Chapter Thirty-three

857 7 0
                                    

Chapter Thirty-three

Apology

After that Adam and I talked about Mikos. Gusto na rin papalitan ni Adam ang apelido ni Mikos ng Rozovsky. Which I thought was only right since he's his son. Kaya pumayag na rin ako sa gusto niyang mangyari.

And then Adam decided at pumayag din ako na dalhin muna namin si Mikos sa Masbate. Dahil naikwento na rin niya sa bata kung saan siya nananatili ngayon and Mikos was curious and wanted to go there. At kakatapos lang ng nangyaring kinuha siya ni Kuya Aldrich. Although it wasn't really much for my son dahil kilala naman niya si Kuya Aldrich bilang tito niya at wala naman talaga itong ginawa sa kaniya. Pero parang gusto ko rin muna ilayo dito ang anak ko.

"Is this your house, Papa?" Mikos asked his father.

Tumango naman si Adam sa anak niya at ngumiti pa. "Yes, son. Do you like it here?"

Mikos nodded to his father. "Yes." And then he went in the house with Adam.

Nakasunod lang naman ako sa mag-ama. Kakarating lang namin at kakalabas lang din ng sasakyan ni Adam pagkatapos niyang mag-parked ng sasakyan sa may garahe ng bahay.

The first moments that we arrived Adam showed Mikos around the house. And my son just excitedly went with his father.

"Adam, nakapag-grocery ka ba? I mean, may maluluto ba ako sa kusina? Kasi oras na rin ng lunch. At mamaya kakain na rin si Mikos..." I said. At gusto ko lang din talaga na ipagluto ko sana silang mag-ama ngayon.

Bumaling sa akin si Adam. "I don't think so... We just arrived, at hindi ako nakapagbilin sa tauhan. Anyway, kung meron man sa kitchen I think kulang na 'yon. At baka may iba pang mga gusto si Mikos." And then he turned to his son.

"Kung ganoon... mag-grocery na lang muna siguro tayo? Maaga pa naman." I said since may malapit lang din naman na grocery sa bayan.

Adam turned to me and nodded but he turned back his attention to our son when Mikos said something.

"Are we going to stay here too, Papa? I mean me and Mama?" Mikos asked.

Pareho kami ni Adam na napatingin sa anak namin. Pagkatapos ay pareho rin kaming nag-angat ng tingin sa isa't isa. Nagkatinginan kami ni Adam bago niya rin binalik ang tingin niya sa anak.

"Yes, Mikos..." He answered our son's question.

Bumaling din sa akin si Mikos that I thought I too needed to at least nod my head at my son to not to disappoint him... Although I don't know what he truly meant by it... Kung dito ba kami tutuloy ngayon sa bahay ni Adam then yes for this little vacation... But if he means kung dito na ba talaga kami titira... I watched Adam as he conversed with our son. Pag-uusapan pa namin iyan.

Kaya naman pagkatapos lang ipakita kay Mikos ang bahay ay sumakay na rin kaming muli sa sasakyan ni Adam para lumabas at mag-grocery.

"Do you have a list of what to buy for your house?" I asked Adam who was driving.

Sinulyapan naman niya ako saglit. "No. Let's just get everything." He said.

Tumango na lang naman ako at tahimik na sa shotgun seat. While the father and son were still talking inside the car.

Pagdating namin sa grocery ay agad na rin akong kumuha ng isang cart. I offered to push it because Adam would look after Mikos inside the grocery. Kinuha ko na rin ang mga tingin kong kailangan lang namin. While Adam was spoiling Mikos with whatever our son wants to get inside the grocery store.

"Does he like that?" puna ni Adam sa kinuha kong chicken nuggets at chicken pops.

Bumaling naman ako sa kaniya at tumango. Bahagya rin akong ngumiti. "Yes, these are his favorites. Pero kumakain din naman siya ng gulay. He likes broccoli." I said.

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon