Chapter 182

458 42 3
                                        

Lumipas ang mga linggo at araw araw akong nakakatanggap ng mga regalo.

"Jona? Hindi mo ba talaga nakikita yung nag papadala nitong mga regalo?" Tanong ko

"Wala po talaga maam, minsan dumadating na lang po akong andyan na yan eh, minsan naman po inaabot saken ni kuyang guard para ako ang mag lagay dyan sa table nyo" sambit ni Jona

"Gracie? May nag papabigay daw nitong pag kain sayo sabi nung guard" sambit ni kuya Luis

"Jona pakisabihan nga yung guard na wag tumanggap ng kahit na anong padala" sambit ko

"O-opo maam" sambit ko

"Bad mood?" Tanong ni kuya bago umupo sa upuan sa harap ng table ko

"Kuya, isang linggo na yung lumilipas hindi ko padin nakikita kung sino ba talaga yang nag papadala ng mga pag kain na yan" sambit ko

"Okay relax, pinapasabi nga pala ni kuya Alfonso na iadjust daw yung pag bebeach nyo, unahin na lang daw muna yung opening nung RestoBar" sambit ni kuya Luis

"Yeah, nakita ko nga message nya, opening then celebration na lang yung sa beach" sambit ko

"Kainin nga natin tong pinadala sayo, sino ba kasi tong IVA na to?" Tanong ni kuya

"Si Mommy" sambit ko

"Ano? Anong si Mommy?" Tanong niya

"Nakakaalala na sya, ang problema ayaw naman na nya mag pakita kasi nahihiya sya... Why don't she just comeback to us diba, mas lalo lang nya tayong pinapahirapan" sambit ko

"Even herself..." Dagdag ko

"Hhmmmm, adobo, luto nga ni Mommy" sambit ni Kuya

"Ikaw lang ang may kayang gumaya sa luto ni Mom.... Kahit si Lola hindi nya magawa eh" sambit ni Kuya Luis habang kumakain

"Kaya ko nga pero hindi naman siguro ako tanga para ipagluto ang sarili ko at ipadala" sambit ko

"Umaasa ka na lang din naman..." Sambit ni kuya

"Umaasa na nga lang din ako ayaw ko pang sagadin, ayoko na nga kuya eh, nawalan na ako ng pag asa the day of the accident... Ayokong maulit yun dahil lang dyan sa pag hahabol kay Mommy" sambit ko

"Nadala na ako ng mga pangyayare" sambit ko

"C'mon grace, alam ko na gusto mo at umaasa ka pa sa pag babalik ni Mom" sambit ni kuya

"Oo nga naniniwala ako na babalik sya pero di na ako umaasa" sambit ko

"Umaasa? Naniniwala? Almost the same" sambit ni kuya

"Mr. Araneta ready na po ang conference room" sambit ng secretary ni Kuya

"Mamaya kana nga lumamon, makioag meeting ka muna kay Mr. Sandoval" sambit ko

"Maam ito na po yung mga kelangan nyong permahan para sa soft opening sa Thursday... Then ito naman po para sa preparation sa grand opening" sambit ni Jona

"Oh? Okay..." Sambit ko

Inaral ko at binasa kong mabuti lahat ng binigay ni Jona. Birthday na ni kuya Alfonso sa Wednesday at opening naman sa Thursday.

Sinisimulan na din yung grilled and seafood restaurant sa Pasay. Even yung clothing line na matagal ko ng gusto sisimulan na din.

Lahat ng pangarap ni mommy para samen eh unti unti na naming tinutupad.

"Hi Cie?" Sambit ni Kuya Alfonso

"Oh hi? Ginagawa mo dito? Not so busy sa kabilang company?" Tanong ko

"Hmmm not so, papaalam sana ako sayo eh" sambit ni Kuya

"Hmmmmm? What is it? Mag aasawa kana?" Tanong ko

"Tongek, hindi, 3days akong mawawala dahil mag stay kami sa Hangard may examination kasi kami... Kasi diba nag take ako ng short term courses for mechanical engineer" sambit ni Kuya

"So iiwan mo saken si Andy?" Tanong ko

"It's that okay with you?" Tanong ni kuya

"Oh? Oh sure, good luck ha" sambit ko

"Sige, mauna na ako, ikaw na muna bahala sa Bahay at kay Daddy" sambit ni kuya

"Okay, good luck" sambit ko

Lumbas ako ng office ko para mag ikot sa labas.

"Maam Gracie, may nag iwan po dito" sambit ng Guard

"Kanino galing?" Tanong ko

"Inabot lang po nung lalake eh" saad nya

Bumalik na ako sa pag iikot at dumating naman si Kuya Luis.

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon