Nung natutulog ako ng mga 5:00 nagulat ako ng nagtext si Uncle Greg. Nakalagay pa naman yung cellphone ko sa mukha ko kaya mulat na mulat ako nung binabasa ko yung text nya.
Uncle Greg: Rina see me at Good Food Resto. 7am sharp. May ibibigay lang ako sayo.
Kaya nung nagising ako, hindi na din ako natulog dahil nagprepare na lang ako ng breakfast ni Dexter. Naglinis na rin ako at naligo.
Nung pumatak na yung 6:30 nagpunta na agad ako sa Good Food Resto. Sa salamin pa lang tanaw ko na si Uncle Greg na nagkakape. Pumasok ako sa loob at nakita ko naman syang kumaway.
"Goodmorning Rina."
"Goodmorning din po Sir Greg." Nagtaka naman sya sa narinig nya.
"Sir? You used to call me Uncle. Why so formal?" hindi sya nakasuit and tie ngayon. Casual na casual talaga sya ngayon.
"Wala lang po. Naisip ko lang po kasi na kayo yung parang agency na nagrecruit sakin kaya napagpasyahan ko po na tawagin na lang kayong Sir. Paggalang na rin po yun." Ngumiti naman sya.
"I know Dexter, Rina. Sya yung nagsabi sayo na gawin mo yan no?" sabi nya sakin.
"Hindi po. Ako po talaga ang nagpasya na gawin to. Si Dexter po ay ex boyfriend ko na. Kaya siguro wala na rin po akong karapatan na tawagin kayong Uncle." Sabi ko ng nakangiti. Naisip ko lang to kagabi.
"Osige.... Oo nga pala!! Eto.." may nilahad syang sobre at iniabot yun sakin. Kinuha ko yun at tinignan.
PERAA!!! $_$ Mga mahigit 10,000 yung laman nun!
"Ibibigay ko po ito kay Dexter sir?" Natawa naman sya sa sinabi ko.
"No. It's your monthly allowance."
M-monthly allowance?!!!! 10K?! Eh 3k nga lang sapat na eh. Syempre bukod pa to sa suswelduhin ko. Tapos sampung libo!!!
"Sir Greg. Masyado naman po atang mataas to. Aanhin ko naman po yung ganitong kalaking halaga." Ngumiti sya.
"That's what I like about you Serina. You don't take advantage of the kindness of the people around you. Just take it. I'll be happier if you save that for your college." Ngumiti na lang ako. Ang bait talaga ni Uncle—este ni Sir Greg!
Kinuha ko yung 3k at tinabi ko naman yung 7k para sa college. WAHAHAHAHA! Ang bait bait talaga ni Sir Greg. First time ko lang makahawak ng ganitong kalaking pera. Yung papa ko kasi pinapadalhan naman ako laging 2,500 lang, pero nakaenroll na naman ako sa university kaya okay lang noon. Ngayon wala na talaga syang sinusustento kasi may bago na syang babae. Tsk. Buti na lang talaga at naglayas ako sa kanila.
Bumaba ako para magluto kaso pagdating naman sa kitchen nakita kong nagluluto na si Dexter ng pagkain pero prito lang naman tapos may breading. Tapos may babae na naman sa sala nya.
"Bianca gusto mo ng maanghang?"
"Sure. I like spicccceeyyy." Putanginang yan! Bago na naman yung kasama nya. Hindi na yung bwisit na manners and right conduct na girl!
Bumaba ako at sinuot yung apron ko. Nagtaka ako kasi parang hindi nya ako napapansin. Nakangiti lang sya habang nagluluto.
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?