Chapter Seven

767 12 0
                                    

Chapter Seven

Guard Down

"Kumusta kayo rito? Ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nilalamok dito?" Si Paula nang makalapit sa amin ni Adam at nang nagkatinginan kami ay makahulugan siyang ngumisi sa akin.

And I can't help it anymore but to just roll my eyes on her. Ngumisi lang naman siya sa akin.

"No, it's all right. Ang ganda rin pala dito sa inyo. It's quiet and peaceful here." si Adam ang sumagot sa tanong ni Paula.

Umupo si Paula sa tabi ko at ngayon napapagitnaan na nila ako ni Adam. "Oo, maganda rin talaga rito at ayaw ko na ngang umalis dito sa amin. Pero kailangan mag-aral sa bayan." she said.

Tumango naman si Adam sa tabi ko. And then the three of us just quietly watched the moon above for a while.

Hanggang sa nagyaya na rin si Paula na bumalik na kami sa loob ng bahay nila dahil lumalalim na rin ang gabi.

And when we were inside her bedroom she started annoying me about Adam. "Bakit parang iba na yata iyong tingin mo kay Adam kanina?" She teasingly said.

Halos irapan ko lang naman siya. "I wasn't..."

"Ano? Nahuli kaya kita kanina na nakatitig kay Adam!"

"Stop it. I'm going to sleep now." Humiga na ako sa tabi niya sa kama.

"Naku, umiiwas pa!"

"Shhh. Quiet. You're being loud, Paula. Gabi na at natutulog na ang mga tao rito sa bahay n'yo." sabi ko habang nakahiga nang nakatalikod sa kaniya.

She obviously sighed. "Pwede ka namang magkuwento sa akin, Aeva. Normal lang naman 'yan. At pareho tayong babae kaya naiintindihan ko." sabi pa niya.

"Shhh. I'm trying to sleep already." I just said.

"Tsk. Ang damot naman. Hindi ka talaga nag-s-share." she said.

Pagkatapos ay naramdaman kong humiga na rin siya sa tabi ko at mukhang matutulog na lang din pagkatapos niyang pinatay ang ilaw.

I sighed quietly but there's a little smile on my face before I closed my eyes.

Kinabukasan ay mukhang naging sobrang komportable yata ng tulog ko na late na akong nagising. Nakakahiya nga. When I went out of Paula's room nandoon pa ang Mama niya.

"Good morning, po..." maagap akong magalang na bumati.

Ngumiti naman sa akin ang mama ni Paula. "Magandang umaga! Halika na sa kusina at kumain ka na ng agahan." sabi nito.

Bahagya naman akong tumango at nagyuko ng ulo. "Opo, sorry, po..." I quietly said.

"Dito. Nauna nang kumain sina Paula kanina. Nang sabihin niya sa aking natutulog ka pa ay pinagsabihan kong huwag ka na munang gisingin kung masarap pa ang tulog mo at maaga pa naman. Si Adam maaga rin nagising kaya nakasabay na naming kumain."

"Sorry, po..." I said again.

Muli lang din naman ngumiti sa akin ang Mama ni Paula. Umiling siya. "Ayos lang. Sige upo ka na rito at kumain ka na muna. Nasa labas lang sina Adam." sabi nito.

Tumango na ako at nahihiya man pero nagsimula na ring kumain ng agahan dahil pinaghain pa ako ng mama ni Paula.

And then after eating breakfast and when I went out of the house I saw Adam in the backyard. Nakita ko siyang tumutulong mag-ikot ng lechon...

Ngayon na nga pala ang birthday ni Paula. At umaga pa lang ay busy na rin ang pamilya sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain para mamaya.

Napansin ko agad na wala nang damit niya pangitaas si Adam at pawisan na rin habang nag-iikot sila ng lechon...

Hindi ko maiwasang mapatingin sa hubad niyang katawan at sa mga butil ng pawis na naglalakbay pababa sa bawat bitak ng muscles niya...

"Oh. Isarado ang bibig at baka tumulo pa ang laway." Humagikhik si Paula na nasa tabi ko na.

I almost jumped in where I stood and I turned to her.

"Good morning! Hindi na kita ginising kanina dahil mukhang masarap pa ang tulog mo." She said, smiling.

I sighed. "Sana ay ginising mo ako nakakahiya naman sa nanay mo." I said. Although I should've woken up early by myself lalo at nasa ibang bahay ako.

Umiling naman siya sa akin. "Ayos lang 'yon. Si Nanay din naman ang nagsabi na huwag ka na munang gisingin kanina."

Muli na lang akong nagbuntong-hininga. Totoo nga talaga na mukhang napasarap ang tulog ko kagabi rito kanila Paula. And I realized that I kind of let my guard down... Was it because of this peaceful place? Did I feel safe here... Maybe. But it's not good.

Pinalitan si Adam ng isang pinsang lalaki ni Paula at sila ang nagpatuloy sa pag-iikot ng lechon. He saw me and then went straight to me. Halos mapaatras pa ako at hindi ko alam ang naramdaman ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Adam was smiling as he neared me.

"You're awake. It's fun to make lechon." aniyang parang bata na may nadiskubreng nakakatuwa at bumaling siya sa ginagawang pag-iikot sa lechon.

Napatango na lang ako. At napansin ko pa ang amoy niya. Kahit pawisan ay parang nandoon pa rin ang mukhang natural na bango ni Adam sa katawan niya. Though it was already kind of mixed with smoke from turning over the lechon that they were trying to get cooked.

Napatingin ako kay Adam. He's talking to me and telling me about the lechon that it's his first time doing it. Habang ako naman ay nag-focus lang yata sa boses niya habang nagsasalita siya...

I looked away and I sighed obviously. What's wrong with you, Aeva?

Why am I suddenly noticing everything he does now?

"Are you all right?"

Binalik ko ang tingin ko kay Adam. Napatingin pa ako sa katawan niya. I wanted to ask him where's his shirt. Pero napansin ko rin na wala rin damit panitaas ang kamag-anak ni Paula at dahil siguro iyon sa pag-iikot nila sa lechon at mainit...

Tumango ako kay Adam. "Uh, oo. Babalik lang ako sa loob. Tara na, Paula?"

Pinanlakihan niya naman ako ng mga mata. Tumingin ako sa iba pang trabaho roon at nakita kong mukhang wala rin naman talaga siyang ginagawa roon at tinitingnan lang din ang lechon na maluto. And fortunately Paula's mom also called us inside the house. At tumulong na rin kaming dalawa sa paghihiwa ng mga gulay para pansahog sa iba pang mga lulutuin.

At kinukulit lang ako ni Paula na magkwento pero iniignora ko rin siya. She pouted and stopped what she's doing.

"Happy birthday, Paula." I greeted her instead.

Ngumiti naman siya. "Thank you!"

"Nasa kwarto mo na ang regalo ko sa 'yo." I said.

"Awww. Nag-abala ka pa. Pero salamat. Si Adam din binigyan ako ng bag. Gustong-gusto ko nga at mamahalin pa." She said.

Tumango lang naman ako.

"Oh! Huwag kang magseselos! Niregaluhan lang naman ako dahil birthday ko." She defensively said.

I sighed obviously to her. Kung ano ano na lang talaga ang naiisip niya. "I'm not jealous. And why would I be?" I told her coldly. Nandito lang kami sa kusina at paano kung pumasok si Adam, at marinig ang sinasabi niya at kung ano pa ang isipin nito.

Pero ngumisi lang siya sa akin. "Aysus!"

I just tried to ignore her and focused with the chopping and cutting the vegetables.

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon