Chapter One

2K 36 1
                                    

Chapter One

Family

"Hi! I'm Aldrich. What's your name?"

I remembered how it all started. Both my parents died in a vehicular accident when I was so young and I became an orphan because there was no single relative who can take care of me. I was six years old when a couple and their son visited the orphanage I was in.

"Eva..." mahina kong naging sagot sa kaniya. Sobrang hina pa nga yata that I doubted he'd hear me but he still did. I thought he had ears that were too attentive.

"Eva..." ulit niya sa pangalan ko at ngumiti siya sa akin.

Hindi ko naman alam kung ngingiti rin ba ako sa kaniya o hindi...kaya nanatili na lang na wala halos reaction ang mukha ko.

"Son."

Pareho kaming nag-angat ng tingin sa dalawang taong dumating. Ang isa ay matangkad at malaking tao na nakasuot ng itim na suit. Ang kasama naman nitong babae ay pormal din ang pananamit. Kahit ang tindig nila ay pormal na pormal. Pati ang malumanay na kilos ng babae at pagsasalita...

"Mama, Papa." Aldrich smiled to them. "I found her. We'll bring her home with us, right?"

Unti-unti namang tumango ang tinawag ni Aldrich na Mama habang nasa akin ang mga mata nito at mukhang pinag-aaralan ako. Pagkatapos ay bumaling din ito sa mukhang asawa nga nito na siguro siya namang Papa ni Aldrich. Tumango rin ito at sabay na tumingin sa akin ang mag-asawa.

I turned to Aldrich and he gave me a reassuring smile.

I remember I was brought to the province after that. Sumakay kami ng pribadong eroplano at pagdating sa lugar ay bumiyahe pa muli gamit ang malaking sasakyan kung saan sakay ako at si Aldrich, at ang parents niyang mag-asawang sina Mr. at Mrs. Zachmann.

"Remember that you are Aeva Analia Zachmann. That's your name from now on. Don't forget that, 'kay?" Aldrich reminded me. A kind smile was still etched on his face.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya pagkatapos kong tumango sa sinabi niya habang magkatabi kaming nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan. Nasa unahan namin ang mga magulang ni Aldrich at sa pinaka-una sa driver seat ang driver at katabi nito sa front seat ang isang mukhang bodyguard din.

Ang mabait na ngiti sa akin ni Aldrich ang dahilan kung bakit napanatag ako. Kahit napunta ako sa isang lugar na hindi ko alam at unang beses ko pa lang napuntahan kasama ang mga taong ngayon ko lang din nakilala.

Binaling ko ang tingin sa mga tanawing nadadaanan namin sa labas gamit ang bintana ng sasakyan sa tabi ko. Sa labas makikita ang nadadaanan naming ekta-ektaryang taniman ng tubo. Wala kang ibang makikita kung hindi iyon hanggang sa matatanaw mo na sa isang mataas na lupa ang nakaangat na puting puting mansyon.

Magkakasunod na huminto ang mga itim na sasakyan kasama ang sinasakyan namin at iba pang nauuna at nahuhuling sasakyan sa sinasakyan namin na ang sakay naman ay mga bodyguards.

Napansin kong wala nang gate ang mismong malaking mansyon pero kanina mula sa highway ay pumasok ang mga sinasakyan namin sa isang mataas at mukhang matibay na gate bago kami muli bumiyahe pa sa nadaanang mahahabang ektaryang pananim na tubo bago narating ang mismong malaking bahay o mansyon.

At kanina rin habang papasok ang mga sasakyan namin sa mataas na gate ay napansin ko ang isang agila sa tuktok nito. It's a large figure of a black eagle. Itim din kagaya sa kulay ng buong tarangkahan. At sa baba ng agila mababasa ang mga salitang de Ávila na naka-engraved din doon.

Naunang lumabas ang mag-asawang Zachmann matapos ang mga ito pagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Sumunod kami ni Aldrich. He also offered his hand to me at may ngiti muli sa mga labi niya para sa akin. Pinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niya at nakalabas na rin kami ng sasakyan.

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon