"hindi na siguro maiibalik noh?" Tanong ko
"Dati si Mommy yung umaasa, ngayon tayo na" sambit ni Kuya
"May sarili na silang mundo"
"Si Daddy, may Cindy, may Clyde tapos mag kakaron pa ng bagong baby"
"Si Mommy, may Melvin"
"Si Kuya Luis may ate Xandra tas soon mag kakaroon na sila ng baby"
"Samantalang tayo nakikisiksik sa mga mundo nila" sambit ko
"Gracie?" Sambit ni Kuya
"I forgot, ikaw, may Andy kana" sambit ko
"Samantalang ak~" he cut me off
"Ikaw yung araw, ikaw yung araw na nag bibigay liwanag sa mga mundo namin, ikaw yung nag bibigay ng init ng pag mamahal"
"Nabuo namin yung mundong meron kami dahil sayo, natutunan kong maging mabuting ama dahil sayo, si daddy mas naging hands on, si Mommy natutunang sumaya" sambit ni kuya
"Pero para akong bulalakaw na papasok sa mundo nyo at makikisiksik" sambit ko
"Ikaw yung bulalakaw na may magandang epekto sa pag pasok sa mundo namin, sina Tita Imee, sina Lola, dwarf planet lang sila" sambit ni Kuya
"Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dating mundo natin?" Tanong ko
"Alam kong mahirap tanggapin na yung pangarap na yung pamilyang hangad natin, ay hindi na mapapasatin" sambit ni Kuya
"Alfonso! Gracie" sambit ni Mommy
"Mom" sambit ko
"Burahin nyo ngang dalawa yang post na yan" sambit ni mommy
"Pe-pero mom" sambit ni kuya
"I said delete that pic or else" sambit ni Mommy
"What?" I asked
"Nothing, just delete that photos and go to bed lalo kana Gracie, nag papakapuyat ka nanaman sa mga walang kwentang bagay!" Sambit ni Mommy bago pumasok sa kwarto
"Sige na Grace, matutulog na ako" sambit ni Kuya
Sabay na kaming pumasok at dumeretso sya sa nursery para dun matulog katabi ni Andy.
Tinawagan ko si Kuya Luis dahil feeling ko namimiss ko na sya.
"I miss you kuya" i said
"I miss you more honey" sambit ni kuya
"Kamusta ang Oplan balik pamilya?" Tanong nya
"Okay naman kaso muka failed eh" sambit ko
"Luis Let's go " sambit ni Ate Alex
"Sige na bye" he said and drop the call off
Tinawagan ko naman si Daddy para mag open sa kanya.
"Daddy, what if?" Tanong ko
"What if ano?" Tanong ni daddy
"Dad, what if after the annulment Melvin and Mom got married?" I asked
"Greggy? Pakialagaan naman muna si Clyde, mag hapon na kayo mag kasama ni Gracie diba? Baka pwedeng itong isa muna" sambit ni Cindy
"Si-sige na dad, ingat kayo bukas sa byahe, i love you" sambit ko
"Good night baby" sambit ko
I turned off my Laptop. Inisa isa ko ang mga kwarto nila. Mommy's peacefully sleeping alone. Si kuya naman natutulog na sa tabi ni Andy.
May mga sarili na talaga silang mundo at unti unti na akong nawawala sa kanila.
Kinuha ko ang bag ko at nag decide na pumunta kay na lola. Gising pa naman sya ksi mag kausap lang kami sa text kanina.
"Aalis muna ako" sambit ko sa driver ko
"Maam? San po kayo pupunta?" Tanong nya
"Kay na Lala meldy" sambit ko
"Baka po matutulog na yon?" Tanong nya
"Hindi mag kausap kami kanina, inaantay nya ako" sambit ko
"Ihahatid ko na po kayo" sambit nya
Umalis na kami after ng ilang minutes na byahe eh nakarating na kami kay Lola.
"Lola" sambit ko ng pasok ng bahay
"Apo" sambit nya sabaya yakap saken
Niyakap ko sya ng mahigpit at bigla akong umiyak sa pag kakayakap ko
"Apo? Bakit?" Tanong nya
"May kanya kanya na silang mundo, unti unti na akong nawawala sa mga mundo nila" sambit ko
"Alam ko kung ano yung ginawa nyo kanina, apo, hindi na natin sila mapipilit na ibalik kung ano yung nararapat na meron kayo" sambit ni Lola
"Pero lola, alam ko namang mahal pa nila yung isat isa" sambit ko
"Mahal pa nga nila yung isat isa, pero para sa mommy mo, habang pinipilit nya na buuin kayo, nasasaktan ka" sambit ni Lola
"Pano na ako ngayon" sambit ko
"May sari-sarili na silang mundo pero hindi yun dahilan para maging malungkot ka, hindi yun dahilan para umiyak ka, kasi habang nabubuhay si Lola, habang andito ako hinding hindi ka mag iisa, ako apo, ako ang ituring mong mundo, hindi kita iiwan" sambit ni Lola
Niyakap ko sya at umiyak uli sa kanya. "Wag ka mawawala lola" sambit ko
"Hinding hindi" sambit ni Lola sabay halik sa noo ko
Pumasok na kami sa kwarto nya at mag katabing natulog.
BINABASA MO ANG
A Mother's Love
Science FictionA mother who's trying to have a bond with her daughter.