Chapter Twelve

756 13 0
                                    

Chapter Twelve

Forget

Umuwi na rin muna si Adam pagkatapos ng nangyari. At pagkatapos rin sinabi ni Paula na kailangan ko nang magpahinga. Adam also realized that I need rest after what happened...

"Adam," tawag ko sa kaniya nang pabalik na siya sa kotse niya.

Bumaling naman siya sa akin. "We'll talk tomorrow." was what he said.

Nakatingin ako sa kaniya at tumango na lang.

I understand that he was worried of what happened tonight...

The next day in our classes Adam was unusually quiet... But I wasn't ignored by him, too. Talagang tahimik lang siya ngayon...

But after all of our subjects and as we're about to leave the campus he finally spoke to me. "I was really worried yesterday, Aeva." he said and rested his back and head on the driver seat.

Tumingin ako sa kaniya. "I'm sorry..." I said. And I looked down to my hands on my lap.

Marahan namang inabot ni Adam ang kamay ko. And although he has held my hand before, the first time was long ago when there was a lot of students in the crowded cafeteria at that time and he had to hold my hand so we won't separate as we try to buy our food. Kapag talaga lunch time din ang break ninyo mapipilitan ka na lang ding sumiksik sa canteen para makabili ng pagkain kung wala kang dalang packed lunch. And there was already some instances where Adam just had to hold my hand when we're together since that. Pero hindi pa rin ako nasasanay.

"But what's important is that you're fine now. You're safe. Glad I was right on time..." He sighed and it was like he said it to himself.

Tumango ako. "Oo, mabuti na lang dumating ka..." I'm such a big fat liar. Alam ko naman na kahit hindi dumating si Adam ay kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko...

But to be honest there's still a part of me now that's just grateful that he came to my rescue...

Pagkahatid sa akin ni Adam sa dorm ay hindi pa niya agad ako pinakawalan. "Are you really safe here in your dorm, Aeva?" Tinanong ako nito ni Adam habang tinitingnan din niya ang building ng dorm sa harap na para bang may mali rito.

"Yes... Isang taon na rin akong nag-s-stay dito, Adam." As if I needed to remind him.

He sighed and nodded his head.

Pero sobra pa rin ang pag-aalala ni Adam kahit lumipas na ang ilang araw pagkatapos ng nangyari sa akin noong gabing iyon. He even developed a trust issue with the place where I was staying and the people around. Kaya naman isang beses ako ang nangsabi sa kaniya na kung gusto niya dalhin niya na lang ako sa bahay niya para mapanatag siya at hindi na mag-alala pa dahil malapit na ako sa kaniya...

And it was already late when I realized about it...

Inisip ko pang hindi ko iyon sinasadyang sabihin. Kaya siguro nagtagal pa ang tingin sa akin ni Adam pagkatapos ng sinabi ko sa kaniya, and his eyes also widened a fraction.

And when I thought of bawiin iyong sinabi ko, papunta na kami sa bahay niya at malapit na. Nagbuntong-hininga na lang ako nang tahimik when his car already pulled over beside his house.

"You can stay here, Aeva. We have many rooms here anyway. You can definitely use one." He said.

Naisip kong seryoso rin pala siya to really look after me...

Hindi na namin pinag-usapan pa ang makikita ng ibang tao, ang sasabihin nila at iisipin... Pero tingin ko rin ay bawal ito sa university... Hindi naman namin ipapaalam... At... iniisip ko ba talaga that we're already like living in together? I don't think this will be permanent, too. Temporary lang habang fresh pa kay Adam iyong muntikan nang mangyari sa akin...

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon