"I still don't want you for my son." sabi ng mama ni Dexter.
Hindi na kami nagulat ni Dexter. Sanay na kami sa mga ganyahang linya ng nanay nya. Since first chapter ata alam na ng lahat na hindi ako gusto ng nanay nya para sa anak nya.
Sa mga kasunod na sinabi nya kami nagulat.
"But, I'm not here to yell and tear you two apart. I'm here for a proposal."
Parehas kaming lumingon ni Dexter sa isa't isa. Parehas din namin nakita na wala kaming alam kung ano ang nangyayare.
Okay. Ganito kasi yan.
A few days ago (after ng iyakan session ko kay Dex) tumawag yung mama nya sa kanya, asking us for a dinner. He refused to go (game naman ako kasi dito kayo diba masaya? Kapag may ganap samin? Char HAHAHAH) but his mom insisted. So, as a obedient son that he is, pumayag naman sya only to assure na walang pagpapahiya o walang gagawa ng eksena.
"You didn't tell me that my mom called you before? Tsaka ilang araw na nakalipas! Bakit hindi mo man lang nabanggit?" sabi nya sakin na medyo galit.
"Dexter hindi naman kasi big deal. Tsaka wala na rin naman syang sasabihin na masakit sakin. She already said so much na nasasanay na ako. Sa totoo nga namiss ko yung galit nya nung nag--"
"Serina... we agreed to be open with each other to not make the same mistakes we did last time. Itong mga pagtawag din ng nanay ko ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay noon diba?" sabi nya with holding my hand to convince me.
"E Dexter sobrang bata pa natin noon. We both know na we have grown enough to make right decisions. Isa pa, pano mo nalaman na tinawagan ako ng mama mo?" Pagkukwestyon ko.
Hindi ko sinabi sa kanya na tinawagan ako ng nanay nya. Ayoko kasing masira yung imahe ng mama nya sakanya. Tsaka magulang din naman yung mama nya e, kung nakikita nyang hindi maganda para sakanya, syempre aalisin nya kaya hindi ko pinagtanggol yung sarili ko.
Mapalad na lang ako kasi hindi tinatanong ni Dexter kung bakit mas pinili ko yung pera kesa sa kanya.
"I told you before. I know everything. I hired a private investigator. Nagtataka kasi ako kung bakit pumayag si Mama na bigyan ka ng isang milyon."
"SO DAHIL SA ISANG MILYON? HINDI DAHIL SAKIN? HOW DARE YOU!"
"EASY GIRL!" sinamaan ko sya ng tingin. Gusto nya pa atang magpatawa e.
"Sa totoo lang, I become suspicious when my mom did nothing. She's about social class and all but when I let her know you and our relationship, she didn't even budge. Since birth, pinapakialaman na ng mom ko lahat tungkol sakin, she made her own decision and she made it looks like I made that decision for myself." Napabuntong hininga sya.
"I had a hard time you know. When I lost you." Tumingin sya sakin. "That's the first time I felt that I have control over my life. You made me. You never wishes to change anything about myself and you listens. Hindi ka nakikinig sa mga problema ko dahil lang gusto mo rin magpayo, nakikinig ka kasi gusto mong makaramdam yung nagsasalita na naririnig sya. You let me live my own life, that's when I fall so damn hard for you to the point I don't want you to disappear in my life." Napangiti ako.
Umamba akong yayakapin sya pero pinigilan nya ako. "Hindi pa ako tapos, Serina." Tanginang to.
Napasorry na lang ako at hinayaan sya sa sasabihin nya.
"Kaya I did everything to find out why you became so distant. Nalaman ko na my mom paid you. Hindi ako makapaniwala nung una kasi ang bait nya naman sayo pero bakit biglang may bayaran na nangyare. So I heard from her that she really don't want you for me. Hindi nya sakin sinabi, she was just carelessly talking to her amigas at pinagyayabang nya pa kung ano yung ginawa nya."

BINABASA MO ANG
I'm the Maid of My EX [Done ✅]
Teen FictionWow lang ha. Kanina lang, kausap ko si Dylan tapos ngayon, naglilinis na ko ng kwarto ng EX ko?! Ang gulo naman yata! Basahin mo na lang kaya?