"—Serina?"
"Dexter?"
"Serina?!"
"Dexter?!"
"Anak ng... hindi tanong yung Serina! ANONG GINAGAWA MO SA BAHAY KO?!!!!" nakatayo lang ako dun at walang ginagawa.
Oh oww... Nakita nya na ako. EMEGEED!!! >__< De joke lang.
"Uyy Dylan! He-he-he-he musta pala?" sabi ko sa kanya. Syempre matagal kaming hindi nagkita ni Dexter diba? Dapat kamustahan muna.
"Anung musta-musta mo dyan?! Bakit ka nandito?" tinignan nya yung hawak kong basahan tsaka yung susi nya. Mukha ba akong magnanakaw? Anak naman ng tokneneng oh!
"Naglilinis." Sabi ko na parang yun na ang pinakaobvious na bagay sa mundo. Act cool. Act cool. BUSET! ACT COOL!
"Ikaw yung hinire ni Uncle Greg?"
"Oo. Ako nga. Baket? May problema ka?" Tumingin ako sa kanya.
"OO! AT BAKIT IKAW PA? ANDAMI DAMING NAGHAHANAP NG TRABAHO IKAW PA HINIRE NYA?!"
"Eh BAKET HINDI PWEDENG AKO?! MAY FEELINGS KA PA BA SAKEN?! AFFECTED KA PA NOH?!"
"ANO?! AFFECTED? AKO?! HOY SERINA AVELINO HINDI BA'T AKO ANG NAKIPAGBREAK SAYO NOON? SO KUNG MERON MAN SATING DALAWA NA HINDI PA NAKAKAPAGMOVEON BAKA IKAW YUN!!"
"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO MR. MONTENEGRO! MOVE-ON NA MOVE-ON NA KO SAYO, MATAGAL NA! WAG KA FEELINGERO! KAYA LANG NAMAN AKO NANDITO KASI WALA AKONG PERA! INALOK AKO, KAYA TINANGGAP KO! GANUN LANG YUN! END OF STORY."
"Bakit ka walang pera?" nagulat ako sa sagot/ tanong nya. Hindi na kasi sya sumisigaw.
"Papalayasin na kasi ako sa tinitirhan ko. Maliit lang kasi yung sinusweldo ko dun sa resto na pinagtratrabahuhan ko kaya naghanap pa ko ng isa pang trabaho."
"Ahhh... pero hindi ako maawa sayo. I'm calling Uncle Greg to kick you out of my house!"
Gusto ko sanang magmakaawa sa kanya kaso baka magfeeling na naman to eh. Hahayaan ko na lang si Uncle Greg na magsettle nito. Nabasa ko kaya yung contract! Sinabi dun na si Uncle Greg lang ang pwedeng magfire saken. BWAHAHAHA EAT YOUR PANIS NA PANSIT DEXTER!
Nakinig ako sa usapan nila ni Uncle Greg. Bobo kasi ni Dex, iniloudspeaker yung cellphone nya eh alam nya namang nasa tabi nya lang ako.
Dex: Diba pumayag na kong magkaron ng maid, but I'm not expecting that you will hire her! Akala ko nga matanda na yung kinuha mo tapos hindi ko kilala. Pagkakita ko na lang, Ex ko pala. What were you thinking Uncle? She's still my ex. And you know our past. Why would you trust her?
Uncle: Dexter... I trust her. It's for your benefit. Isipin mo, she knows your favorite food, your favorite shirts, and we also both know that she's hardworking when it comes to her work.
Dex: But she's still my ex Uncle! Kung pinagkakatiwalaan mo sya pwes ako hindi! I already gave her my trust nung kami pa, but she ruined it.
Uncle: Where not talking about your past relationship, all I'm saying is she's for your own good. I don't care if she's your ex. Qualified sya sa trabaho na inalok ko kaya wala ka ng magagawa dun.
Napahingang malalim si Dexter. Mukhang inis na inis sya pero pinipigilan nya lang. Inaamin ko namang may kasalanan ako kung bakit hindi na ko pinagkakatiwalaan ni Dexter. Pero sana naman hindi nya ipinamukha sakin na hindi ako katiwatiwala. Kahit naman ganto-ganto ako at may atraso ako sa kanya noon, eh gagawa na ko ng ikasasama nya. Tsaka may feelings pa rin naman ako eh. At masakit sabihan ng mga ganung salita.
Humarap sakin si Dexter na may inis pa rin. Tinignan nya ako at umiling sya.
"I will set my rules in this house. First you will not clean my room. Second you will not interfere with my visitors. You will only do what you're going to do—which is stated in your contract."
"Paano ko pananatilihing malinis yung buong bahay mo kung yung kwarto mo hindi ko malilinis?"
"Third, don't ask too many questions! Yung kwarto ko ay private. Ako lang ang pwedeng pumasok at lumabas ng kwartong yan. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo."
"And lastly, you will call me Sir."
"Okay po.... Sir."
Ang dami namang alam nito. Parang wala kaming pinagsamahan. BWAHAHAH! Ansabe ng walang pinagsamahan... Eh di tawaging syang Sir at hayaan syang ipisin sa kwarto nya. Ang dumi dumi kaya nun! Bala sya.
—-
Habang nagluluto ako sa kitchen, naglaptop naman sya dun sa may living room. Nangbiglang may nagring ng door bell nya.
"Ako na." sabi nya tapos nagpunta sya sa may pinto para pagbuksan yung bisita nya.
Tapos ko ng iluto yung ulam at kanin nya kaya aalis na sana ako. Kaso napatingin ako dun sa bisita nya. Yung kahalikan nya ata kahapon yun eh. Si Monique (tama ba?) yung girlfriend nya.
"What's the occasion?" sabi nya na parang sobrang saya nya. Arggghhh. Kakadeal ko lang ng isang sobrang maarte kahapon, meron na naman nakapasok sa bahay ng asungot. GRRRRRR!!! Allergic pa naman ako sa mga ganyan.
"Nothing... I'm just thinking that I would like you to join me for dinner. Alam mo na... pambawi sa kasalanan ko nung nakaraan." Pwede na bang sumuka? Kadiri! Hindi naman sya ganyan nung kami eh. Madalas nga kaming nagsasapakan nun tapos ngayon... ang baduy na nya!
"Okay." Sabi nung babae na masaya na naman.
Malamang... isa na naman tong mahabang gabi para sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/39002511-288-k678682.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?