Chapter 140

427 51 20
                                    

DANILO

Isang taon na ang nakakalipas ng may natagpuan kaming babaeng palutang lutang at walang malay. Hindi nya matandaan kung sino siya.

"Papa si Mama?" Tanong ni Danica

Tinuring ng nanay ni Danica yung babae at tinuring na din nyang anak si Danica. Since hindi nya matandaan ang pangalan nya ay tinawag na lang namin sya sa kung anong pangalan ng dati kong asawa.

"Veronica!" Malakas na sigaw ni Danica

"Anong sabi mo?" Tanong ni Veronica

"Joke lang, mama kamusta ka? Di ka na ba nahihilo?" Tanong ni Danica

"Hindi na anak, umuwe na nga tayo mag luluto ako ng paborito nyo" sambit ni Veronica

Sa loob ng isang taon na pag sasama namin hindi ko lubos isipin na maniniwala syang asawa nya ako at anak nya si Danica. Hindi ko din naman alam kung anong nang yare sa kanya at kung bakit sya palutang lutang sa gitna ng dagat.

"Ang sarap ng buhay dito sa mindoro ano? Pero siguro mas masaya kung makakapag aral ka sa maynila" sambit ni Veronica habang nag gagayat ng mga gulay

"Papag aralin mo po ako sa maynila?" Tanong ni Danica

"Bakit hindi, hahanap ako ng trabaho sa maynila at kapag nakahanap na ako ng maayos at magandang trabaho hahanap ako ng mauupahang bahay, tas dadalhin ko kayo ng papa mo don" sambit ni Veronica

Paano kung may pamilya kana pala at nasa Maynila lang sila. Paano na si Danica?

GRACIE

I am finally third year college, i am on my second semester na. Isang taon at kalahati na lang gagraduate na ako pero hindi pa din namin nahahanap si Mommy.

Hindi na din kami nag uusap nina Mama Imee at nina Lola Meldy. Mula kasi nung nag kagulo about dun sa ginawa nilang burol eh hindi na nakipag usap sa kanila. I don't know, maybe they blocked me on thei social media kasi hindi ko na din sila na kikitanv nag popost.

Si Kuya Luis lumayo na muna samin. Si kuya Alfonso kasama namin sa bahay. Ganon din si Daddy, si Cindy namatay yung baby nila ni Daddy pero ewan ko ba sa babaeng to apaka kati buntis nanaman eh.

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na oh?" Tanong ni Cindy

"Madami akong ginawa eh" sambit ko

"Madaming ginawa? Madaming ginawang kalandian" sambit ni Cindy

"Wag mo nga akong igaya sayo!" Pag irap ko sa kanya bago nag lakad papasok ng kwarto

Nagulat ako ng makita kong nag kanda punit punit yung teddy bear na binigay ni Mommy saken nung birthday ko.

"Putang in~" sigaw ko

"Gracie!" Sambit ni Kuya

"Pinapasok mo ba yung anak mo sa kwarto ko?" Tanong ko

"Bakit?" Tanong ni Cindy

"Alam mo ba kung anong ginawa nya sa teddy bear ko?" Tanong ko

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon