To Do List: #29

3.3K 83 1
                                    

"At eto yung building ng Liberal Arts. Dito yung mga students na nag-aaral ng Psychology tsaka journalism. Meron ding radio studio sa loob."
"Ahh. Eh nasan yung building nyo?" Napatingin ako sa kanya. Building namen? Ano namang gagawin nya dun sa building namen?
"Ha? Sorry hindi ko masyadong nagets yung sinabi mo. Pwede pakiulit?"
"Nasan yung building nyo?" Nagsmile sya sakin. Creepy guy.
"Ah. Nandun sa malapit sa oval yung building namin. Bakit? May kakilala ka?" Tumingin sya sa paligid at nagsmile ulit sakin sabay iling. O-kay. Anong problema nitong ungas nato?
"Well, thank you for touring me around. Don't worry I will send your form directly to my Dad. Sure naman akong papasa ka sa taste nya." Langya to ah! Ano ako pumapatol sa DOM???
"Mawalang galang na ho sa inyo. Ang bait po talaga siguro ng Dad nyo kasi nagbibigay sya ng scholarship sa mga katulad ko... pero hindi naman po ako ganung kadesperado para pumatol sa tatay nyo. May dangal pa naman po akong natitira. At kahit kailanman hindi ko to ipagbibili para sa isang scholarship!"

Nagtataka ata kayo kung bakit ako nandito at kasama tong ingliserong anak ng nagbibigay ng scholarship. Eh kasi naman, humingi ng favor, itour ko daw sya sa buong campus. Eh ako naman game ako. Para sa scholarship ko ito mga ineng! Kahit na ang laki laki ng campus nato at nakakapagod itour ang hindi ko kakilala, basta kailangan game ako dyan.

Pero nagsisisi na ako ngayon. Napaka judgemental pala ng gagong to. Akala ko pa naman may bait na itinatago sa katawan. Eh hukayin ko na ata pati laman loob nito walaa akong makikita. Sayang, may itsura naman kaso puno ng kayabangan!

"HAHAHAHAHA! Hindi HAHAHAHAHA yun ang HAHAHAHAHHA ibig kong HAHAHAHAHA sabihinHAHAHAHAHA" -___- Ano daw?

Nagpunas muna sya ng mga luha nya kakatawa sakin tsaka nagsalita.
"Ang ibig kong sabihin may classification si Dad pagdating sa mga pinipili nyang scholars. And I'm sure isa ka na sa mga napili nya. Yun ang ibig kong sabihin. Nothing more, nothing less. And besides.....
you're beautiful inside and out. :)" tinignan ko syang mabuti at baka may hidden agenda na naman tong mokong nato. Yung mga napapanood ko kasi sa mga telenobela, maghihiganti yung sinuntok nung bida, papaibigin sya o di kaya gagawin syang alila. Naku, maid na nga ako sa bahay ng ex ko, pati ba naman sa school maid pa rin ako?! Wow ang dedicated ko naman sa pagiging maid. -___-

"At paano mo naman nalaman na maganda nga ako inside and out? Ni hindi mo nga ako kakilala eh. Malay mo isa pala akong gold digger na naghahanap lang na mapeperahan at nagkataon namang ikaw ang mabibiktima ko."
"Hindi mo gagawin yan."
"At pano mo nga nasabi? Gulo mo din ah."
"*laughs* Ang galing mo talaga umarte. Eh diba ikaw yung nanuntok sakin nung debut ng kaibigan ko kasi pinahiya ko yung kasama mo? Oh! And you really hit that hard ah. Namaga yung part na sinuntok mo for 3 days! *laughs*"

Uhmmm.... a-ano daw? Naaalala nya ako? Hindi nga? Ang galing naman ng memorya nya!
...
...
...

WHAAAATTTT??? OMG! NAALALA NYA PALA AKOOOO ! :O LAHAT NG PAGCOCOSPLAY NA GINAWA KO WALA RIN PA LANG KWENTA!! Anong gagawin kooo? Tatakbo ba ko? Lilipad? Gagapang? Ano ba? Da't pala magstart na ako ngayon no? Eh bakit hindi ko magalaw yung mga paa ko at tumakbo na?

"Uhmmmm..." ano ba dapat sasabihin ko? "Edi wow?" Napatawa sya ng malakas sa sinabi ko. Ako lang ba o talaga namang ang weird ng tao na nasa harapan ko? Eh pano ba naman , sinong matino ang tatawa sa taong sinuntok sya. Kung ako yun, malamang sinapak ko din sya. Pero etong si Ong? Weird!

"Don't worry, I'm not judging you. Hindi naman ako masama katulad siguro na nasa isip mo. Nagkataon lang na that day I was really in a bad mood. And it just happened that I am close to my boiling point and your friend triggered me so I exploded." Ah. O ngayon? Pakielam ko naman dun sa boiling point nya? Pinahiya nya kaya yung kaibigan ko.

Pero.... sige na nga! Hindi na sya masama. Pinahirapan lang naman nya ako ng beri beri layt sa pagtour sa kanya sa buong school pero nahirapan din sya kasi kasama naman sya sa pagiikot.

Una tumingin ako sa kanya habang tinitimbang ko kung totoo ba yung sinabi nya. Paano kung ngpapanggap lang to? Taa trip lang pala akong pahirapan nito diba? Hmmm...

"FINE! Kung totoo nga yung sinasabi mo, irerecommend mo ako sa tatay mo at pagnagkascholarship ako ng dahil sayo, tsaka palang ako maniniwala sa mga pinagsasasabi mo."

Tumawa na naman sya. Wew leng. Ginagawa talaga ako nitong comedian.

"Okay. Okay. We don't need to rush things right?"
"Anong rush things rush things ka dyan?! Basta! Isa tong deal! Tsaka babye na nga! Aksayado ka sa oras e!" Tapos tinanggal ko na yung wig ko, sobrang init na. Kahit na nasa harapan ko pa sya.

Naglakad na ako papuntang building namin na hindi na naman ganun kalayuan sa building na tinour ko sa kanya. Nagiisip pa rin ako sa kung paano ko mapapatunayan na hindi nga sya masamang tao.

Habang iniisip ko yun, nagulat na lang ako ng may humatak na naman sa kamay ko. Handa ko na sana syang patirin kung hindi ko lang nakita yung mukha. Eh sino ba sa kwentong to ang mahilig sumulpot sa iba't ibang lugar? Si Dylan lang naman. Tong gunggong talaga na'to.

"Gusto mo ng picture? Baka matunaw na mukha ko sa kakatingin mo eh."
"HAHAHAH! Lakas din ng trip mo no? Eh puro nga wacky pictures mo ang nakasave sa cp ko! Yung iba pa dun mukha kang gago!"
"Oh? Eh di gusto mo nga? BWAHAHAHA"
"Baluga talaga toh. San ka ba kasi nagsususuot nung bakasyon na maski ha at ho hindi mo man lang nagawa?" Bigla naman syang naging seryoso sa tanong ko.
..

..

..

..

"Nagpalaki ng katawan para mapansin mo."

"Ohh.. Huwag ka iyak. HAHAHAHA! ULOL! Lokohin mo lelang mo. May klase pa nga pala ako."
"Eto talaga si Pogi, kahit kailan hindi ako sineryoso." Tumingin lang ako sakanya.
"Dylan, ang dami na nating pinagsamahan. Tuwing natatalo si Pacquiao, mga inuman natin with truepa, mga murahan moments! Tapos isipin mo... kung sakasakaling maging tayo, pag nagbreak tayo mawawala lahat ng moments na yun! Lalo na yung mga murahan moments. Hindi ko pwedeng isakripisyo lang yun para lang sa isang relasyong hindi pangmatagalan. Kaya halika na pre, malelate na ako sa klase." Maglalakad na sana ako ng bigla nya akong pinigilan.

"Okay lang Rina, kahit hindi ka maniwala na mahal kita. Pero tandaan mo. Hindi ako susuko. Papatunayan ko sayo na mahal kita. Na kahit anong mangyari nandyan ako para sayo kahit alam kong kaibigan lang ang kaya mong ibigay."


------

AN: Sorry po sa sobrang sobrang tagal ng update. Wala po kasi sa wisyo. Tsaka sobrang busy po lately. Siguro mga bukas po may update ulet. :) hehe sorry!

I'm the Maid of My EX [Done ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon