Chapter Three
Rozovsky
"Should she wear an eyeglasses for her disguise?"
"What?" Kumunot ang noo ni Ate Asherina sa kakambal niya. "She don't need it. Wala namang nakakakilala sa kaniya... All her life since she came into our family nandito lang siya sa hacienda..."
"But the Rozovskys are powerful, right? And I doubt that they haven't heard about us." Kuya Asher said.
"Adam Mikolos Rozovsky is different. He's not really involved in his family's businesses. Kaya nga iniwan niya ang Germany at nandito siya ngayon sa Pilipinas?"
Nakikinig lang ako kanila Ate Asherina at Kuya Asher. May bagong misyon kasi na binigay sa akin sina Mama at Papa, at Aldrich. At isang malaking misyon ito. Hindi na ako nagtanong kung bakit o para saan. Hindi ko rin naman ugali iyon. Sumusunod lang ako sa utos sa akin. Ganoon ako lumaki sa mga Zachmann...
Kuya Asher just shrugged to his twin sister.
Adam Mikolos Rozovsky. We will probably meet in Masbate City. Kung saan ayon kanila Kuya Asher ay kasalukuyang nananatili at nag-aaral sa isang university roon ang target. Unfortunately he's the son of our client's enemy...
"Everything's ready when you arrive in Masbate. The dorm you will live in, the university you will enter..."
Nakikinig at tumatango lang ako sa instructions sa akin. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko at nagsimula na rin mag-empake ng mga gamit ko. Hindi ko pa alam kung ano ang naghihintay sa akin sa isang bagong lugar na pupuntahan ko. All my life since I left the orphanage I've stayed here in Negros and I haven't leave this place until now. Iniisip ko kung magiging maayos lang din ba ako sa isang bagong lugar at ako lang mag-isa doon. Wala sina Ate Asherina, wala si Aldrich... I will do this mission alone and on my own...
"You have to do everything, Aeva. You have to know the target and kill him neatly and cleanly. Alam mo na ang gagawin mo." Seryosong sinabi sa akin ni Aldrich.
Tumingin ako sa kaniya. At pagkatapos ay tumango. I've been to other missions before. I also did my missions alone. Dahil hindi naman sa lahat ng oras ay kasama ko ang mga kapatid ko sa mga misyon. Pero unang beses ito na mukhang makakapagtagal ako sa isang lugar. Because my past missions were quick to finish. At ito ngayon ay iba siguro ay dahil hindi basta ang makakalaban namin. The Rozovskys are powerful and influential. Reason why I can't just kill the target now as easy as the ones I killed in the past...
"Take care, Aeva." sinabi sa akin ni Ate Asherina.
Tumango ako sa kanila ni Kuya Asher. Silang dalawa ng kambal niya ang pinakamagaan na kasama sa magkakapatid na Zachmann. With them I feel like we're still a normal human being... Because Aldrich and Levi Archibald were different...
Hindi na ako gaanong nakapagpaalam pa kanila Mama at Papa dahil wala rin sila sa hacienda ngayon at nasa ibang bansa. Wala rin si Kuya Levi at nasa isang misyon din. While Aldrich was busy pero tapos na rin naman niya akong paalalahanan sa mga kailangan para sa misyon na ito...
I just turned 18 a couple of months ago. Papasok na sa kolehiyo. Hindi pa man ako nakakapag-isip ng gusto kong kurso ay nasali na sa misyon ko ang pag-aral ng Agriculture...
Pumasok agad ako sa university sa sumunod na araw nang dumating ako sa Masbate. I live in a dorm with one girl dormmate. Medyo maingay lang siya pero nang ma realize na hindi ako makakausap ay tumigil din siya in trying to make conversations with me. I need to stay low-key and live my life here as if normally. But I just couldn't trust other people or anyone here. I'm just here for my mission and I don't really have to make or start some any connection with anyone in this place... Aside of course from Adam Mikolos Rozovsky...
Unang araw pa lang ng pagpasok ko sa klase ay nakilala ko na agad ang target ko.
I watched Adam Mikolos Rozovsky closely in our class. I don't know if I have truly developed this bloodlust, but thinking of him as my target and my only mission here makes me want to kill him right away just like all the people I killed in my past missions. I was like a killing machine... That once the button was pressed... I'd kill anyone I'm asked to...
Tahimik akong huminga at kinalma ang sarili ko. Hindi ito katulad sa mga nakaraang misyon ko. I have to be very careful. Ilang beses akong pinaalalahan at alam kong hindi ako pwedeng pumalya. I never failed in my past mission. Lahat ng iyon nagawa ko nang maayos. I was trained properly at hindi rin pumapalpak sa mga misyon nila ang mga Zachmann. There's no room for failure... Iyon na ang nakaukit sa isipan ko simula noon pa man. It's like you rather die than fail in your mission...
I immediately noticed how the girls were drawn to him. At hindi lang ang mga babae kung 'di ang mga lalaki rin naming kaklase ay maayos ang pakikitungo sa kaniya. And for the past two days na pumpasok din ako sa klase namin ay napansin ko rin na palagi ko na lang siyang nakikitang nakangiti. He was always smiling, gentle, and kind to everyone. Kahit ang mga professors namin ay mukhang paborito pa siya. Bukod pa sa maamo niyang mukha... He was like an angel in the eyes of everyone like what I've heard from our classmates...
Napatingin ako sa notebook na nasa harapan ko habang nakaupo ako rito. I know that I have to know my target... But I don't even know how to approach him... or more so make a conversation...
Lumaki ako na ang magkakapatid lang na Zachmann ang nakakasalamuha ko. Kahit pumapasok din ako sa eskwelahan noon ay wala naman akong kinakausap na iba bukod sa magkakapatid. And I don't know what to talk about with other people. I didn't see the need to talk to them. But now it's a part of my mission.
"Excuse me, the quiz is starting."
I was startled when he just suddenly talked to me. Agad akong napatingin sa kaniya na biglang nakaupo na sa tabi ko. Mukhang nagkaroon na naman ng seating arrangement para sa subject na ito. Napatingin ako sa harapan at nagbibigay na nga ng instructions ang prof para sa test. My mind was out of this classroom kaya hindi ko na namalayan na may pinapagawa na pala sa amin.
"Do you need a paper?"
Binalik ko ang tingin ko sa kaniya na muli akong kinausap. Hindi ako nakasagot agad. Pero binigyan na niya ako ng papel. "You have to hurry." he said to me.
Napatingin ako sa papel na binigay niya sa akin. Pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan. And he gave me a smile... Pagkatapos ay nag-focused na rin siya sa pagsasagot sa quiz namin. At parang doon pa lang din ako napukaw sa malakas din na boses ng babae naming prof habang nagpapa-quiz. I bit my lip and started writing on the paper he's given me. Damn it. All I think about was how to get this mission done. I almost completely forgot that I'm still a student, too.
BINABASA MO ANG
The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky
General FictionAeva Analia Zachmann. I was given a name and a home by the people I thought were family. I was trained by the man whom I thought valued me. Love...and family. Do I really know about these two things? When I thought the only thing I was certain w...