Tagaputol ng kahoy sa may lumber shop. Tagalinis ng sasakyan sa may carwash. Tagagawa ng baradong kubeta. Tagaluto sa may carinderia. Kahit tagatanggap din ng order o ng bayad ng kostumer. ANG DAMI DAMING TRABAHO! Bakit ni isa dyan hindi ko pwedeng pasukan. Lagi na lang "Sorry pero may bago na eh." Kabwisit. Nasakin naman hinahanap nila.
-Pleasing personality
-A good team member
-At least high school graduate
Pero no luck pa rin!
Tapos babaksak ako sa pagiging MAID!!!!!!!! At ang pinakamalupit pa... MAID NG EX KO! MAID NG EX KO! MAID AKO NG EX KO! Mamamiya! Ni magusap nga hindi ko magawa nung nasa same school kami eh. Ngayon pa kayang magiging maid na nya ako.
Pagkagising ko kinabukasan, nagpasya akong pumunta kay Dylan. Sabi nya kasi pagisipan ko muna. Eh nakapagisip isip ako kagabi (hindi naman masyadong excited eh no?) bakit hindi ko tatanggapin, eh wala na naman akong feelings sa kanya. Tsaka kailangan ko ng pera, choosy pa ba ako?
#####
"Oh Rina! HAHAHAH! Laki na ng pinagbago mo ah. Hindi ka na nagtotomboy shorts? Lika pasok ka." Pumasok naman ako sa loob ng bahay nila.
Mayaman kasi si Dylan. Yung mama at papa nya businessman, tapos dalawa lang silang magkapatid. Yung kapatid naman nya nagtratrabaho na sa may states. Bakit sya walang 3k nun? Eh kasi... limited lang baon nyan. Takot kasi mama nya na baka gamitin ni Dylan yung allowance nya sa drugs. Uso pa naman daw ngayon. Kaya sapat lang binibigay sa kanya. Idagdag mo pang summer na.
"Rina! How are you? You look nice. Hindi ka na tomboy?" sabi nung mama nyang nakita ako.
"Ay hindi naman po talaga ako tomboy. Mahilig lang po talaga ako sa mga baggy shorts. He-he" sabi ko. Naku matanong pa naman tong mama nya buti na lang umalis.
Tumingin ako kay Dylan at senenyasan ko syang kailangan naming DALAWA (meaning in a private place w/o anyone) na magusap.
"Tinatanggap ko na yung offer mo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya.
"GREAT! Wait lang itetext ko si Uncle Greg. Wait here." Pinaupo nya ako dun sa may upuan sa labas ng bahay nila. Binigyan ako nung yaya nila ng juice tapos sandwich.
Mga mahigit limang minuto nakabalik na si Dylan.
"*nom nom nom* anung shaaabee? Pksnmayahbdhg hbdwdba?"
"Kadiri ka talagang babae ka! Nguyain mo nga muna yang kinakain mo bago ka magdaldal. Parang hindi babae eh!" kagaya ng sinabi nya, nilunok ko muna yung kinakain ko tapos uminom ako ng juice.
"Anung sabi ni Uncle Greg? Pumayag?" ngumiti sya at sumenyas ng oo.
"YES!"
"HEP HEP HEP! You need to meet him ASAP da—"
"SI DEX? No no no no no no no no!"
"Saglit lang! Si Uncle Greg Rina! Hindi si Dexter. Wag kang masyadong paranoid, napaghahalataan ka eh." Eto talagang si Dylan muntanga kausap minsan. Kung ano ano kasi pinagsasabi.
"Kahit kelan, okay sakin. Bukas?"
"Geh. I'll tell him. Titext na lang kita. Kay?"
"Kay."
This is it kalamansi! Haharapin ko na ang pinakamahirap na challenge sa buhay ko. De joke lang. Ang OA naman nun. HAHAHHA! Magkakaron na ko ng trabaho!! TENENENENE!
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?