan mo 'tong si Kuya Gab ang laki laki na! Papisil nga ako!!!" As I said it, I pinched Gab's cheek. Ang cute cute! Maraming paiiyakin to for sure!
"Mind if I join?" Said someone.
I turn around to see that someone who just walks in. I exhaled. Alam na alam ko na yung tono na yun. Tono ng sintensya. I look at him eye to eye with my boriest glare.
"Ikaw na naman?"
"Grabe ka, Serina! Anong ako na naman e ilang linggo nga tayong hindi nagkikita." Then he looked at me like he knows something is interesting.
"Iniisip mo ba ako palagi, kaya ka ganyan?" He accused me. Before I opened my mouth, he already turned to Kuya Axcel and said his greetings. Ha? Kelan pa sila naging close? May hindi na naman ba ako alam?
"Ang laki na pala ni Gab!" He said to him and they even did their hand five na may parang dance step pang nalalaman. What's happening?
"Bakit ka pala nandito, you said hindi ka pa uuwi ng Manila?"
"I decided to be here because of the opening of that building..." sabay turo nya sa tapat ng cafè. "We encountered some problems pero naayos ko na agad kaya mas napaaga yung uwi ko."
"Am I the only one weirded out with what's happening?" I asked. Kanina ko pa sila pinagmamasdan at wala man lang bahid ng pagkastranger yung turing nila sa isa't isa. Clearly, they must met somewhere else.
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?