Chapter Four

897 15 0
                                    

Chapter Four

Friends

"Hey, how's the quiz?"

Hindi agad ako nakapag-react nang pagkatapos makaalis ng prof namin ay muli niya akong kinausap. Hindi na siguro dapat ako magtaka because he's friendly with everyone. And I should think that it's my chance to get close to him...

"Ayos lang..." sagot ko naman. Tho I'm not sure if I did really well with the quiz. And anyway I'm thinking that it's just for the mission. After this I can enroll again. So it doesn't really matter if I'll fail here or pass...

Lumalabas na rin ng classroom ang mga kaklase namin para sa lunch break. I usually have it alone. I buy food in the canteen and find some quiet place in the campus.

He smiled. "Will you have your lunch now? We can go together." he said.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko pang isipin kung bakit niya ako kinakausap but I remember that he converse with everyone anyway kaya normal lang siguro ito sa kaniya.

And thinking of my mission I nodded my head and went with him to have our lunch together...

As we walked sideways I can see how different our size and height are. We're both first years but he can match the seniors in his frame. Tumingin na lang ako sa nilalakaran namin. Tahimik ako kaya siguro tahimik din siya hanggang sa makarating na kami sa canteen na punuan dahil oras ng lunch break ng mga estudyante.

Nagkatinginan kami. "What do you want? I'll just buy it for you. Para ako na lang ang pipila and you can find us a vacant table here." he said.

"Hindi ako dito kumakain."

"Oh, where?"

Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. Sanay na akong kumain mag-isa at nang tahimik, but I thought again of my mission and for the sake of it I'll allow him to join me in my supposed quiet meals.

Kaya bumili lang kami ng pagkain sa cafeteria at pagkatapos ay pumunta na kami sa tahimik na likod ng gymnasium ng university. Tahimik dito at hindi mainit dahil sa mga puno sa paligid. May bench din dito kahit hindi napupuntahan ng ibang mga students.

"So you like quiet places..."

Tumingin ako sa kaniya.

"You're also quiet in our class..."

Umupo na ako roon dala ang pagkain ko. Sumunod din siya sa akin na umupo sa bench.

"I'm sorry if I'm being a bother to you..."

Bumaling ako sa kaniya sa tabi ko at umiling. "Hindi naman... Ayos lang..." I said.

Pagkatapos ay ngumiti na siyang muli. I don't know why but as I watch his smile I can feel that it's pure and nice...

Binaling ko na lang ang mga mata ko sa pagkain ko.

"I think it's good to have lunch in this peaceful place, too..." he said.

Tumingin muli ako sa kaniya. Pagkatapos ay nilingon niya rin ako. Ngumiti siya.

"Mas'yado ka rin kasing palakaibigan kaya palagi kang may kasama... At hindi ka napapag-isa..." sabi ko.

He remained looking at me. "Hmm. Maybe you're right..."

"Ayos ka lang ba na ang dami mong kaibigan? Hindi ka ba naguguluhan sa kanila?" I asked a little curiously. Because I haven't experienced having such a lot of people around me. Sa klase kasi halos palibutan din siya ng mga kaklase namin. At pakiramdam ko parang ako ang naguguluhan.

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon