Chapter Twenty-six

637 11 0
                                    

Chapter Twenty-six

Girlfriend

Muli pang kusang umatras ang mga paa ko. Pero bago pa man ako makatalikod at umalis na lang sana doon, ay una na akong nakita ni Adam. I saw that Paula halted too when she noticed Adam na natigilan din. And then she followed his vision and it leads to me.

Mababa lang ang gate at sa disenyo nito ay kita lang din kung may tao sa labas. Nagtagpo ang mga mata namin ni Adam. Hindi ko na matignan si Paula na alam kong nakita na rin ako.

There was a long stretch of silence between us. Maybe from the unexpected meeting. Alam kong hindi nila ako inaasahang nandito ngayon. Until Paula spoke first.

"Aeva..." She called me.

Nag-iwas na rin ako ng tingin kay Adam at bumaling na lang kay Paula.

And then I recalled my time with Paula in the past. She was a friend to me. Naalala ko ang kakulitan niya noon na palagi na lang akong nauunang sumuko and eventually let her in my life a bit...

"Adam, si Aeva..." Tinawag niya rin si Adam na nakatayo lang doon. Pagkatapos ay unti-unti siyang lumapit sa gate at pinagbuksan ako.

Nagkatinginan kami ni Paula matapos niya akong pagbuksan. "Ikaw nga." She confirmed.

"Paula..." I tried to greet her as well...

She smiled, a bit. And then her attention went back to Adam. "Adam..." she called again. Pagkatapos ay nagtagal ang tingin niya sa tahimik lang naman na si Adam...

In the end they let me in the house. Adam was still quiet while Paula started talking to me. Nagkumustahan lang kami...

"So nasa Manila ka na pala ngayon nag-stay?" Paula asked me after I said that when she asked me where I stay now.

I just nodded. And I looked to where Adam was who remained quiet.

"Akala ko ay umuwi ka sa Negros noon, tama ba?" She asked.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga tanong ni Paula. Muli akong tumango sa kaniya. "Uh, oo. I went back to my family..." I think I couldn't continue. I can't give her all the details of what really happened after I left Masbate years back...

"Kung ganoon, paano ang naging pag-aaral mo? Sayang, you didn't graduate with us at the university..." she said.

Naalala ko. Sana nga nakapag-graduate din ako kasama nila ni Adam sa iisang university kung saan kami nag-aral noon...

I tried to smile to Paula instead. "Oo, uh, nakapagtapos din naman ako sa isang university doon lang din sa amin..." I said.

I remember back then when my family also offered me to study where I wanted... to finish my college as well. Pero nang mga panahong iyon ay may Mikos na ako. And we stayed with my family in the province. At ayaw ko rin na mag-aral pa sa malayo at maiiwan ko ang anak ko. Well, I might be able to bring him with me, pero mahirap din ang mag-aral at mag-alaga ng baby at the same time...

And also I was worried of our safety. Kaya naman pinili kong manatili sa puder ng pamilya ko at doon na lang din mag-aral sa malapit. Para makakasama ko pa rin ang anak ko at mas ligtas kami doon sa mga Zachmann...

"Mabuti naman kung ganoon." Paula smiled at me. And then she turned her eyes to Adam who was also just there near us but he just remained quiet. Kaya kami lang ni Paula ang nag-uusap.

Binalik ni Paula ang tingin niya sa akin at may ngiti muli sa mga labi niya. "Sandali lang, ha. Ipaghahanda lang pala kita ng snacks." She said.

And I was about to refuse, dahil makakaabala pa ako. Pero kumilos na si Paula doon sa kusina. Habang nakaupo naman ako rito sa may countertop ng kitchen. And as I watched Paula moved in there, I realized na mukhang sanay na sanay na siyang kumilos dito sa kusina and probably sa bahay ni Adam...

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon