Chapter Twenty-two
Angels Like You
Tumilapon ako nang masipa. He's a man and he's huge kaya naman naging mahirap din ang pakikipaglaban sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na nahirapan din ako. Hindi talaga basta-bastang mga tao lang ang naiinvolved sa clients at missions ng mga Zachmann. Noon pa man ay ganito na ang trabaho namin ka-delikado.
But the Zachmann siblings already grew up to this kind of life. At maging ako man ay ito na rin ang kinalakhan. But do we ever get used to this? I don't know about how my other siblings feel. Pero ako siguro kahit kailan ay hindi pa rin masasanay sa buhay at trabaho na mayroon ako.
Siguro ay dahil hindi ko naman talaga gusto ang ginagawa ko.
Bumangon ako para pulutin ang baril. When I was younger I used to be so bloody when I kill someone. Because I used knives. Hindi ko alam kung bakit ganoon, pero siguro ay dahil iyon ang unang armas na nahawakan ko noon. When I first came to the Avila mansion, the Zachmann siblings were playing at that time at naglalaro sila gamit pa ang kutsilyo. Na nang dumating ako noon ay pinahawak pa sa akin ang bagay na iyon ni Ate Asherina and even asked me to attack her with the knife.
At isa pa mahilig din si Ate Asherina sa mga kutsilyo. At magkasama kaming lumaki na tinuruan niya rin ako sa paggamit pa noon kaya naman siguro ang nangyari ay parang nakasanayan ko na rin na armas iyon.
But now that I'm older I realized na ayaw ko na sa mas'yadong madugo. That we weren't playing anymore. That it's a real world and we kill real people...
And a knife or the katana was not always a good weapon to use. In this time and age a gun will be better. Kaya naman sa mga lumipas na taon ay ito na rin ang palagi kong ginagamit sa mga misyon ko. Although I still bring small knives with me that I keep in the leg pockets of my pants for emergencies as well.
Bago ko pa man maabot ang baril ay naramdaman ko nang hinila ako ng kalaban ko sa naabot nitong paa ko.
I grunted from the pain I felt with the way he got a hold of my foot. He probably tried to twist my ankle para mahirapan akong maglakad o tumayo.
But I did not let him at sinipa ko siya sa mukha. Pagkatapos ay dali-dali kong inatras ang katawan ko at lumayo ako sa kaniya. Bumangon ako at napaupo na sa sahig. Kanina ay halos gumapang na ako. Nakuha ko na rin ngayon ang baril ko. At pagkatapos ay mabilis itong tinutok sa kalaban.
I probably already have bruises on my face as well after I noticed that I also got bruises on my arms. Mamaya pagkatapos nito ay dadamhin ko na naman ang sakit ng katawan. He's also a persistent one. Hindi basta-basta. Malakas din siya at may kakayahang patayin ako.
But I will win tonight. Because tomorrow I still have to go back and see my son.
Alam ko na may posibilidad at malaki pa ang tyansa na baka mamatay din ako sa isa sa mga misyon ko.
Do I ever get scared doing my job? Of course. Especially now that I already have Mikos. Isipin ko pa lang na iyon na iyong huling nakita ko ang anak ko, sobrang natatakot na ako. Takot na takot akong baka hindi ko na pala muling makita pa ang anak ko.
If only I grew up in a different family... Paano kaya kung iba ang nakakuha at umampon sa akin noon sa bahay-ampunan? Would I have a more normal life? Kung hindi ang mga Zachmann ang nakakuha sa akin...
At kung siguro hindi na lang nawala ang mga magulang ko... at hindi ako maagang naulila...
Many times I imagined of what would it be like if I never met Aldrich and the rest of the Zachmanns. Siguro ay mas normal ang naging buhay ko... At pwede akong maging normal lang din na tao at ina sa anak ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Rozovsky Heirs 10: Adam Mikolos Rozovsky
Ficción GeneralAeva Analia Zachmann. I was given a name and a home by the people I thought were family. I was trained by the man whom I thought valued me. Love...and family. Do I really know about these two things? When I thought the only thing I was certain w...