Prologue

3.7K 52 5
                                    

Prologue

Weak

Aeva

"Kailangan mo nang umalis!" Sumabog ang pintuan ko nang nagmamadaling pumasok sa loob ng maliit kong nirerentahang kuwarto si Jose.

Wala akong ibang kaibigan kung 'di isang hardinero sa mga Zachmann. Wala rin akong maasahang pamilya... Kaya malaki ang naging tulong sa akin ni Jose simula noong nagtago ako hanggang ngayon. At ayaw kong lalo pa siyang madamay at mapahamak dahil lang sa pagtulong niya sa akin.

"Ano'ng nalaman mo? Nahanap na ba ako nina Mama at Papa? Ng mga kapatid ko?" Agad din akong napatayo sa kaninang inuupuang maliit na single bed. Kanina pa rin talaga ako hindi mapakali. Maybe it was my instinct telling me that something not good might really happen today. Na tapos na ang ilang buwan kong palipat-lipat na pagtatago at hindi habang buhay ay matatakasan ko ito.

Umiling si Jose. "Hindi, Aeva." Lumunok siya. "Bilisan mo na at tumakas ka na!"

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako agad nakakilos kaya napagmasdan ko siya nang ilang sandali. Payat na siya noon pa mang mga bata kami. Kababata ko siya at sabay kaming lumaki sa isa sa mga mansions ng mga Zachmann sa probinsya. Anak siya ng hardinero rin noon sa mga Zachmann at mas matanda lang sa akin ng ilang taon. Pero mukhang mas lalo pa yata siyang pumayat ngayon na siguradong dulot ng stress na ako rin ang nagdala sa kaniya.

I bowed my head guiltily. Part of my training was to become independent. Dahil hindi sa lahat ng panahon ay nand'yan sina Mama at Papa...at ang mga kapatid ko... I was taught to do a lot of things alone. Without really depending on anyone even to my family... At sanay naman ako sa ganoon. Hindi ako nanghihingi ng tulong sa kahit na kanino. I was used to doing things on my own.

But why now...? What changed?

Iisang tao lang ang agad kong naiisip na dahilan, why I started to depend on others, too...on someone.

Kinuha ko ang nakatago kong baril sa ulunan ng kama at kinasa ito. "Iwan mo na ako rito, Jose. Haharapin ko kung sino man ang nandiyan. Kung ang mga magulang ko o mga kapatid."

Takot na umiling pa rin siya. "Hindi sina madam... Mukhang hinanap ka rin ni Mr. Rozovsky."

My eyes widened in shock and the beating of my heart became abnormal in an instant just by hearing the name. Napalunok na rin ako kagaya ni Jose. Mas takot yata ako sa nalamang siya ang nakahanap sa akin kaysa ang pamilya ko na kilala at kinatatakutang pamilya ng mga assassins...

Wala sa sariling naibaba ko ang baril na hawak. Parang nanghihina ako bigla.

"Aeva!" gising sa akin ni Jose pero halos hindi na rin mag-focus ang mga mata ko sa kaniya. Hinawakan niya rin ako para yugyugin upang magising ako. "Kung hindi ka tatakas—wala ka na rin yatang panahon pa para tumakas. Ayos lang! Kayang-kaya mo pa rin naman silang labanan! Kahit magdala pa ng maraming tauhan si Mr. Rozovsky. Parte ka pa rin ng pamilya ng mga Zachmann kaya hindi ka dapat nila minamaliit!"

I turned my eyes to Jose after a moment of feeling lost. Tama siya. Hindi ako ganito. Hindi ako mahina. I was torturously trained to become strong. Strong enough that can also match my siblings' strength who were skilled and elite assassins.

Pero bakit...? Why... How did I become this weak? Noon ay hindi ako nakakaramdam ng takot. Kahit pa delikado rin ang mga misyon ko. Kahit na alam kong pwede ko rin iyong ikamatay. I didn't really care. But why do I care now...? Why do I feel scared when I used to be so fearless. At isa pa sa kinatatakutan.

"Oo..." Tumango-tango ako. Nawawala pa rin sa sarili at parang hindi na malaman ang gagawin. "Umalis ka na. Ako nang bahala rito." I gave my only friend a small reassuring smile.

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon