Chapter Twenty-seven

636 12 0
                                    

Chapter Twenty-seven

Misunderstanding

Wala pa akong masakyan kaya naman naglakadlakad na lang muna ako habang palayo na ako sa bahay ni Adam. Medyo natutulala pa ako sa naging usapan namin ni Paula at sa tahimik lang na reaksyon ni Adam. I didn't know what to do next...

Naisip ko si Mikos. When I left him I saw that hopeful look on his face na pagbalik ko ay maihaharap ko na sa kaniya ang Papa niya...

I sighed. At binilisan ko na rin ang lakad ko. Siguro ay babalik na lang talaga ako at kailangan ko munang pag-isipan ang susunod kong hakbang.

Iniisip ko si Adam at Paula. They've known each other since Adam met me, too. Paula was my friend and I was the one who introduced her to Adam. Noong naging kami ni Adam ay naging magkaibigan na rin sila ni Paula noon.

Kaya siguro hindi na rin nakapagtataka if they also developed feelings towards each other now...

I understand Paula... She might feel threatened because I was back as Adam's ex. She witnessed back then kung paano kami ni Adam. She saw how we cared for each other. At ngayong sila na ni Adam ang nagmamahalan... baka pakiramdam niya ay aagawin ko pa ito sa kaniya...

I have no thoughts like that. Ang gusto ko lang naman talaga kaya ako nagpunta rito ay dahil gusto ko lang makausap si Adam tungkol sa anak namin. Tungkol kay Mikos.

I decided to call my son. Kung babalik na lang muna ako ng Manila ngayon I have to tell him right away kahit dito pa lang sa phone para hindi na rin muna siya masyadong umasa na makakausap o makikita na niya ang Papa niya.

I was about to call Kuya Levi's phone but realizing that he might be still at work now, ang asawa na lang niya ang tinawagan ko na nasa bahay lang. Sinagot din naman nito agad ang tawag ko.

"Aeva. Si Mikos ba?" And then she started calling out for my son who's just probably spending time with his cousins.

"Yes, thank you ate." I said.

"Nandito na si Mikos." Pagkatapos ay binigay na nito sa anak ko ang phone niya.

"Mama?"

"Mikos."

Hindi ko alam kung ako lang ba but my son sounded like he's a little more excited to answer my call. Bumagsak naman ang kalooban ko. He's probably already expecting that he will be able to meet his Dad soon. I'm sorry Mikos.

"Mama, where are you? Pauwi ka na ba? Kukunin mo na po ako dito kanila tita?" sunudsunod niyang tanong.

I feel like he's even trying to stop himself from asking news about his father.

I sighed a little. "Uh, I think so, anak. Baka uuwi na lang muna si Mama. Uh, about your Dad..."

"Yes?"

I bit my lips. He's really indeed excited now about it. And I think I've never heard him like this before. Nakakadurog ng puso.

It was already hard raising a kid alone. Pero ang totoo pang mas mahirap ay ang wala kang ama niya na maihaharap mo sa kaniya... And a father that he's never met either. Mahirap ipaliwanag sa bata at ang sakit din isipin na nagtitiis siya even though he badly wants to meet his father, too.

I don't remember a lot about my biological parents anymore. Pero parang alam ko sa puso ko na minahal naman nila ako. I was an only child and I probably never had a sibling. Noong napunta naman ako sa mga Zachmann ay nagkaroon na rin ako ng mga kapatid.

But my life with them wasn't all normal. Dahil may tinatagong lihim ang mga Zachmann sa mga pagkatao nila. And as I became a part of their family I have as well to do the same as them.

The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon