1YEAR LATER
"Kumain kana, masyado kang nag papakapuyat sa pag aaral mo akala mo naman sobrang talino mo!" Sambit ni Cindy
"Atleast ako nag pupuyat ako sa magandang bagay, hindi kagaya mo nag pupuyat sa kakalandi sa tatay ko" sambit ko
"Wag kayong mag away sa harap ng pag kain, mahiya naman kayo" sambit ni Kuya Alfonso
Hindi kami masyado nag uusap ni Kuya dahil alam nyang busy ako sa parating na final exams.
"Kumain kana lang" sambit ni Cindy
I already turned 20 and si Mommy 2years na syang nawawala but i am still hoping na makita sya. Gagraduate na ako ng college and i was be able to manage our company na.
"Can i check your credit card?" Tanong ni Daddy saaken
"Oh? Why?" Tanong ko
"Can i just check it?" Tanong ni Daddy
"Daddy ano nanaman ba yan?" Tanong ni Kuya
"You too Alfonso can i check your credit card?" Tanong ni Daddy
"Bakit ba dad?" Tanong ko
"Nawawalan ng pera ang kompanya, kayong tatlo lang naman nina Cindy ang kayang kumuha dun" sambit ni Daddy
"Pinag bibintangan mo ba kami dad?" Tanong ni kuya
"Hindi sa pinag bibintangan ko kayo, just making things clear" sambit ni Daddy
"Gracie ilabas mo na, wag mo ng itago" sambit ni Cindy
"Pinagbibintangan mo ba ako? Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo kung saan dinala yung perang nawawala" sambit ko
"Nag bayad ako ng tuition ng kapatid ko pero yun yung natitirang pera ni Mommy sa company nya, lahat naman ng gastos naming mag kapatid hindi namin kinuha sa bulsa nyong dalawa, more on sweldo ko at pera pa ni Mommy" sambit ni Kuya
"Even check ups ni Andy hindi namin hiningi sainyo kaya wag naman kayong ganyan mag duda saming mag kapatid" sambit ni Kuya
"Kung may dapat kang pag dudahan bakit hindi yang kabit mo? Diba may access din sya don? Why don't you try to asked her" sambit ko
"Pinagbibintangan mo ko?" Tanong ni Cindy
"Hindi kita pinagbibintangan Cindy, i am just stating facts, baka naman kasi pinadala mo ba dyan sa isa mo pang kabit" pag tataas ko ng kilay
"Mag aaway nanaman ba kayo?" Tanong ni Daddy
"No dad, i am just narrating the whole story, may isang malanding babae na sinubukang kumabit sa daddy ko at nag tagumpay sya, kaso yung kabit na yon may karelasyong iba at nakita ko 2years ago" sambit ko
"Tumigil kana Gracie! Hindi mo na talaga ako nirerespeto sa pamamahay na to!" Sigaw ni cindy
"Respect you? Why would i?" Tanong ko
"Kasi ako na ang nanay mo!" Sambit ni Cindy
"What the fuck? Hibang ka ba? No one can replace my mom!! No one can replace her!" Sigaw ko
"Sino ka ba? Sino ka para pumalit sa nanay ko? Wala kang karapatan! Kasi kabit ka lang! Uulitin ko kabit ka lang and you have no rights to replace my mom! Your nothing but a Slut!" Sambit ko, ito ang unang beses na pinag buhatan ako ng kamay ni Cindy sa harap ni Daddy. Hindi ko pinigilan ang sarili ko kay gumanti ako.
Dali dali naman akong hinila ni Kuya at hinila ni Daddy si Cindy.
"Gracie! Pwede bang tama na yang pakikipag away mo sq Tita Cindy mo! Oo! From now on she'll be in charge of everything! She'll be your mom! Dahil hindi na babalik ang mommy nyo! Hindi na sya babalik!" Sigaw ni Daddy
"Narinig mo yun? Hindi na sya babalik, kaya sa ayaw at sa gusto mo susundin mo ko!" Sambit ni Cindy
"Kahit anong gawin mo, wala ka pading karapatan" sambit ko
"Gracie tama na ano ba? Hindi mo na ba talaga babaguhin yang ugali mo? Sa oras na binastos mo ulit si Cindy at sa oras na naulit nanaman ito, umalis kana sa bahay na to ha" sambit ni Daddy
"Wow? Baka nakakalimutan nyo na pamamahay to ng mommy ko? Mas may karapatan ako kesa sainyo! Ako pa talaga yung aalis? Bakit hindi ikaw yung umalis? Bakit hindi ikaw yung mawala?" Sigaw ko
"Gracie!" Sambit ni Kuya
"Try mo daddy! Try mong mawala! Kasi hindi kita hahanapin! Kasi kaya kong wala ka! Dapat nga ikaw na lang yung nawala, dapat ikaw na lang yung namatay dahil wala ka namang kwentang tao!" Sigaw ko. Pinag buhatan ako ni Daddy ng kamay at wala namang bago dun. Hinila nya palabas si Cindy at sumakay sila ng kotse.
"Gracie! Dapat hindi mo sinigawan si Daddy ng ganon!" Sambit ni Kuya
"Kuya sobra na kasi sila" sambit ko
Bumalik na ako sa kwarto at pinag patuloy lahat ng schoolworks na kailangang ipasa bago mag finals. Lilipad ako papuntang Hawaii para sa Finals.
Aminado akong mali yung mga ginawa at sinabi ko kay Daddy. Nadala lang naman ako ng emosyon ko at dahil na din sa galit ko kay Cindy.
I tried to call him pero hindi nya sinasagot ang phone nya. Kasama nya din palang umalis si Clyde at yung bago nilang Baby.
BINABASA MO ANG
A Mother's Love
Science FictionA mother who's trying to have a bond with her daughter.