Chapter Ten
Group Study
We also met the person who taught Adam how to climb trees... At ito rin ang taong pinagkakatiwalaan ni Adam dito sa estate nila. Mukhang mabait naman si Kuya Boyet.
"Madali lang din turuan itong si Adam. Lalo na at may kagustuhan din talaga siyang matuto." Boyet said. He was also smiling gently to us. I think he's a man in his early to mid thirties. At parang naging kuya na raw siya ni Adam simula nang dumating siya dito sa Masbate.
Pagkatapos makipagkuwentuhan kay Kuya Boyet ay nagpaalam na rin sina Adam na pupunta na kami sa may ilog. And Boyet just let us go.
Pagkarating sa harap ng ilog na malinaw nga ang tubig at mukha talagang malinis ay parang gusto na agad tumalon ni Paula doon at maligo. And then she started undressing herself from her summer dress. Ang panloob niya ay isa nang bikini. We already wore our swimwears kanina pa lang sa bahay ni Adam nang magpaalam kami na makikigamit na rin ng bathroom. Kaya sa loob din nitong dress ko ay isang pares din na two-piece swimsuit.
I sighed and just let Paula do her thing. Ako naman ay hindi naghubad ng dress ko at umupo na lang muna sa isang malaking bato roon.
Napansin ko rin na bumaling sa akin si Adam at napaangat ako ng tingin sa kaniya. While Paula was already enjoying the river water. Good for her.
"You won't swim?" Adam asked me and then he went to sit beside me.
Umiling ako. "Hindi siguro..." Kahit baka pilitin din ako ni Paula mamaya na maligo, knowing her. "Maligo na kayo ni Paula..." I said.
Pero umiling din sa akin si Adam. "Mamaya na siguro. O hindi na lang din since you won't swim, too..." he said.
My eyes remained looking at him. "What do you mean? Hindi ka rin maliligo dahil lang hindi ako maliligo?" Hindi siya nakasagot agad at nagpatuloy ako. "Paano kung tatalon ako sa tulay tatalon ka rin?"
He smiled at me until he chuckled. Umiling-iling siya. "I just don't want to leave you sitting alone here, all right?"
Nakatingin kaming dalawa sa isa't isa.
My lips parted. And then I forced myself to say something. "I'll be fine here alone." I said.
Pero umiling pa rin sa akin si Adam. Nagkatinginan pa kami. At sa huli ay nagbuntong-hininga ako at hinayaan na lang siya. Habang may ngiti naman sa mga labi niya.
"This place is nice..." nasabi ko habang nasa ilog sa harap ang tingin ko. Paula was still busy swimming and enjoying herself.
"Yeah... That's why I chose to come here and live here..."
Napatingin ako sa kaniya. Nang tumingin din siya sa akin ay nginitian niya ako. "Hindi ba may... ganitong lugar din sa Germany..." I said. And then I looked away. I just suddenly thought that if only he didn't come here in the Philippines... But I immediately shook the thought away. Bakit ko pa ba naisip iyon...
Tumango si Adam sa sinabi ko. "But I want to be away from my family..." he quietly said.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya. "What...do you mean..."
Bumaling siya sa akin at nagkatinginan kami. "Let's just say that I don't agree to everything my family does." he said.
Ang nalaman ko kanila Kuya Asher at Ate Asherina ay may illegal din na gawain ang pamilya ni Adam... The Rozovskys are not all clean... But aren't the Zachmanns just the same? Hindi na rin malinis ang mga konsensya namin... Why am I comparing right now is a question I have for myself. Maybe I've been just thinking too much. That's it...
BINABASA MO ANG
The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky
General FictionAeva Analia Zachmann. I was given a name and a home by the people I thought were family. I was trained by the man whom I thought valued me. Love...and family. Do I really know about these two things? When I thought the only thing I was certain w...