Chapter Five
Hassle
I can feel the stares of my classmates. Medyo napaaga ang pagpasok ko sa eskwela at mukhang late din ang professor namin. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga titig nila sa akin. Wala pa rin si Adam. Mukhang hindi rin nalilate iyon sa klase. At mas maaga lang din talaga akong dumating ngayon. Hanggang sa dalawang kaklase ang hindi na yata napigilan ang mga sarili nila at lumapit na sa akin...
I know that they're curious with me and Adam. Being the friendly guy in our class and me who never talked with anyone before, and just suddenly became friends... I know that people might find it unexpected or even a mismatched... But I don't really care. People can keep their opinions to themselves, but there are just really like these two who seemed to be couldn't continue living their life without piquing their curiosities...
"Uh, hi, Aeva! Tama?" The first girl approached me.
Tumango lang naman ako.
"Uh... Matagal na rin sana kaming gustong makipagkaibigan sa 'yo..." said the other girl. Pagkatapos ay nagkatinginan pa silang dalawa. Ngumiti sila sa akin. "Kaya lang parang ang tahimik mo yata... at nagdadalawang-isip kaming lumapit..."
Is that so? Napaisip ako. Minsan ang obvious lang din talaga ng mga tao sa mga totoong sadya nila... Come to think of it, bakit ngayon pa sila lumalapit sa akin pagkatapos na nakita nilang mukhang nagiging magkaibigan na kami ni Adam...
Pero baka nga rin naman isa talaga sa rason na tahimik ako kaya kahit gusto nilang makipagkaibigan sana ay nararamdaman nilang parang mahirap akong i-approach. I can't just judge people, can I?
I sighed to myself. And then I just nodded my head again to them. Pareho at sabay naman silang ngumiti pagkatapos. "Ako nga pala si Mira." And then they started introducing themselves.
"Ako naman si Margarette."
Tumango lang muli ako. Pagkatapos ay nakita kong dumating na rin si Adam sa room namin at kasunod na niya ang prof. And then our class started.
First year pa lang kami at unang sem pa lang din kaya puro pa introductions sa subjects. I don't know how I'd feel about this course. But it doesn't matter. Parte lang ito ng sadya ko rito. Pagkatapos ay pwede ko pang pag-isipan kung ano ba talaga ang gusto kong tapusing course...
Napatingin ako sa sadya ko sa university na ito at sa lugar na ito. And maybe he felt my gaze on him that he stopped writing on his notes and looked my way, too. Ngumiti lang siya sa akin at medyo nabigla naman ako na binalik ko na lang ang tingin ko sa harap kung nasaan at may sinasabi pa ang prof namin.
And when lunchtime came, lumapit muli sa akin si Adam para yayain akong kumain kami na magkasama... Tinginan muli sa amin ang mga kaklase namin.
"Palagi na ba tayong magkasama sa pagkain dito sa university simula ngayon?" I asked Adam. Nag-angat din ako ng tingin sa kaniya.
Adam looked at me. Natigilan siya sa pagbubukas ng pagkain niya. And then he smiled. "Kung okay lang sa 'yo..." he said.
Tumango lang naman ako. "Ayos lang." Makakatulong din ito at mas mapapadali pa ang misyon ko.
Hindi ko pa sigurado kung bakit nakikipagkaibigan siya sa akin. He's very friendly with everybody. And maybe he just finds me a little left out... And he just genuinely wants to be my friend...
I sighed a little loudly in this quiet place where we usually eat our food. That Adam noticed right away.
"Are you all right?" he asked me.
Tumango naman ako. "Okay lang ako. Uh, may naalala lang." Hindi ko na namalayan na napapakita ko na pala sa kaniya halos ang naiisip o nararamdaman ko...
BINABASA MO ANG
The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky
General FictionAeva Analia Zachmann. I was given a name and a home by the people I thought were family. I was trained by the man whom I thought valued me. Love...and family. Do I really know about these two things? When I thought the only thing I was certain w...