Pagkagising ko, ako na lang magisa sa kama. Napatayo naman agad ako at tinignan ko yung paligid. Nasan si Dexter? Tinignan ko kung anong oras na.
TAKTEEEEEEEEEE!!!! Eight na! Hindi na ako nakapaghanda ng almusal! Patay ako nito eh! WAAAHHH! Baka talaga mafired na ako nyan eh.
Nagmamadaling itinali ko yung buhok ko at lumabas na sa kwarto. Nagtaka na naman ako kasi wala na namang tao. Nasan na ba si Dexter? Nakapagalmusal na ba yun? Malalagot na talaga ako kay Sir Greg nyan eh. >__<
May narinig naman akong ingay sa labas. Parang mga boses ng mga kasama ni Dexter? Sa sobrang curious ko, lumabas ako dun sa bahay at tinignan yun.
"Hi Ate!" sabi nung isa nyang katropa. Tama ba yung pagkakarinig ko?! ATE ?! ATE DAW?!!!!! ANUNG KALOKOHAN TO?
"Ano. Kuya..." dahil in-ate mo ko "ano bang nangyayare bakit nyo dinadala yung lamesa sa may tabi ng beach?"
Nakita ko kasi sya kasama ng mga kaibigan ni Dexter na busy na busy kakabuhat ng mga upuan at lamesa. Tapos tumatawa pa sila na parang happy na happy at daig pa nanalo sa lotto.
"Ahhh. May katuwaan kasi yung tropa. Nagii-spin the bottle kasi kami at kung sino ang matapatan ng bote, maghuhubad." Sabi nya sakin.
Spin the bottle na may hubarang mangyayare? Bago yun ah!
Nagmadali akong nagluto at kumain ng almusal. Mukhang may libre pala silang almusal kaya hindi ka na kaylangang magluto. Kinain ko yun at aribang ariba akong naligo. Nagbihis na rin ako ng maayos at pumunta na kung nasan yung mga kaibigan ni Dexter.
Nakita ko yung nakausap ko sa may bar kahapon at pinagtanungan kung nasan si Dexter. Ngingiting lumapit sya sakin.
"Oh. Miss Maid, anong ginagawa mo dito?"
"Hindi Miss Maid pangalan ko no! Nandito ako kasi nakita kong nagkakatuwaan kayo." Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya.
"Pero bawal kang sumali, for boys only lang."
"Sinong may sabi na for boys only lang yan?" sabi ko sa kanya.
"Ako." tumingin kaming dalawa nung Mr. Bar dun sa nagsalita. Si Dexter.
"Ahhh. Buti na lang hindi ako girl." At ngumisi ako. Napanganga si Mr. Bar sa sinabi ko at ako naman dumiretso sa mga tropa nya.
"Ahmmm excuse me! Ako nga pala yung maid ni Dexter. Pwede bang sumali?" tumingin silang lahat na may pagtataka at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
Nagulat na lang ako nung isa-isang lumapit at nagpakilala sakin.
"Ako nga pala si Waine." Sabi nung nakashades
"Paul." Kumindat pa. Flirt. -__-
"Mike." Sabi ni kuyang blonde yung buhok.
"Eric." Sabi nung may dimples.
"Kevin, my lady." Tumatawang sabi nung nagpakilalang si Kevin at binatukan ni Mike.
"Ako nga pala si Serina. Maid ni Dexter. Nice to meet you all." Ngumiti ako sa kanila. Pumalakpak pa nga sila at humiyaw nung sinabi ko yun eh. -___- Weird.
"And last but not the least, ako si Peter." Sabi nung Mr. Bar. "So, Serina pala ang pangalan mo ah." Ngumiwi ako sa kanya nung umalis na sya. Yun yung pinakaweird sa kanila eh.
Nagtungo na kami sa may pangpang at umupo na dun sa mahabang upuan na kanina lang binubuhat nila. Kanya kanyang pwesto kami at napapagitnaan ako nina Kevin at Waine.
Habang nagaayos pa sila naguusap kaming tatlo. Si Waine pala may girlfriend na taga Cebu at si Kevin naman may nililigawan. Mga chickboy daw sila dati tapos tumino nung nakapagcollege na. Natuwa naman ako dun. Medyo naging komportable na ako sa kanila kasi ang sasaya nilang kasama.
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Novela JuvenilWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?