Madaming pasabog na sorpresa ang buhay. Minsan gusto mo na lang ipause kapag good memories na yung nangyayari. Minsan naman gusto mong itigil kapag nagiging out of hand na yung mga ganap. Hindi ko naman aakalain na ang istorya ko, maraming twist and turn, na minsan aakalain mong hindi na totoo yung mga nangyayari. Ang bigat ba?
EH KASI NAMAN ITONG SI DYLAN KELALAKING TAO AYAW BUHATIN ITONG PINAMILI NAMIN GALING SA GROCERY.
Nakakadala rin naman kasi yung kanta sa mall. Akalain mo nga namang anniversary pala nung magasawa na may ari ng grocery store kaya ang roromantic ng kanta. Si Dylan naman mukhang tanga kasi inaasar ako. Kinuwento ko kasi kay Dylan yung mga nangyayare sa buhay ko. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakasama si Dylan. Ay wait after nga pala nung dance chuchu nya ngayon na lang ulit. Medyo di naman pala mahaba. HAHAHHAHAHA Inaasar nya ako na sana since highschool sya na lang daw pinili ko kesa kay Dexter eh di sana masaya daw kami ngayon katulad nung nasa market.
So balik tayo sa kwento. Ngayon kasi ako lilipat sa apartment na medyo mura pero maganda na. Unlike nga lang sa penthouse ni Dexter na kahit nasa bubong na ata ako ng buong hotel ay sobrang maganda pa rin na tipong pag nagugutom ka baba ka lang kay Dexter ay makakapagluto ka na. Libreng aircon din pag wala amo mo HAHHAHAHAHA! Actually lumipat na nga ako ngayon pala. Tapos itong grocery na binili namin ni Dylan ay sya na nagbayad dahil ipagluluto ko daw sya ng ulam. Makikikain daw sya para parang celebration sa paglipat.
"Alam mo bilib na bilib ako sayo. Pwede kang mabuhay na marangya. Walang iniisip na gastusin at mahiga sa ginto pero anong ginawa mo? Umalis ka. Parang sinabihan mo pa yung kayamanan na nasa mga kamay mo na ng 'fuck you hindi ko kayo kailangan' and just walk out." sabi ni Dylan habang pinagmamasdan nya yung titirhan ko. Syempre mayaman pa rin 'tong isang 'to kahit ganyan umarte yan.
"Cool diba? De joke. Ang hirap pre. Wag mong gayahin ha! Alam kong may pagkagago ka pero kapag nawala din yung kayamanan mo hindi ko din alam kung paano ako makakalagpas. Ikaw bangko ko e. HAHAHAHAH!" natawa din sya.
Alam kong proud si Dylan sa akin. Lagi nyang sinasabi yan kapag nakikitang hindi madali ang mga pinagdadaanan ko. Way ng pag cheer nya sakin.
--
Tinulungan ako ni Dylan na mag-ayos sa bahay. Patapos na naman yung mga gamit kong ilipat at iayos kaso sabi nya ayusin daw namin maigi. Bumili pa nga sya ng ibang furniture na hindi ko naman kailangan. Abnoy din e. Inisip ko tuloy na ang swerte siguro ng magiging gf ni Dylan sa future.
Hinahanap nyo ba si Dexter? Nasa school pa sya at sobrang full sched nya ngayon. Sabi nya naman dadalaw sya mamayang gabi to check the place pero hindi na rin ako umaasa na pupunta sya kasi nakakapagod at medyo malayo pa to sa bahay nya. Out of the way na.
Lagi lang akong nakakareceive ng text kay kuya Axel telling me na sana kahit isang beses puntahan ko si Papa. He really wanted to see me that's what Kuya Axel said pero sakin kasi hindi pa tama na magkita kami ni Papa. Hindi ko pa kasi napapatunayan na I can be responsible without him. Babalik ako sa bahay na yun kapag may diploma na ako na ipapakita sa kanya na magsisilbing proweba ng kaya kong mabuhay na wala sya. Na hindi ako kagaya ng dati na pwedeng pwede nyang itapon kahit saan na parang pusang kapag hindi nya kailangan ililigaw na lang.
Nandun pa rin na nasasaktan ako sa mga nangyari samen ni Papa. Alam ko na may kasalanan din ako pero may mga bagay na kailangan kong gawin hindi para sa kanya kundi para rin sa akin. Totoo naman ang mga sinabi ni Dylan. Gamit ang pera nang pamilya ko kaya kong bilhin ang mga gusto ko pero aanhin ko yun kung patuloy na nasisira yung puso ko dahil sa mga ginagawa ni Papa.
Hindi naman talaga ako matapang e. Hindi ko nga aakalain na makakatagal akong wala sa poder nya. Hindi ko din pinangarap na magkalayo kami ni Papa o lumayas sa kanya. Sobrang okay kami noon kaso lahat ng bagay may katapusan.
Alam ko at nararamdaman ko na malapit na kaming magkasama ni Papa. Alam ko kasi sa sarili ko na nagmamatapang lang ako nung nakausap ko sya pero yung totoo gustong gusto ko na din bumalik.
"Bakit ang tahimik mo?" sabat na naman ni Dylan. Ang epal talaga nya kahit kelan.
"Ang galing mo kasi pala maglinis ng bahay. HAHAHAHAH ngayon ko lang napansin na hindi ka din pala tamad." sabi ko.
"Ewan ko sayo! Ikaw na ngang tinutulungan dyan e! Ay oo nga pala... may tanong ako." nacurious naman ako sa mga sinasabi nito.
"Ano yun?" sabi ko na lang. Pabitin kasi lagi yang hayup na yan e.
"Hindi... wala...wala." sabi nya bigla.
"Luh parang tanga oh. Tuloy mo na kasi!"
"Ano kasi... ganito kasi yun. Kilala mo si Yen?"
"Oo naman! Yung first love mo nung high school tama ba?"
"Eto naman eh! Parang gago. Oo na! Yung first love ko nung hs!"
"Oh anong meron kay Yen?" sabi ko.
"Wala naman. Gusto ko lang sabihin na nandito sya ulit."
"ANOOOOO?! SUSKO DYLAN! CHANCE MO NA 'TO! HAHAHAHHA!"
Oo naman! Kung iniisip nyo na nainlove ba si Dylan sa ibang babae bukod sa aki-- wait burahin ko yun ah. Kung nainlove si Dylan sa ibang babae noong nasa hs kami, aba'y syempre naman! Puberty stage alam nyo yun, hormones hormones. Syempre maraming magaganda sa school namin kaya isa na itong si Dylan sa mga nabighani.
Let me introduce Yen Pinlac.
Yen Pinlac is Dylan's dream girl when we were in high school. She is the 'dreamiest' girl in our class and of course she's one of the reasons why Dylan is having a hard time trusting his heart for a girl. Yen is not only the 'dreamiest', as Dylan describe her, but she is also very passionate in achieving her dreams. She also broke Dylan's heart for it.
Syempre sikat sikat si Yen sa pagiging all around girl noon. Lagi syang nananalo sa lahat ng contest na sinasalihan nya even outside na ng school. Ganoon din naman si Dylan. Sobrang perfect nila sa isa't isa na kahit sinong couple sa school maiinggit kasi para silang nasa koreanovela. Pero ang sad part lang is... hindi sila nagkatuluyan.
Kailangang pumili ni Yen between studying abroad at kay Dylan.
Syempre alam nyo na ang nangyari.
She didn't choose Dylan.
and now she's here, again.
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?