It's been a month since nung plane crash. Wala pa din kaming balita kay Mommy. Naretrieve na last week yung body ni Melvin. Kasama pala siya ni Mommy papuntang Thailand.
Nag sagawa na din ng search and rescue operation kung san nakita yung body ni Melvin pero hindi nila natagpuan si Mommy.
"Gracie? Natapos mo na ba yung project mo? Gawin mo muna yun" sambit ni kuya
"Tapos na" sambit ko
Papunta kami nina daddy sa kabilang bahay. Nang makarating kami sa tapat eh nagulat kaming may nag funeral service. Dali dali akong bumaba para tingnan sila sa loob.
"Mama? Ano to?" I asked
"Gracie anak" sambit ni Papa Tommy
"What's this? Sinong namatay?" Tanong ko
"To have a fresh start, we need to let go na" sambit ni Lola
"Wh-what?" I asked
"Ano to?" Tanong ni Daddy
"Do-dont tell me? Pag lalamayan nyo si Mommy?" I asked
"To start a new beginning Grace" sambit ni Mama
"N-no! Wala pa nga tayong nakikitang dead body diba? Bat natin pag lalamayan?" Tanong ko
"Mama and I decided na mas makakabuti to para sa bawat isa, para makapag simula tayo ulit" sambit ni Mama Imee
"No! Mama! Lola? Bat susuko na kayo kagad" sambit ko
"S-sorry pero isang buwan na din apo, tapos nakita na yung bangkay ni Melvin" sambit ni Lola
"What? Ganon na lang yon? Susuko na kayo kagad? Hindi pa naman natin nakikita yung katawan ni Mommy ah" sambit ko
"Pinatigil na din nila yung search and rescue operation" sambit ni Kuya Luis
"Ano? Bakit?" Tanong ko
"Kapatid kami at nanay nya din si Mama, may karapatan kaming mag desisyon, kaya itigil na natin to dahil hindi na natin makikita si Irene, hindi na babalik si Irene dahil wala na sya" sambit ni Mama Imee
"Excuse me lang po, Anak kami, anak ako, kaya mas may karapatan kaming mag desisyon!" Sigaw ko
"Ano ipag papatuloy nyo yung pag hahanap?" Sigaw ni Mama
"Itutuloy namin, at kung gusto nyo pag lamayan yung nanay ko, sige gawin nyo, at kung ayaw nyong tulungan kami wala kaming pakelam dahil hindi namin kailangab ang tulong nyo" sigaw ko
Binitbit ko lang ang bag ko palabas ng bahay at sumunod naman na sina kuya. Umiyak lang ako sa kotse at inuwe na nila ako sa bahay.
Dumeretso na ako sa kwarto ni Mommy at kumuha ng damit nya bago nilatag sa kama at humiga. Hindi ko mapigilan ang iyak ko kaya umiyak sko habang yakap ang mga damit ni Mommy.
"Gracie open the door please andito si Michael" sambit ni Daddy
"No i hate you all" sigaw ko
"Gracie, dito na ulit titira si Daddy, its for our own good" sambit ni Kuya
"I don't care" sigaw ko
"Hayaan na natin" daddy said
Itinulog ko na lang ulit lahat ng sakit na nararamdaman ko. Unti unti kong nararamdama ang pangungulila kay Mommy.
Umaga na nung nagising ako kaya bumaba na ako para kumain. Naalala ko na hindi pa pala ako kumakain mula pa kahapon.
Nakita kong nakaupo na sila sa dining kasama si Cindy. "Anong ginagawa nya dito?" Tanong ko
"She's living with us" sambit ni Daddy
"What? Ba-bakit?" Tanong ko
"She's pregnant" sambit ni Daddy
"Akala ko ba nakunan sya?" Tanong ko
"No, nag bleed sya pero mas malakas ang kapit ni Baby" sambit ni Daddy
"So dito sya titira?" Tanong ko
"Yes" tugon ni Daddy
"Just to have a fresh sta~" i cut him off
"Don't tell me agree ka sa ginawa nina Mama Imee na pag lamayan si Mommy kahit walang body na nakita" sambit ko
"Anak tama naman sila eh" sambit ni Daddy
"Tama? Anong klaseng tao po ba kayo? Para hindi ako maramdaman? Anong klaseng ama at asawa ka po ba?" Tanong ko
"Besides walang karapatang tumira yang kabit mo dito sa pamamahay ni Mommy" sambit ko
"Wala kang karapatan mag desisyon Gracie, ama mo pa din ako at kasal pa kami ng Mommy mo kaya nasaken pa din ang desisyon" sambit ni Daddy
"May karapatan akong mag desisyon dahil anak ako ng nanay ko, pero dahil may respeto pa din ako sainyo bilang ama ko, hahayaan ko na kayo, pero walang karapatan yang kabit mo na mag desisyon sa pamamahay na to" sambit ko bago nag lakad palabas ng bahay at sumakay sa kotse
Kakain na lang ako sa labas kesa sumabay sa mga taong hindi marunong makiramdam. Hindi ko kayang tanggapin na pag lalamayan nila si Mommy ng hindi man lang natatagpuan ang body nya. Pano kung buhay pa sya ano na lang mang yayare sa mga ginawa nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/290736610-288-k43548.jpg)
BINABASA MO ANG
A Mother's Love
Science FictionA mother who's trying to have a bond with her daughter.