"Pwede bang... maghiwalay ulit tayo?"
Ganito pala yun. Ganito pala yung sinasabi sa mga novels na nababasa ko. Yung tumitigil yung mundo, yung hindi ka makahinga, yung nawawala yung mga tunog na para kang nabibingi, ganito pala yun. Kaso nga lang, yung sakin, hindi dahil sa kilig, kundi dahil alam ko na kapag umandar na ulit ang oras, parehas na naman kaming masasaktan.
"Why do you have to always do the hardest part alone, Serina?" Mabagal nyang pagsabi sakin. Pinopoint out yung inis nya, yung sakit nya, yung lungkot nya sa bawat salita.
Bumalik na ang oras. Nawala na ang pagtigil ng mundo.
Oras na para harapin ang sakit.
"Dexter kahit anong gawin ko, hindi ko na nakikita yung worth ko. Dexter...."
Tumingin sya sakin na parang hindi makapaniwala.
"Serina bakit mo pa kailangan gawin to? ULIT??? Parehas naman tayong nahirapan nung naghiwalay tayo ah! Naranasan na natin kung ano tayo nang wala ang isa't isa, bakit kailangan na naman natin maranasan ulit yun??! Serina naman! Hindi pa ba ako sapat? May kulang pa ba? May dapat pa ba akong gawin?" Pagsusumamo ni Dexter sakin.
"Wala Dexter! The best ka nga e. The best ka sa pagiintindi sakin, the best ka sa mga pagpapakita na ako yung mahal mo, sa sobrang the best mo Dexter, ako yung hindi sapat sayo. Ako yung masama. Ako yung may mali. Ako yung hindi para sayo." Huminga ako ng malalim para kumuha pa ng bagong lakas ng loob.
"I know I am so selfish. I know I am a bad daughter. I know I'm not good enough for you. I made a lot of mistakes pero hindi ko yun pinagsisisihan kasi nakilala kita. You are the best thing na napunta sakin nung puro kamalian na lang yung nagagawa ko. But I think I can't hold you anymore. I feel I can't hold you anymore. Ang dami kong nagawang mali hindi lang sayo Dexter, sa tatay ko rin. That's what bothers me the most, should I still hold you even if I know in myself that I still have holes to patch? Can I still hold you even if I am not complete? Dun ko lang nalaman na hindi mo deserve yung kalahating ako, hindi mo deserve na hindi ka mahalin ng buo, hindi mo deserve na nagmamahal ka ng lubos pero yung nakukuha mo katiting lang, you don't deserve me Dexter. Mahal kita ng sobra Dexter. Sobra sobraaaa na higit pa sa sarili ko but I'm scared to take another step with you without finding myself first, to fix myself and put everything together again. This is me being selfish Dexter."
Hindi tumitingin sakin si Dexter. Nakayuko lang sya for awhile habang sinasabi ko yung dahilan ko kung bakit gusto ko ng break up.
Hinawakan nya yung dulo ng mga mata nya para magpigil ng luha. Tumingin sya sakin na naluluha pa rin yung mata nya.
"Serina.... I don't know what to say." Kinuha nya yung dalawa kong kamay at doon lang tumingin habang umiiyak.
"You are the strongest person that I know. Alam kong kaya mo lahat ibalik kung anong meron ka ng Papa mo. Alam kong kaya mo ulit mahalin sarili mo kagaya ng dati, alam mo rin na kapag may kailangan ka, you know I'm just right here waiting to help you at kapag nahanap mo na ang sarili mo, kapag nagawa mo na ang kailangan mong gawin, I'll be right here .... waiting. Kahit gaano katagal, maghihintay ako kasi ikaw lang yung babaeng minamahal ko nang ganito at wala akong ibang alam gawin kundi mahalin ka." He looked at me and smiled. He painfully smiled and hold my face with his hands.
"So I guess. This is goodbye?" Sabi nya sakin. "Nope. I don't want to end this like this. Ang corny. Hindi tayong dalawa ganito. I will move this break up tomorrow." Natawa ako kasi para syang nagpoproclaim.
"E anong gagawin natin? Gabi na. Pangsine nga tong break up scene natin e." Sabi ko sa kanya na natatawa na kahit kagagaling lang sa iyak.
"Tomorrow, I will pick you up okay? We will do some fun stuff tapos tsaka tayo magbebreak."

BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?