Nitong araw din na to, pinabalik na kami ni Mommy Liza sa dati naming bahay. Sya na lang daw ang bahala sa kuryente at sa tubig.
"bat hindi muna mag leave si Gracie kahit 3 weeks lang" sambit ni kuya Luis
"Oo nga tas mag bakasyon kayo, sa Albay? Sa Baguio? Sa cebu? Kahit saan akong bahala" sambit ni Mommy Liza
"Okay lang saken, pero si Gracie? Mukang mas gugustuhin nun na mag trabaho na lang eh" sambit ni Daddy
"Mas iniisip nya na kayo ngayon kesa sa sarili nya... Alam mo Greggy, sobrang mahal ko ang anak nyo ni Irene kaya kahit pag awayan namin ni Bongbong, eh gagawa at gagawa ako ng paraan para mapagaan ang buhay nyo" sambit ni Mommy Liza
"Nakaupo ako sa may hagdan kaya naririnig ko ang usapan nila sa baba
"Liza, you don't have to do that... Naiintindihan naman namin ni Gracie" sambit ni Daddy
"Oh san ka galing?" Tanong ni Kuya Luis kay Kuya Alfonso na basang basa ng ulan
"Dyan lang, kaso naiwan ko yung payong ko" sambit ni Kuya Alfonso
"Dyan? Saan?" Tanong ni Kuya Luis
"Sa trabaho malamang!" Sambit ni Kuya Alfonso
"Sa trabaho lang ba talaga? Baka naman tinatakbuhan mo ang mga responsibilidad mo dito at inaasa mo kay Gracie lahat?" Sambit ni kuya Luis
"Luis!" Sambit ni Daddy
"Pinag dududahan mo ba ako Luis?" Tanong ni kuya Alfonso
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan...
"Hindi, pero ganitong araw? Di mo pa nilaan sa kapatid natin? Anong klaseng kuya ka? Iniwan mo si Gracie kahit alam mong may pinag dadaanan sya" sambit ni Kuya Luis
"Wow? Sayo pa talaga nanggaling yan Luis?" Sambit ni Kuya
"Luis naririnig mo ba yung sarili mo?..." Tanong ni kuya Alfonso
Nag umpisa na silang mag sigawan sa baba. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa pag baba o aakyat na lang din ako sa kwarto
ALFONSO
"Luis! Naririnig mo ba yung sarili mo.... Anong klaseng kuya ako?.... Wow!.... Ako lang naman po yung kuyang nag tatrabaho kahit na may problema na yung kapatid ko... Ako lang yung kuyang gagawin ang lahat para sa kapatid ko...""Hindi mo kasi ako naiintindihan.... Hindi mo ko naiintindihan kasi, ibang iba yung ginawa mo sa ginagawa ko"
"Sinasabi mo na iniwan ko si Gracie kahit may pinag dadaanan... Eh ikaw? Iniwan mo din naman kami kahit na alam mong may pinag dadaanan diba... Tas ngayon ako pa sinasabihan mo... Hibang ka na ba luis?"
"Sa bagay, ano nga bang alam mo luis?!" Sigaw ko
"Wala kang alam, wala kang alam sa mga ginawa ko..." Sambit ko
"Hindi ko malalaman kasi hindi mo pinapaalam" tugon ni Luis
"Hindi ko pinapaalam dahil sinusubukan ko kung uuwe ka samen ng kapatid mo!, Luis wala kang alam!" Sambit ko
"Ni hindi mo nga alam kung ano yung mga pinag gagawa naming tatlo mabuhay lang eh.... Hindi mo alam kung ano yung hirap na dinanas namin para lang maitaguyof ang mga sarili namin... Luis, wala ka! Wala ka nung panahong hirap na hirap kami...."
GRACIE
"Ako... Ako lahat, ako ang nag alaga, ako ang nag intindi ako lahat" sambit ni Kuya Alfonso
"Luis, inalagaan ko sina Gracie!" Sigaw ni Kuya Alfonso
"Inalagaan? Big word kuya!" Sigaw ko
"Gracie!" Sambit ni Daddy
"Big word kuya! Coming from you pa ha.... Nakikinig ako all the time.... May point ka! May point yung pinag lalaban mo pero lumampas ka eh" sambit ko
"Ano?" Tanong ni kuya
"Inaalagaan? Nag aalaga? Ikaw?? Kuya naman niloloko mo ba sarili mo?"
"Kuya, ako nga tong nag aalaga sainyo eh, kahit pagod na pagod na ako sa trabaho pag dating ko ako pa din ang gagawa ng lahat..."
"Uuwe ako, mag lalaba, mag luluto, mag aasikaso kay Daddy, pag dating mo inaasikaso ko kayo ni Andy.... Kuya!! Hinahayaan kita mag pahinga kasi alam ko yung pagod mo" pag iyak ko
"Alam ko yung pagod mo pero yung pagod ko Hindi mo man lang inalam.... Hindi mo man lang ako tinanong kung ayos lang ba ako.... Kung ano yung nararamdaman ko wala kang tinanong...." Pag hagulhul ko ng iyak
"Di ko kayo sinisisi sa pagod ko pero lintek na yan... Wag kayong mag away sa harapan ko... Wag kayong mag sumbatan na parang kayo lang ang napapagod at nag sasakripisyo sa pamilyang to dahil ako din naman!!!" Sigaw ko
"Tumigil na nga kayong tatlo" sigaw ni Mommy Liza
"Pagod na pagod na akong maging kapatid nyo... Pagod na pagod na akong lumaban para mang sainyo" pag iyak ko
"Gracie!" Sigaw ni daddy pag katapos ko mag walk out

BINABASA MO ANG
A Mother's Love
Fiksi IlmiahA mother who's trying to have a bond with her daughter.